• Krista's POV •
Hindi nanaman natapos ang pag-tututor niya sa akin kanina. Sino naman kaya yung pinuntahan niya? Sino yung sinamahan niya? Bakit parang., Arrgghh! Ba't ko ba ito iniisip? Pake ko ba? Tutor ko lang naman siya.
11:34, hindi pa rin ako makatulog.
Kinuha ko yung cellphone sa may bedside table ko. Ki-nlick ko yung facebook account ko.
1,458 friend requests, 568 messages, 4,570 notifications.
Inisa-isa ko yung friend request ko pero wala naman doon ang hinahanap ko, teka? Sino bang hinahanap ko? Wala naman ah.
I've searched for Kevin Tevilla.
Wala siyang ibang picture, dalawang animé lang. Ba't wala ba siyang camerang pampicture? Pssh, bakit ko nanaman ba siya hinahanapan ng picture?
My mind blown away when I see a green dot on side of his name (I don't even know why). Online siya
"Hoy! Saan ka nga pala pumunta kanina? Bat ka na-late?" Medyo awkward kasi medyo feeling close ako
11:45.. 11:50.. 11:57.. 12:00 ✔️ seen
Yung totoo? Ilang minuto niya binasa at ang tagal niyang na-seen?
Typing.. Typing.. Typing.. Typing..
Sira rin kaya ang keyboard nila? Tagal ah? Sa school ang bilis bilis mag sulat pero pagdating sa keyboard bulok?
"Bye, goodnight"
Ilang minuto rin kaya siya nagtype? Haba ng tinype eh.
Nilagay ko nalang agad yung cellphone ko sa may bedside table ko
***
"Class suspended" sabi ng teacher namin. Letche, dapat kanina pa sinuspend, alam naman nila na walang pasok ngayon pero nagpapasok pa rin sila tapos ngayon sususpend suspend sila. Bwisit
Nagsiligpitan na sila ng nga gamit nila kaya naligpit na rin ako ng akin
Napansin kong lumapit sa akin si Kevin. Seryoso ang mukha niya pero hindi naman galit, tama lang, yung normal na mukha lang niya
"Yes?" Tumayo ako
"Ngayon nalang tayo mag-tutor? Tara na" hinawakan niya agad yung kamay ko at hinatak ako ng kaunti
"Girl! Sissy Krista" pamilyar ang boses na iyon, pagkalingon ko ay si Chena pala
"Owhh, did I disturb you?" Tumingin siya sa pagkakahawak ng kamay sa akin ni Kevin tinignan ko naman siya para sabihin na 'tangaling mo..muna'
"Bakit? Aalis ba kayo ni Nickie?"
"No, ano ka ba naman! Your promise di ba?! Ngayon nalang natin ituloy tuloy suspended naman at hello? Sikat na sikat yung araw oh"
Biglang dumating si Nickie, "Oo nga girl, tara na! Let's go shoppin'!"
"Ahmm,," tumingin ako kay Kevin pero tinitignan niya ako na parang 'hoy, sumama ka sa akin kundi uupakan kitang hayop ka'
"Ahmm..." Ulit ko pa muli
"Ano girl? Let's go na!" Sabi ni Nickie, walang imik pa rin si Kevin
"Tara na! Halika na kayo" sigaw ko, isasama ko nalang si Kevin
Naglakad kami papunta sa ibaba ng bigla akong bulungan ni Kevin
"Anong gagawin mo? Bakit mo ba ako hinatak? Di ba may tutorial lesson pa tayo?" Medyo pa galit niyang sabi
"Shh, sumama ka nalang"
Hindi na siya nakatanggi nang makasakay na kami sa kotse ni Chena. Nakasimangot siya, halatang ayaw niya
Almost 25 minutes lang nang marating namin ang mall, malapit sa lang naman ito sa ESU (Eastwood Springs University) at wala rin naman sa traffic.
"Krista, uuwi nalang ako" sabi niya ng walang expresyion ang mukha
"Tara na kasi, hindi ka namin kakainin, we're vegetarian" biro ko pero hindi siya natawa rito
"Imbes na nagrereview tayo ay eto, eto tayo! Nakatayo at nakaharap sa isang mall! Akala ko ba gusto mong matuto?" Sobrang concern naman siya sa akin, ay hindi pala, sa mga grades ko pala siya concerned
"Counted na ito sa one week payment mo" bumagsak nalang ang balikat niya at wala ng nagawa kundi sumunod sa amin papasok sa mall
"Girl, gusto mo magpa hair-cut tayo? I have split ends na kasi eh" sabi ni Nickie ng makapasok kami sa mall
"Ha? Kakapagupit mo lang ah? Baka gusto mo magpakalbo ka nalang?" Pilya sa kanya ni Chena. Tama nga naman si Chena, kakapagupit lang nitong si Nickie noong nakaraang linggo
I take out my phone and What the f---! (Food) Ang gulo ng buhok ko, mukhang... BRUHA!
Ang pangit na pala ng buhok ko.
"Ahmm.. I think, I also need a new hairdo? What do you think guys? Let's g-" napigilan ako ni Kevin at nagsalita, "Paano ako? Anong gagawin ko rito?"
"Meet me at HNH Salon, 3pm, 3rd floor. Byee!" At tuluyan na namin siyang iniwan
~ To Be Continued ~
Written by Eggboy16
No To Plagiarism
BINABASA MO ANG
A Nerd Bedwarmer
ChickLitI'm not her bedwarmer nor her boyfriend. It's just her trips. She's just a damn feeler. She's not the girl I liked, not my ideal girl. She's the most sexiest and prettiest in the campus but, she's not my type until... One day came, It is all damn.