Chapter 23- Kuya Jeff

3.9K 66 0
                                    

KEVIN

Naka-uwi na ako ng alas nuwebe. Pero nasisiyahan sa akin sila mama dahil kahit papaano daw ay nagkaroon na daw ako ng social life pero wag masyadong sumobra

Kinuha ko yung cellphone ko sa may lamesa. 2 messages galing kay Krista

"Hello! :) Good Evening, salamat sa pagsama mo sa akin sa panunuod ng livestream ng mga star hehe" livestream talaga ha?

":)" di talaga pwedeng mawala sa kanya ang smileys

"Salamat rin, first time ko ring nakanuod ng livestream ng mga bituin :)" hindi ko rin pwede makalimutan ang smileys

"Bukas, dadaan ulit ako diyan, bye na :)" reply niya ulit, pupunta nanaman siya rito?

"Bakit nanaman?" Nakakahiya na sa kanya, ang pangit pangit nitong bahay namin

"Basta, bye! :)" nagpapaexcite pa siya. Nilapag ko na yung cellphone ko sa lamesa at humiga na sa kama ko

***

Tinignan ko yung relo na nakasabit sa dingding at nagulat ako sa nakita ko, 1 am na! Wala naman akong ginagawa pero biglang umikot ang orasan

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Jeff

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko agad

"Eh bat gising ka pa rin?" Sagot niyang tanong sa akin, ang galing noh? Nagtanong ako tas tinanong rin ako

"Eh anong gusto mo? Bawal ba akong magising?"

"Hindi naman, bakit ka pa ba gising? Iniisip mo pa rin si Krista noh? Ayiee! Umiibig" sabi niya tapos umupo sa kama ko

"Naku kuya kung may project ka, bukas nalang! Gabi na oh" binato ko naman siya ng unan tas umilag naman ang gago

"Wag mo na nga akong lokohin, alam kong may gusto ka doon, lalaki rin ako at tao rin ako kaya alam ko na yung mga ganyan. Papunta ka palang, pabalik na ako" para namang sobrang laki ng tanda niya sa akin

"Wow ha? Tatlong taon lang ang tanda mo sa akin, pabalik ka na kaagad? Bilis ah?"

"Alam mo kasi Kevin, hindi naman masama ang magkagusto sa tao"

"Pero kuya seryoso na, ano ba ang dapat mong gawin kapag na-inlove ka na?" Hindi ko alam kung bakit ko ito tinatanong, basta nalang, ewan!

"Wala kang dapat gawin. Sumabay ka lang alon" Kapatid ko na ata si Papa Jack

"Eh paano kung hindi ka makasabay sa alon at maumpog ka sa mga batong nasa dagat?"

"If you are not hurt, you don't know what is the true concept of true love" Siguro nauntog siya sa mga bato, tumalino bigla

"Gumaganyan ka na ha? Teka? In-love ka ba? Bakit parang hugot na hugot ang mga sinasabi mo?"

"Ako dapat ang nagtatanong sa iyo niyan di ba? In love ka ba?" Nagtatanong ako at tinanong rin ako, medyo magaling

"Umalis ka na nga!" Tinulak ko siya sa kama at napatayo naman siya

"Ayieee, Krista! Basta yung project ko bukas ah?" Sabi niya bago niya isara yung pintuan, sabi na nga ba't may papagawa nanaman yun sa akin

Humiga na ulit ako sa kama.

Ito na ba yun? Ito ba yung in-love?

***

"Huy" bigla kong dinilat ang mata ko dahil sa narinig ko

"Ahhhhhhh!! Bakit ka nandito?" Agad kong inayos ang salamin ko at tumayo. Tinignan ko yung ibaba ko at nakita kong naka boxers lang ulit ako kagaya kahapon kaya kinuha ko yung unan at pinantakip rito

"Ano ka ba naman! Nagtakip ka pa niyan, para namang kakainin ko yan! Oh siya nga pala, nagpa-reserve na ako ng restaurant para sa inyo ni Cielo" nakayakap pala siya sa akin. Pinapasok nila si Cielo sa kuwarto ko?

"Paano ka nakapasok rito?" Tumalikod ako at sinuot ko yung pantalon na sinuot ko kahapon

"Pinapasok lang ako eh"

"Teka, anong restaurant ba ang sinasabi mo?" Zinniper ko na yung pantalon ko

"Dinner? Di ba? Romantic pag gabi, alangan naman mag date kayo ng breakfast, duh! Ano ka ba naman?" She rolled her eyes

"Ang aga-aga pa lang? Dapat mamayang hapon mo na ako sinundo! Ano ka ba naman?"

"Ano naman? Edi mag malling tayo! Let's go shoppin'!"

***

At ayon nga ang ginawa namin, mag libot libot sa mall hanggang sa sumapit na ang alas siyete

Nasa Ysabelle Jardin kami ngayon, pinacancel kasi ni Krista yung sa restaurant, mas romantic raw kasi dito

"Oh paano ba yan? Mukhang makakabayad na ako sa utang ko ah? Ikaw na bahala, sabihin mo sayo galing" tinapik niya yung balikat ko at umalis na siya

"Salamat" nginitian ko naman siya

Bumaba na ako. Puno ng lobo ang ibaba at sa gitna ay mayroong table

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

A Nerd BedwarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon