Chapter 19 - Mountain of feelings (Part 2)

11.1K 343 62
                                    

"Gising na." Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Ezekiel na nakadungaw sa may labas ng tent. Kaagad kong hinanap si Jade na nasa katabi ko matulog kanina pero wala na siya sa tabi ko.


"Mas maagang nagising si Jade. Nasa labas na siya."


"Okey." Tinakpan ko ang bibig ko dahil pakiramdam ko ay bad breathe naman ako. Tumawa si Ezekiel.


"Magsuot ka ng jacket malamig sa labas." Tumango ako. May naamoy naman akong masarap sa labas. Kinuha ko ang jacket ko matapos ay itinali ang buhok ko. Lumabas na ako ng tent at nakita kong nagluluto si Ezekiel gamit iyon portable gas. Napangiti ako.



Tumingin ako sa paligid namin at lahat ay nagluluto. Mukhang ako lang ang nalate ng gising. Naupo ako sa tapat ng nilulutuan ni Ezekiel at talagang nakakunot pa ang noo niya habang nagluluto.


"Anong niluluto mo?"


"Chicken soup. Naluto ko na 'to sa bahay iniinit ko lang."



"Smells good and looks good too." Sabi ko sabay tingin sa niluluto niya.



"Well, I need to impress my girl." Sabi niya sabay kindat. Natawa ako. "This is ready. Please pass me the cup beside you." Kinuha ko ang cup na sinasabi niya at nilagyan niya ng laman. Malamig ang hangin kaya tamang-tama ang niluto ni Ezekiel. Hinawakan ko ang cup na nilagyan niya. Ang init.


"How was it?" Pagkasubong-pagkasubo ko ay tanong niya.


"Good. Ang sarap. Naniniwala na akong marunong kang magluto." Ngiting-ngiti siya sa akin.



"Would that mean you are impressed?" Tumango ako. Masarap talaga at impressed ako na marunong siyang magluto. Para lang si kuya. "Sinasagot mo na ba ako?"



"Ezekiel...please." Tumawa siya.



"I'm just joking. Kumain ka na. Maaga pa tayong aalis."

...

After the laborious climbing narating namin ang summit ng Mt. Rikna. Mas mataas ito kesa sa una namin pinuntahan at mas maganda ang view mula sa taas.


Iyon mga mukhang mountaineers na kasama namin ay kumukuha na ng litrato nila. Iyon dalawang turistang babae ay masayang-masaya na nagtatalon at sumasayaw. Ang guide naman namin ay abala sa pagpapaliwanag ng hindi ko maintindihan. Wala naman kasing nakikinig sa kanya. Si Ezekiel naman ay nasa isang tabi kasama si Jade nakaupo at nakapikit. Gaya ng ginawa niya sa naunang naakyat naming bundok. I wonder what he is thinking while at it. Mukha kasing napakapeaceful niya. Naupo rin ako ng sarili ko lang. Ginaya ko si Ezekiel at pumikit saka huminga ng malalim. Narinig ko nag-iingay iyon dalawang babaeng turista kaya napamulat ako. Nakita ko ang tinuturo nila. Sumisikat na pala ang araw. Hindi ako nakapagsalita sa ganda nito habang unti-unting lumalawig ang sakop ng liwanag nito. Ang ganda.



"Beautiful isn't it?" Lumingon ako at nakita ko si Ezekiel na nakatayo sa likuran ko. Tumabi siya sa akin at umupo rin.



"Yeah, iyon sight na ganitong kaganda ang mahirap makita. Napakarare. Ang ganda lang talaga." Pinagmamasdan ko ang pagkalat ng liwanag sa langit. It is a sight to behold. Kung ako ito dati baka kinuhanan ko na ito ng litrato pero sa natutunan ko kay Ezekiel some of the moments are better experienced first hand than capturing it in a photograph. Isa ito sa mga moment na iyon.



"Actually this scene is always happening everyday but we always take it for granted. Sometimes we have to look beyond what our eyes can see even from the simplest of things to see the true beauty of something. And that true beauty is really rare." Lumingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya at nakatingin na pala siya sa akin. He was just staring at me and he didn't speak any word that moment. Nanahimik rin ako. There is something in the way that he looked at me that warmed my heart.



Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon