Huminga ako ng malalim bago pumasok ng gate ng bahay niya sa Tagaytay. Dalawang araw na ang nakalipas matapos ng pangyayari at wala akong magawa kundi palipasin iyon dahil iyon raw ang mas dapat sabi ni Leah.
Nakabukas ang gate ng bahay niya. Hindi ko inaasahan na nandito siya kundi nagbabaka sakali lang. Pero dahil na rin sa bukas ang gate mas malaki ang posibilidad na nandito nga siya.
Tumuloy ako sa loob at nadatnan ko ang mga puno sa bahay niya. Mukhang alaga ang malaking garden dahil mas gumanda ito kesa sa huling punta ko rito na matagal-tagal na rin. Simula ng maging kami ay hindi na umuuwi si Ezekiel rito.
I found myself standing near the veranda. Nandito nga siya. Nakita ko siya mula sa salamin na pintuan at naakaupo sa upuan ng piano at ang kamay niya ay tinitipa ito. Rinig ko ng kaunti ang tinutugtog niya sa piano pero mukhang abala siya roon at mukhang oblivious siya sa nasa paligid niya.
"Jade!" Nagulat ako ng may mamasa-masang dumampi sa kamay ko. Si Jade at kumakawag ang buntot niya. "Shh!" Sabi ko sabay senyas sa kanya. Ayokong malaman ni Ezekiel agad na nandito ako. Gusto ko siyang pagmasdan muna mula sa malayo. "Huwag kang maingay, okey?" Nagulat ako ng biglang tumakbo si Jade papunta sa veranda. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko na nahalata na pala ako ni Ezekiel. Nakatingin siya sa akin ng seryoso. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tiningnan ko lang din siya at bahagyang ngumiti pero hindi siya ngumiti. Para bang hindi niya ako nakita at nagpatuloy siya sa pagtipa ng piano.
Wala na rin naman saysay na manatili ako sa labas kaya naglakad na ako sa may veranda papasok ng bahay niya. Maingay ang paghakbang ko dahil sa sandals ko pero mukhang walang balak si Ezekiel na pansinin ako.
"Bukas ang gate mo kaya tumuloy na ako. Nalimutan mo atang sarhan." Naghintay ako ng ilang sandali para sagutin niya ang tanong ko ngunit parang nakipagusap lang ako sa hangin. "Ang ganda ng garden mo mas lalo siyang gumanda kesa dati sa pagkakatanda ko." Wala pa rin sagot mula sa kanya bagkus patuloy pa rin siya sa pagtipa ng piano. Binaba ko ang bag ko sa couch niya matapos ay nagpunta malapit sa kanya. Naupo ako sa tabi niya sa may piano pero parang walang nangyari. Hindi pa rin siya natinag. Tumutugtog pa rin siya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya nakisali ako sa pagtipa ng piano niya. Tinipa ko ang kanta ko sa kanya na 'When I met you' na paulit-ulit kong sinanay para iparinig sana sa kanya sa anniversary sana namin. Patuloy pa rin si Ezekiel sa pagtugtog na para bang nakikipagtagisan sa akin. Mabilis ang pagtama ng mga daliri niya sa piano pero nanatili lang ako sa tempo ng tinutugtog ko.
Nang lumaon ay bumagal ang pagtugtog niya at umaayon iyon sa tempo at nota ng kanta ko. Napangiti ako. He is playing my song now. Unti-unti kong binagalan ang kanta at bumagal rin siya. Patuloy ako sa pagtipa ng nota ng mapansin ko ang unti-unting paglapit ng kamay niya sa kamay ko hanggang sa magsagi iyon. Unti-unting hinaplos ng hinliliit niya ang hinliliit ko hanggang sa maoverlap na ng kamay niya ang kamay ko. Hinawakan niya ng tuluyan ang kamay ko and I felt happy when he did that. Walang nagsalita at nagtipa ng piano sa amin. Nabalot lang ng katahimikan ang buong bahay.
Tumingin ako sa kanya at tumingin lang siya sa akin. Marahan niyang hinawakan ang mukha ko. Sana ay hindi na niya napansin ang mga pasa ko.
"I am sorry baby...I'm sorry but I am not good for you. You deserve someone better." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko iyon inaasahan mula sa kanya. Hinding-hindi iyon ang inaasahan ko.
"You-you are letting me go just like that?" Nanginginig ang boses ko. Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko, kung nasasaktan ba ako o naiinis o naguhuluhan. Naghalu-halo ang emosyon ko sa dahil sa idineklara niya ngayon.
"You saw me, Danielle. You saw how I became a monster when I cannot control being angry. That is the monster lurking inside me just waiting to be unleashed. You don't want that. I already hurt Eli and I can hurt you too." Tumayo siya sa kinauupuan namin at naglakad palayo sa akin. "I hurt you when you tried to stop me and if you still continue to be with me I will hurt you more than that. And I will not forgive myself if I do that to you...I will not. You deserve someone more stable. Someone who can control himself more. Someone who can protect you and not pose harm to you."