Chapter 7- Getting to know each other

8.2K 130 5
                                    

Pumunta kami sa study table niya malapit sa kama niya.

"Nasaan yung Papa mo?" Tanong ko sa kanya ng makita ko yung picture na naka-frame. Bata pa siya rito mga tansiya ko ay mga 5-6 years old palang siya

"Wala na siya"

"Ahh, sorry I don't know. Sorry" pagpaumanhin ko. Siguro dahil sa namayapa niyang tatay kaya siya nagkaganyan

"No, It's okay. Namatay siya dahil sa Mental Disorder. Saka lumabas ang sakit niya ng mag 30 years old siya. Pagkaihip na pagkaip palang ng candle niya ay bigla na siyang isinugod sa ospital. Mga nasa 5 years old palang yata ako nun. It was 11 years ago" napansin kong medyo naluluha na siya. I know how she feels, I know.

"Kaya ka ba ganyan? I mean, ikaw? Ngayon.. Yung ipinapakita mo, ngayon? Please wag ka ma-offend"

"Yes, maybe yes" tumawa siya

"Naalala ko pa noon nung 1st year tayo, naglalakad ako sa hallway papunta room tapos bigla mo akong pinaliguan ng ketchup kaya napagkamalan pa akong pumatay ni Ms. Marie" kwento ko habang inaalala yung mga araw na binubully niya ako (kahit naman ngayon)

"Gusto ko lang ilabas lahat ng galit ko, hanggang ngayon naman eh" napatawa ako ng bahagya at napa-iling nalang

"Ahmm, Naramdaman mo na bang nagmahal at mahalin?" Pag-iiba ko ng topic, It's too personal

"Nah, I never love someone but I'm loved by my family and of course, Chena and Nickie" Eh kaya rin naman pala ito pusong bato eh

"Ikaw?" Tumingin siya sa akin ng parang interesadong interesado sa isasagot ko

"Ako? Are you really asking me na nagmahal na ako?" Sabi ko habang tinuturo-turo ko pa ang sarili ko

Tumango lang siya at umiling ako

"I guess, marami pa tayong parehas na mararanasan" Kung ganoon, hindi ko siya pwedeng makatuluyan, opposite attracts together, hehe

"It's good that I have a..." Oh, I forgot. Hindi pa kami magkaibigan

"Friend" nakangiti niyang sagot

"Okay, I'm glad that I have a FRIEND na may parehas kong karanasan" I said as I emphasize 'Friend'

"Nakakatuwa noh? Friends na tayo"

"Yeah, It's so funny" tho it's not that funny

"Siya nga pala, paano mo natanggap na wala na ang papa mo?" Tanong ko

"Wala, I just accepted it. Wala na akong magagawa, wala na eh saka sa mga ganitong pangyayari, You should learn to let go, not everyone in your life is meant to stay. Hindi lahat..,"

"You have a point, I should learn to let go and to accept"

Mag-iisang taon palang ng mawala si Papa, I've always think na paano ba mag-move-on ang mga na-broken hearted at hirap na hirap sila? Di ba nila maiisip na mas may mahirap na proseso ng pag-move on? Mahirap mag-move on ang namatayan, sa totoo lang

"Ahmm, I think we should start now. Mauubusan tayo ng oras" sabi ko

"Mabuti pa nga" nilabas niya yung notebook niya sa math, yoon raw kasi muna ang gusto niyang ituro sa kanya

"Oy eto, paano ba ito? Grabe namang ang hirap, wala bang shortcut 'to? Hirap" sunod-sunod niyang sabi na parang puwet ng manok sa kakadada

"Pag-aralan mo kasi yung process para makuha mo yan" unang lesson palang ay sumusuko na siya agad

Five minutes later,

"Omfg! I already got it! Tama ba" binigay niya sa akin yung notebook niya para ipakita kung tama ba yung computations niya

"Good" nginitian ko siya at ibinalik ang notebook niya sa kanya

"Omy! Grabe, ngayon ko lang 'to na-feel sa math! Kaya ko na mag-solve ng kahit walang calculators! Aww, thankies.. Mwah" natigil ako ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi

Parang biglang natigil mag-function ang katawan ko, ganito rin yung naramdaman ko nung hinalikan niya ako sa labi

Natulala nanaman ako. Medyo awkward

"Hoy! Bakit ka nakatulala? Bilib ka sa galing ko noh? Natatakot ka siguro na mahigitan kita sa talino mo hehe" she's joking and day dreaming

"No, I'm just overwhelmed kasi naturuan na kita"

"Awww, thanks talaga" nanigas na ang buong katawan ko ng hinagkan niya ako

"Alam kong kaya ko ito, salamat talaga" bulong niya

"W-we..welcome.." Nauutal-utal kong sabi ng kumawala siya sa yakap

"Aa-alam k-ko naman na kaya mo eh" medyo nauutal ko pa ring sabi

Parang.. Parang..

"Pinagpapawisan ka oh teka, papalaksan ko lang yung aircon" kinuha niya yung remote ng aircon at pinalaksan pa ito

Bakit ganito? Fully airconditioned naman itong kuwarto niya pero pinagpapawisan ako? Kanina naman ay hindi ako ganito

"Tara, tapusin na natin 'to baka kasi hinahanap na ako sa amin"

Hindi namin natapos ang lahat ng subject dahil naubusan na kami ng mga oras kakadaldal kanina

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

A Nerd BedwarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon