Chapter 15 - Unexpected

10K 308 55
                                    

"This way please." Alalay sa amin ng babae pagkapasok na pagkapasok namin sa hall sa hotel na pinagaganapan ng birthday niya. Pumasok kami ni kuya at namangha naman ako sa laki at ganda ng lugar. Maraming tao at dahil black tie ang event lahat ay nakaformal. Buti na lang talaga ay nagpormal-pormalan kami ni kuya. Sapilitan pa talaga na pasuotin kong magcoat and tie si kuya pinipilit niya kasi na pwede na raw ang polo shirt at jeans. Si kuya talaga.

Bago siya umalis ay nag-iwan siya ng imbitasyon sa amin. Imbitasyon pala iyon ng birthday celebration niya. Halos mag-iisang buwan ko na rin siyang hindi nakita at nakausap. Ang tagal niya ngang nawala at wala man lang akong balita sa kanya.

"These are your seats." Sabi pa ng babae sa amin. Nakareserved ang upuan namin. Isa siyang round table na may magandang arrangement ng bulaklak sa gitna at magandang pagkakaayos ng plato at kubyertos. May nauna na sa amin nakaupo sa upuan at nginitian nila kami. Dalawang lalake at isang babae at nakapormal rin sila.

Tumingin ulit ako sa paligid at nakakahanga talaga ang laki at ang ganda ng venue. Iba na talaga itong si Ezekiel ngayon. Big time na.

"Nasaan si Zeke?" Tanong pa sa akin ni kuya. Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko rin alam. Sa dami ng tao hindi ko siya makita. Palagay ko nakikihalubilo siya sa mga bisita niya.

"Ladies and Gentlemen tonight is the night for celebration as our beloved General Manager celebrates his birthday. And without further a do I would like to give the floor to our dashing boss, Mr Ezekiel Wilson." Nagpalakpakan ang lahat ng tao. Pumalakpak rin ako at umayos ng upo para makita ko siyang mabuti. Nakita kong may naglalakad patungong stage. Medyo malapit kami sa stage para mahalata ko kung sino iyon. Tindig palang niya alam ko na. Si Ezekiel. Pero hindi lang siya nag-iisa. May kasama siya patungong stage. Kagaya niya naka-all black na gown ang kasama niya at dirty blonde ang kulay ng buhok nito. Sino iyon?

"Good evening to all of you." Sabi ni Ezekiel. Halos iba ang accent niya kapag nag-uusap kami. "Thank you for gracing this event." Ngumiti siya. Mula sa kinaroroonan ko halata ko na may bago sa kanya. Hindi lang dahil sa ngayon ko lang siya nakitang nakathree piece suit, may iba pa. Nagpagupit siya ng buhok at palagay ko ay nagpakulay. Sa pagkakatanda ko ay brown ang buhok niya dati pero ngayon parang naging lighter shade iyon ng natural na kulay ng buhok niya kaya lalo siyang nagmukhang caucasian na talaga. At palagay ko ay nag-gain siya ng weight. Hindi naman siya tumaba pero palagay ko ay nagdagdagan siya ng laman. Ang pagkakaalala ko kasi sa kanya ay iyon itsura niya ng pumayat siya dahil nagkasakit siya. Sa isang buwan kong hindi pagkakita sa kanya ang daming nagbago sa itsura niya. I think Singapore did something good to him. Parang lalong gumawapo si Ezekiel.

Natapos ang speech niya at wala akong naintindihan doon. Mukhang nasobrahan ata ako ng pagtitig at paghahanap ng bago sa kanya at nawala sa isip kong pakinggan ang speech niya.

Bumaba na siya ng stage kasama pa rin ang babae na dinala niya sa stage. Hindi ko maiwasan hindi maintriga kung sino ang kasama niya. Maganda ang babae at blue ang kulay ng mga mata niya sa palagay ko mula sa kinauupuan ko. Hindi naman iyon si J.

"Sino 'yon kasama niya?" Bulong sa akin ni kuya.

"Ewan." Kahit ako walang kaalam-alam.

"Girlfriend niya ba 'yon sa palagay mo?" Natigilan naman ako sa sinabi ni kuya? Girlfriend?

"Hi-hindi ko alam. Bakit ako tinatanong mo? Pareho tayong magkasama rito."

"Eh di ba m.u. na kayo?"

"Ha?!" Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi ni kuya. M.U. talaga?

"Ha-ha ka diyan. Huwag mong sabihin pinagpalit ka na agad ni Zeke?" Nainis ako sa sinabi ni kuya.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon