"Ca.." Hindi ko talaga maituloy ang sasabihin ko
"Can what?" Tanong naman niya
"Can I?"
~ Krista's POV ~
Pagkatapos kong ihatid si Kevin sa pag-didiner-an nila ay pumunta muna ako sa kotse. Ayokong tignan yung mga chessy moments nila
Binuksan ko lang yung pintuan nung van at umupo sa may tapat ng pintuan para pumasok yung hangin galing sa labas
"Leche ka! Leche! Hayop ka? Hindi ka pa mamatay!" Sabi ko habang naglalaro ng piano tiles. Madiin kong napipindot ang screen ng cellphone ko sa kakalaro. Hindi ko alam kung bakit gigil na gigil ako sa larong to
"Ma'am, mabutas niyo po yung cellphone niyo. Kung may galit po kayo sa cellphone niyo eh pwede naman po sa akin nalang, hehe" nakita kong lumapit si kuya ben sa akin, anak nung dati kong driver. May sakit raw kasi yung asawa niya kaya yung anak niya muna ang pumalit
"Patawa ka po kuya?" I said sarcasticly
"Maka-po at maka-kuya ka naman para namang ang tanda ng agwat ng edad natin sa isa't isa. Bente anyos palang ako" pumasok siya sa loob ng van at umupo sa may tabi ko
"Mas matanda ka pa rin" tinuloy ko ang paglalaro ng piano tiles sa cellphone ko
"Ang sungit mo naman. Siya nga pala, akala ko boyfriend mo yung kasama mo kanina, kala ko nga ay kayo ang mag-didiner" medyo pakialamero itong si Ben
"Wag ka ngang makulit, naglalaro ako" sabi ko habang nakatutok pa rin sa cellphone
"Pero alam mo, mas bagay kayo" tinignan ko naman siya. Kami? Mas bagay?
"Duh! Ano ba nam--" pinigilan niya ako sa pagsasalita at nagsalita agad. Di man lang ba niya ako ituturing na amo?
"Nagseselos ka noh? Ayiee! Selos siya" kinikiliti niya yung tagiliran ko kaya na dead na ako agad sa nilalaro ko
"Ano ba? Tumigil ka nga" sinapak ko naman siya ng malakas para gumanti
"Aray ko naman. Parang may bakal yang kamay mo ah?" sabi niya habang sinasapo sapo yung braso niyang sinapak ko
"Ang kulit kulit mo naman kasi eh!" Nilagay ko na sa bulsa ko yung cellphone ko sa bulsa ko at bumaba ng sasakyan
"Oh, saan ka pupunta?" Tanong ni Ben habang nakatalikod ako sa kanya
"Wala ka ng pakialam dun, pakyu ka 3000 ft above sea level" medyo harsh ako ngayon
"Ang hard mo naman sa akin"
Paglingon ko sa may gilid ay nakita ko ng nakatayo si Kevin, nakangiti tila ba natikman ang langit
"Oh, anong nangyari sayo?" Tanong ko habang papalapit sa kanya
"Pumayag na siya" bigla niya akong inakbayan. Pumayag saan? Si Cielo?
"Ano? Di ko gets" kinamot ko pa yung ulo ko
"Pumayag na siyang magpaligaw"
"Halika, ililibre kita" wow, big word. Bigger than world. Siguro hinuthutan niya ng pera si Cielo kaya may panlibre siya
"Oh tara na, pasok na tayo sa van?"
"Wag, mas masaya kapag naglalakad"
Sumabay naman ako sa trip niya. Naglakad kami ng naka-akbay siya sa akin
"Happy now?"
"Medyo, may kulang pa eh" choosy naman nitong hayop na ito
"Saan mo ba talaga ako dadalhin?"
"Malapit na" di kalayuan sa amin, may nakita akong usok. Susunugin ba ako nito?
Nang marating namin yung usok na iyon ay may nakita kaming nag-iihaw ng mga... Teka, ano ang mga tawag sa mga iyan?
"Ano yan?" Medyo nandidiri kong tanong habang itinataas yung stick ng parang bulate
"Isaw yan, bituka ng manok" Ito na ba yung sinasabi niya ililibre niya sa akin?
"Masarap yan" pinatulan ko naman yung trip niya kasi pag ako naman ang may pinapagawa sa kanya ay pumapayag naman siya. Pagkatapos maihaw nung in-order namin ay sinawsaw namin iyon sa suka. Tinitigan ko kung paano kainin iyon, lahat ay kinain niya. Pati ang stick, joke.
"Kainin mo na" sabi niya habang nginunguya yung bituka ng manok
"Kakainin ko talaga?"
"Oo naman"
Kinain ko yung bituka ng manok, konti konti. Nanlaki ang mata ko sa nalasahan ko. I find it so delicious
"Ang sarap noh?" Tumango naman ako
"Gusto mo pa?"
Marami pa kaming kinain bukod sa mga barbeque. Lumamon rin kami ng mga kwek-kwek, kikiam, at fish ball.
Pagbalik na kami ng sasakyan
"Salamat sa adidas, betamax, isaw, paa, kwek kwek, kikiam at fish ball. Ngayon lang ako nakakain ng ganito, ang sarap pala ng mga street foods"
~ To Be Continued ~
Written by Eggboy16
No To Plagiarism
BINABASA MO ANG
A Nerd Bedwarmer
ChickLitI'm not her bedwarmer nor her boyfriend. It's just her trips. She's just a damn feeler. She's not the girl I liked, not my ideal girl. She's the most sexiest and prettiest in the campus but, she's not my type until... One day came, It is all damn.