Chapter 17 - One week

10.6K 343 91
                                    

"Hi Niel!" Bati sa akin ni Kuya Mark ang isa sa mga barkada ni kuya. Mukhang natuloy na rin silang magkita-kita at talagang sinuggest pa ni kuya na sa bahay namin ang venue.

"Hi Kuya Mark! Long time." Ang laki ng pinagbago ni Kuya Mark. Lumaki siya horizontally. Siya pa naman ang pinakapatpatin noon una.

"Oo nga eh. Alam ko na nasa isip mo na ang taba ko. Well, ganyan talaga kapag nagkakaasawa, ang sarap magluto ng asawa ko Niel. May catering business kami ha kapag kinasal ka." Napatawa ako sa sinabi niya. "At may mga babies na ako. I show you the photos." Mabilis na kinuha pa ni Kuya Mark ang phone niya at pinakita niya sa akin ang photos ng dalawang anak niya. Ang isa ay 6 months na baby boy at isa ay 2 years old na little girl.

"They are so cute kuya! Buti kahawig ng asawa mo." Biro ko pa.

"Ay hindi kaya, kamukha ko kaya ganyan kagwapo at kaganda."

"Sige na nga. Tuloy ka na doon sa likod ng bahay kuya. Doon ang kainan ba o inuman?"  Nagpaalam na si Kuya Mark sa akin. Alam na naman niya ang pasikot-sikot ng bahay dahil noon panahon kabataan nila ay halos araw-araw nandito sila sa bahay.

Dumating na rin ang ilang pang kabarkada ni kuya na si Matt, Jude, Peter at Luke. Ang laki rin ng pinagbago nila gaya ng pinagbago ni Kuya Mark. Lahat sila ay may asawa na. Mukhang sa barkada nila sila Kuya, Seth at Ezekiel na lang ang ang single. Speaking of Ezekiel, I really hope na hindi na lang siya magpunta, mas mabuti. Busy naman siya sa palagay ko.

"Ikaw nagluto, Niel?" Tinulungan ako ni Seth na dalhin ang ilan pagkain sa may maliit na kubo sa likod bahay. Doon kasi ang dati nilang tambayan at venue na rin ng reunion nila.

"Kami ni Mama. Pero iyan dala mo ako nagluto." Dala kasi ni Seth ang sisig.

"Masarap ito sa palagay ko." Napangiti naman ako.

"Tikman mo muna Seth bago ka magcompliment."

"Gusto ko na nga eh. Excited na ako."

"Bakit di mo sinama si Esther?"

"May review siya ngayon, Niel. Sabihin kong pumunta kapag natapos."

"Sige-sige." Narating na namin ang kubo at napangiti naman ako sa itsura nila kuya at ng mga barkada niya. Ibang-iba na sila. Kung dati nakikita ko silang mukhang nag-aadik na tambay sa kanto na walang ibang ginawa kundi tumutugtog ng gitara ngayon naman ay mukhang dignified na silang lahat. At hindi na gitara, sapatos o kung anu-ano ang pinag-uusapan nila. Base sa mga narinig ko babies na nila ang pinag-uusapan nila. Nakakatuwa. Nahuhuli na si kuya talaga.

"Kumain na tayo." Yakag pa ni kuya pagkaayos namin ni Seth ng mesa. Alas-kwatro na ng hapon at dapat ay merienda lang pero panghapunan na ang pinaluto ni kuya. Mukhang magtatagal sila. May ilang alak rin kasi ang inihanda ni kuya.

"Ikaw nagluto, Niel?" Sunud-sunod na tanong nila.

"Iyon iba lang." Sabi ko sabay ngiti.

"Ganda ni bunso ngayon, ano?" Salita pa ni Kuya Mark.

"Ganoon talaga Kuya Mark. Kapag tumatanda lalong gumaganda." Sabi ko sabay kindat. Natawa pa sa akin si kuya.

"O siya, beautiful sister tawagin mo na sina Mama at Papa. Sumabay na kayong kumain sa amin."

...

Kahit hindi naman ako kasali sa barkada nila ay hindi ko naman maiwasan hindi makinig ng kwentuhan nila. Sina Mama at Papa rin ay nakikihalubilo sa kanila pero kinalaunan ay pumasok na rin sila sa bahay. Nakakatuwa kasi ang kwentuhan ng mga lalake sa palagay ko. Mas nakakatawa at less serious kesa sa kwentuhan ng mga babae.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon