Wala na akong nagawa kundi tangapin nalang iyon kesa naman ipagkalat niya iyon at baka ma-expell pa kami rito sa Eastwood Springs University.
"Ganyan ka ba talaga?" Tanong ko sa kanya habang pabalik kami ng room
"Sa tingin mo?" at lumakad siya ng kumendeng kendeng pa. Napailing nalang ako at sumunod sa kanya
~ Krista's POV ~
Umupo na ako sa tabi nila Nickie at Chena
"Oh my gosh girl! Are you two dating? Is it real? Is it real?" Bungad sa akin ni Chena ng makaupo ako. Dandandan? Dalandan?
"Alam niy-" pinigilan ako ni Nickie at biglang sumabat. Medyo bastos ah?
"Grabe girl! May nangyari ba sa inyo? To-" tinakpan ko agad yung bunganga niya. Baka may makarinig sa kanya. Lakas pa naman ng boses nito
"Hoy, bastos ka ha?! Virgin pa ako noh? Saka ang ingay mo baka may makarinig sayo baka seryosohin nila yung pinagkalat ko" saway ko sa kanya
"Anong baka ipagkalat nila? eh ikaw nga 'tong mismo ang nagpakalat na may nangyari sa inyo ni Kevin di ba? Shungabells?" tinignan ko ng masama si Nickie. Arrggghhh, bakit kasi napaka-bobo ko. Hindi ko muna inisip ang magiging side effects nito.
"Alam niyo naman girls diba?" Tinignan ko silang dalawa
Natigil ang pag-uusap namin ng pumasok si Ms. Epang Katakutan short for Ms. Efelia Katakutan, she's most terror teacher in the galaxy. Matandang dalaga kasi eh. Pangalan at apilyido palang ay nakakatakot na, paano pa mukha? Joke.
Nakakaboring naman itong History na ito. Bakit pa ba namin pinag-aaralan sila Jose Rizal, Sila Bonifacio at kung sino sino pang mga bayani eh mga patay naman na iyon, mamaya mapagbintangan kami at sabihing pinlano namin ito dahil pinag-aaralan pa namin ngayon. Pero salamat na rin sa kanila, kung di siguro dahil sa kanila ay nagsasalita pa ako ng espanyol ngayon
Tinignan ko si Kevin sa may bandang kanan ko. Bilib ako sa kanya, natitiis niya ang ka-boringan ng subject na ito plus yung boring pang teacher. Tutuk na tutok siya kay Ms. Epang (parang sa lahat naman ay ganyan siya). Bilib rin ako rito eh, nakakaya niyang sikukmurain ang mukha ni Ms. Epang
Suot-suot na niya yung salamin na kinuha ko sa kanya. Buti nalang at pumayag siya sa lunes. Lagot talaga sa akin 'to, dapat siya rin ay matulad sa akin, ang bumagsakNalingat siya ng tingin at nakita niya akong naka tingin sa kanya. Bigla kong nilihis ang tingin ko pagkatapos ay tinignan ko siya muli. Bumubulong siya ng biglang..
"Mr. Tevilla! What is the blah.. blah.. blah.." nagulat ako kay maam Epang. Akala ko ako yung tinawag. Nahuli tuloy siyang bumubulong sa akin
"Bitch Ma'a- ay este..." biglang nagsitawanan yung mga kaklase namin dahil sa sinabi niya. Napansin kong namula siya. Buti nga sa kanya. Tama lang sa kanya yan, karma tuloy.
"Take your seat Mr. Tevilla"
Tinignan ko siya. Galit ang mukha niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan para sabihin na "Buti nga sa'yo"
Pagkatapos ng History namin ay ang Math subject na mas nakakaboring. Pakiramdam ko habang nakikinig ako sa Math ay natutulog ako ng dilat ang mata. Sa totoo lang, nakakahilo yung mga numbers sa board na may kasama pang mga letter at mga arrows. L*che
Pagkatapos noon ay sumunod na ang Lunch Break na pangalawa sa pinakafavorite ko bago ang recess dahil mas nauuna ito.
Niligpit ko na agad ang gamit ko sa desk ko at sinundan si Kevin, umalis kasi siya agad
"Uy, uy!" Sigaw ko sa kanya habang hindi ako magkanda-ugaga sa pagbuhat ng mga gamit ko pero hindi pa rin niya ako pinansin
"Uy, uy!" Ulit ko muli pero hindi pa rin siya namamansin. Snobbers talaga ito. Nang maabutan ko siya at bigla ko siyang sinapak
"Ano nanaman ba? Sa lunes mo pa ako magiging tutor di ba?!" Hindi ko alam kung babae ba ito o lalaki kasi parang may regla siya, pero cute siya
"Sabay tayo?" Nakangiti kong tanong sa kanya sabay puppy eyes
"Can you please leave me alone?" Nagpatuloy siya sa paglalakad pero hinarangan ko siya
"Bilis na!" pagpupumilit ko sa kanya. Matigas ito, masyadong ma pride. Hini-hindian niya ako sa ganda kong ito?
Hindi siya sumagot at naglakad muli pero hinarangan ko uli yung dinadaanan niya. Nilabas ko yung phone ko at dinisplay yung picture namin
"Okay, okay" malungkot niyang sabi. Gusto ko lang naman siya pagtripan ngayon
Walang imik ng papunta kami sa canteen. Nang makabili ako ay sinabay ko na lang din siya. Nilagay ko na yung tray sa table namin at itinabi ito ng makuha na namin yung pagkain namin
Sinimulan na agad niya yung pagkain. Halatang nagmamadaling makasama ako
Tinitinignan ko lang siya. I decided to talk to him first"Alam mo, mabait nga ako katulad nung sabi ko kanina" sabi ko habang ikinakalan yung cup ng kanin sa plato ko
"Bakit hindi mo kasama sila Chena at Nickie?"
"Kasama yung mgs boylets nila" medyo pabulong kong sabi
"Eh yung iyo?" Isusubo ko na sana yung kanin at hotdog pero natigil ako sa tinanong niya
"Don't you know? I already broke up with Monmon. I don't like his glasses" 3 hours lang yata naging kami ni Monmon. Pag di ko kasi feel yung mga nanliligaw sa akin, sinasagot ko agad tapos binebreak para hindi naman ako masabing paasa
"Eh bakit kasama mo ako? I have reading glasses and this is not so cool as he have" ayaw niya talaga akong maksama, choosy pa ba siya sa ganda kong ito?
"Eh kaya nga ayaw ko siya" Ang kulit naman nitong kumag na ito
Hindi ko masyado ningunguya yung pagkain ko. Lunok agad. Sabi kasi nila ay effective diet yun. Nabusog ka na, di ka pa tumaba. Nabulunan nga lang
"Ahmm.." nginunguso niya yung labi niya sa kabilang gilid nito. Is he asking for a kiss? Ayaw niya akong makasama pero kiss gusto niya, napaka demanding naman masyadi nitong si Kevin
"Ha?" Kumuha siya ng tissue ay pinunas iyon ng harsh sa akin. May nakain pa yata akong kaunting tissue
"Ang harsh ah?" Sabi ko habang pinupunasan yung labi ko. May catsup lang pa kaya siya ngumunguso. Tumawa lang siya.
"Bakit mo ba ginawa yun?"
"Sinabi ko na sayo diba? Eh kung pinakopy-" natigil ako ng bigla siyang tumayo
"San ka pupunta?" Tanong ko
"Aalis na"
Kinuha ko yung bag ko sa gilid
"Hoy! Teka lang, sama ako"
***
"Hindi mo ba talaga ako tatantanan?"
"Eh. Gusto kitang kasama eh. Bakit ba?" Nakakatuwa 8talaga kung paano siya mainis sa akin
Lumiko siya ng daan."Saan ka pupunta?"
"Iihi?! Sasama ka?" This nerd is really, really fun to tease
~ To Be Continued ~
Written by Eggboy16
No To Plagiarism
BINABASA MO ANG
A Nerd Bedwarmer
ChickLitI'm not her bedwarmer nor her boyfriend. It's just her trips. She's just a damn feeler. She's not the girl I liked, not my ideal girl. She's the most sexiest and prettiest in the campus but, she's not my type until... One day came, It is all damn.