"Niel?" Natauhan ako ng marinig ko ang pangalan ko. Tumingin ako sa nagsalita. Si kuya pala iyon. Hindi ko namalayan na dumating na siya. "How are you?" Yumakap kaagad ako kay kuya. Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko. "Anong nangyari?" Hindi ko masagot si kuya. Ayoko ng idetalye ang nangyari. Ayoko ng maalala.
"Hannah? Ano bang nangyari? Bakit sinugod niyo sa ospital si Eli?"
"Zeke and Eli had a fight."
"Bakit? Niel?" Hindi ako makasagot kay kuya at yumakap lang ako ng mahigpit.
"Eli tried to force himself to her."
"Ano?!" Ramdam ko ang galit ni kuya sa sinabi ni Hannah. "Nasaan ang gagong iyon buhay pa ba? Papatayin ko na ng tuluyan." Niyakap ko ng mas mahigpit si kuya. "Buti at hindi siya tinuluyan ng kapatid niya. Gago pala siya!"
"Kuya..." Tiningnan ako ni kuyang mabuti. "Huwag...huwag na sana makarating 'to kina Mama." Nagtiim ang panga ni kuya.
"What the!" Hinawakan ni kuya ang baba ko. "Siya may gawa ng pasa na'to?" Ininpeksyon pa ni kuya ang katawan ko. Marami akong natamong pasa sa braso dahil sa pagsangga at sa pwersadong hawak ni Eli. "Niel, kailangan malaman ito ni Mama. Lalo na si Tita Ruth. Hindi titino yan kung hindi mo tuturuan ng leksyon."
"Hindi kuya...lasing si Eli."
"Aba'y kapag lasing lang mangrarape na. Niel, we have to tell them. Nasaan na ba si Zeke? Kailangan ko siyang kausapin dahil sa kapatid niya. Gago eh."
"Hindi namin alam kung nasaan si Zeke. Tinawagan ko siya pero nakapatay ang phone." Tumingin ako kay Hannah dahil sa sinabi niya. Si Ezekiel kailangan niya ako. "Eli was beaten up black and blue."
"Kulang pa yon." Ginatungan pa ni kuya.
"And Zeke, para bang nasaniban siya kung ano sa lakas niya at tulog talaga si Eli. Grabeng magalit si Zeke. Alam ko naman ang understandable ang galit niya c'mon girlfriend niya si Niel tapos momolestiyahin ng kapatid niya. Pero kakaiba si Zeke...nakakatakot--"
"Hannah! Shh!" Sinaway ni kuya si Hannah. "Gusto mo ba Niel kausapin ko si Zeke?"
Umiling ako kay kuya. Wala naman masasabi si kuya tungkol sa nangyari at lalong hindi siya kakausapin ni Ezekiel.
"Kuya please...sa atin na lang ito. Kapag naging okey na si Eli kausapin mo siya kuya. Hindi ko pa siya kayang harapin ngayon. Sabihin mo na lang sa kanya na hindi na natin ito ipapaabot kay Tita. Sige na kuya." Nagmamakaawa na ako kay kuya na huwag sabihin. Nag-aalala ako sa magkapatid kapag nalaman ito nila Tita at Mama. Lalo na kay Ezekiel.
"Sigurado ka ba ni Niel sa pinagsasabi mo? He tried to rape you. Goodness naman Niel! Hindi mo dapat pinapatawad ng ganitong kadali ang tarantado na iyon."
"Kuya, wala siya sa sarili niya. And he won't rape me. Hindi iyon magagawa ni Eli. He took something that made him like that. It was alcohol and some sort of drug. Nakita iyon sa blood test niya. Hindi sa madali ko siyang napatawad kuya...pero iniintindi ko siya kasi...kasi bestfriend ko siya kuya...best..." Napaiyak na ako ng tuluyan. Ang sakit sabihin ng salitang iyon dahil pakiramdam ay nawala na kay Eli ang meaning ng salita na iyon. Hindi ko na rin alam ang ibig sabihin ng salita na iyon sa amin dalawa.
"Okey, okey tahan na. Susubukan kong gawin ang gusto mo pero kapag wala akong nakitang remorse sa mukha ng hinayupak na iyan wala na akong magagawa."
"He will kuya...I know he will..." Alam kong nandoon pa rin si Eli na naging kaibigan ko dati. I'm hoping.
...
Sa apartment ni kuya ako umuwi. Ayoko munang bumalik sa apartment ko dahil sa nangyari. Naiwan akong mag-isa sa bahay dahil bumili si Hannah ng makakain naming agahan. Magdamag kaming nasa ospital dahil sa lagay ni Eli. Nakauwi na kami dahil maayos na siya ngayon.