Chapter 30- Diary ng malandi

3.9K 62 1
                                    

Nandito ako ngayon sa garden ng ESU, nagsusulat ng mga kalandian ko sa diary since freetime naman ngayon. Mga nangyari doon, diyan at dito. Huling sulat ko rito ay last school year pa, noong 03-21-'14. Last day ng second year life ko. So para ma-update naman itong diary ko ay sinimulan ko ang pagsusulat

Dear Diary,

Hurt Hurt si Heart Heart nitong mga nakaraang araw. Eh paano ba naman? Si Crush at si Bitch ay mag-on na *hurt* ='(.

Feel na feel ko pa ang pagsusulat sa diary ko habang humawi hawi pa ang buhok ko. Nasaan na ba kasi sila Chena at Nickie? Naghahanap nanaman siguro iyon ng mga malalandi nila. Sabi nila ay pupunta lang ng Cr pero ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin ang mga anino nila

"Hey Kris!" Biglang may tumabi sa akin at alam konh siya iyon kaya sinara ko agad ang diary ko. Mamaya makita pa niya. Ang dami ko pa sanang isusulat dito eh, dumating pa kasi itong kumag na 'to

"Anong ginagawa mo" tinuturo turo pa niya yung diary ko. Pakialamero much lang?

"Ahh ehh, wala. Wala ito. Listahan lang ng gusto kong pataying. Hehe" I gave him a fake smile. Kung ito nga siguro ang listahan ng mga papatayin ko ay 1-100 ay si Cielo lang ang nakalagay rito. Siya lang sapat na.

"Palabiro ka talaga" inayos niya yung upo niya at inilagay ang bag niya sa lamesa

"Palagi ka bang tumatambay rito?" He asked

"Nope, dati lang. Namiss ko lang kaya ito nagpahangin lang ulit" inilagay ko na yung diary ko sa bag ko at baka galawin lang nitong halilarot na ito. Malaman pa niya

"Madalas rin akong tumambay rito dati pero hindi kita nakikita though hindi naman ito ganoon kalaki para hindi ka makita" nagtanong pa siya kung bakit hindi niya ako nakikita eh lagi naman siyang nakatutok sa libro niyang halos ilang beses na niyang nabasa

"Hello?! Pagpunta mo rito ay nakayuko ka na at pag na-upo ka naman ay diretso tutok yang mga mata mo sa libro mo tapos kapag aalis ka naman ay naka-yuko ka rin then tell me, how can you see me if you keep staring at the ground and at your book?"

Ginaya ko pa kunyari ang pagpunta niya rito

"Sabagay, may point ka. May point ka" medyo parang naiilang ako ngayon sa kanya. I don't even know why

"Teka, ano nga pala ang sadya mo rito?" Mamaya ay makita kami ni Cielo.

Oo, gusto ko siya pero hindi ibig sabihin nun ay gusto kong maging kabit at ayoko rin namang pag-isipan nila ako ng ganoon

"Wala lang, I just wanna say thank you" para namang hindi sincere ang pagthank you niya

"Para saan naman?"

"Wala lang, salamat lang kasi kung hindi dahil sa iyo ay walang kami" I think, I already knew what is he talking about. Cielo. Cielo again. Ouch... My heart can't pump well

"My pleasure..." Inayos ko na yung mga gamit ko at isinukbit yung bag ko at tumayo

"Leaving so soon?"

"Yeah, I have to finish my assignments pa eh" tumalikod na ako sa kanya

"Gusto mong magsnack muna tayo? Kahit saglit lang. Treat ko. Na-miss lang kita" my feet stopped. Natigil ako dahil sa sinabi niya. He missed me? Humarap akong muli sa kanya

"Sorry, marami pa namang next times eh" hindi ko alam kung bakit ganoon nalang katigas ang puso ko ngayon. Pero sorry rin, hindi ko muna papairalin ang landi ko ngayon. Si Pride muna. Actually, wala naman talaga akong tatapusin na assignements at wala naman akong balak kung meron man

Pumunta ako ng cr. Inilagay ko yung gamit ko sa may lababo. Tinignan ko yung mukha ko sa salamin. Medyo nakakaramdam ako ng pagkahilo pero hindi ganoon ka grabe. Iniyuko ko yung ulo ko ng sandali at biglang may pumasok sa loob ng cr. Tinignan ko. Sakto dahil sila Chena at Nickie pa ang pumasok dito. Nagtatawanan pa sila

"Oh sissy! Andito ka pala!" Nakangiting sabi ni Chena

"Ay hindi, wala ako rito. Actually picture frame lang itong nakikita niyo ngayon" pambabara ko sa kanila

"Teka, bakit parang ang saya saya niyo? Anong mayroon?" tinignan ko naman silang dalawa at nagtinginan rin silang dalawa at tumawa ng malakas

"Eh kasi naman, sinabi namin nitong ni Chena na may secret relationship kayo ni Kevin, hindi sila bagay. Mas bagay kayo. Somethin' like that" maarteng sabi ni Nickie

"Ano? Bakit niyo naman sinabi ang mga iyan?" Sigaw ko. Malamang ay galit na galit na iyon sa akin ngayon.

"Ano ka ba? Kasalanan na niya yun. Naniwala naman kasi yung lukaret na iyon. Saka hindi ka ba happy na baka maghiwalay pa sila? Naku, if you just saw her face. Para siyang tumae ng tatlong beses" Akala nila ay natuwa ako sa pinag-gagagawa nila?

"Hindi ako natutuwa sa pinag-gag--" naputol ang sasabihin ko ng biglang may pumasok na babae sa cr

"You bitch! Come on here!" Sigaw ni Cielo at hinila ang buhok ko

"Aray ko! Nasasaktan ako! Bitiwan mo ako!" Sinapak sapak ko naman ang mga braso niya pero wala iyong epekto sa kanya

"Halika rito!" Kinaladkad niya ako palabas ng cr at walang ibang ginawa sila Chena at Nickie kundi ang titigan lang ako

"Hey! Stop what you are doing you bitch" agad na lumapit si Chena sa amin at sinampal si Cielo

"Tumahimik ka!" Sinampal rin ng malakas ni Cielo si Chena kaya napa-upo ito sa sahig at inalalayan naman ito ni Nickie

"At ikaw? Malanding babae ka!" Hinarap niya ang ulo ko sa kanya habang sabunot sabunot pa rin ang buhok ko at bigla niya akong sinampal

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

A Nerd BedwarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon