"Anak," bigla siyang lumapit at hinagkan ako. Ramdam ko ang pagkanginig at paglamig ng kamay niya habang nakapatong ito sa akin
"Mom? May problema po ba?" Umiiyak lang siya, hindi sumagot sa tanong ko. Niyakap ko na rin siya. Alam kong may mali sa nangyayari, mayroon.
"Wala honey, wala. Your mommy was just worried" patuloy pa rin siya sa pag-hikbi hikbi niyang pag-iyak. Huli ko siyang nakita na ganito noong nawala sa amin si Daddy at ayokong nakikita siyang nagkakaganito, ayoko na.
"Naku Ma, parang hindi naman kayo sanay na ganitong oras ako umuuwi" kumalas na ako sa pag-kakayap at nginitian siya para namang ngumiti na rin siya
Umiling lang siya at sinabing, "No anak, don't mind me. Nagdadrama lang ako. I love you" I feel strange, pakiramdam ko ay hindi si Mommy ang kaharap ko. Parang hindi siya yung mommy ko, naging oa siya. Ano ba ang nangyayari? Kailangan kong malaman
Kevin's POV
Mabuti naman at medyo maaga-aga ang uwi namin ngayon kaya pinaalam ko nalang na may activity pa kaya nahuli ako ng kaunti
Naging masaya naman ang araw ko ngayon, nakakatakot pero masaya. Ang dami kong naranasan ngayon, ang saya. Grabe!
Kinuha ko yung cellphone ko. Ngayon, ako naman ang magte-thank you sa kanya
"Hello Krista, Thank you for this wonderful day. Isa ito sa pinakamasasayang araw sa buhay ko. Salamat :-)" Ginamit ko rin yung tinuro niya sa akin na ngumiti sa text, pwede pala yun? Ngumiti kahit sa text lang. Mas madaling itago kapag malungkot ka o something
Makalipas ang limang minuto ay hindi pa rin siya nagrereply. Siguro busy ito sa kaka-review dahil test na lunes. Biglang umilaw ang cellphone at kinuha ko iyon, si Krista
"Wc" Wc? Welcome ba yun? Bakit ang tipid niya? Wala man lang bang smiley o something? Shortcut pa? Pero, bakit ko ba tinatanong sa sarili ko kung bakit kaunti lang yung reply niya? Binaba ko na iyon at kinuha ko na yung notebooks ko sa bag at nagsimula na akong magreview para sa lunes
Krista's POV
Saturday morning, my head aches so Mom decided to put me in the hospital pero sabi ko ay okay lang ako kaya si Dra. Mendez na lang ang pumunta dito sa bahay. Wala akong ginawa kundi ang humilata sa kama and eat rice porridge. Sa totoo lang, hindi maganda ang humilata sa kama at makipag-titigan sa kisame ng kuwarto ko, hindi masaya. Hindi rin masaya ang matulog habang binabantayan ka ng nanay mo. Parang kahit hangin ay ayaw nila sa aking palanghapin. Ganoon ba kalala ang isang LAGNAT?
Napansin ko lang these past few days, Mommy is treating me like a princess, A little princess. Sobra ako alagaan ni mommy ngayon, lalo na't may sakit pa ako ngayon. Epekto nanaman ba ito ng pagde-design niya sa isang religious chapel?
Mga around 6:40 ng hapon ay dumating sila Chena at Nickie para kumustahin ako
"Kris, we missed you na! Ano ba naman kasi yan eh, wala ka bang payong at nagpa-ambon ka? Hindi ka na tuloy nakakasama sa mga hangouts namin" conyong sabi naman ni Nickie
"Eto naman, meron pa namang next times!" Sabi ko sabay sapak sa matabang braso ni Nickie
"Oo nga sis, Na-miss ko na yung kagaguhan mo! Pagaling ka ha?" Yung kagaguhan pa talaga yung na miss nila sa akin? Hindi ba yung kagandahan ko nalang?
"Ahmm teka lang sis, we really have to go eh. You know naman di ba? The mall is our bestie!" Aalis na agad sila? Wala pa yatang five minutes ang pagpunta nila dito ay aalis na agad sila? Pinapainggit pa nila sa akin na magma-mall nanaman sila
"Aalis na kayo? Alas siyeta na ah"
"Hanggang hindi pa close ang mall ay hindi pa dapat umuwi! Buti nga ay na-cut namin ang sched namin sa pagsa-shop eh para lang sa iyo"
"Oh sige na nga! New dress nalang ha?" Kumiss na sila sa akin at naiwan na akong magisa sa kuwarto
Ilang sandali pa ay may biglang kumatok, Si Yaya na siguro yan. Papakainin nanaman ako ng sandamakmak na lugaw
"Come in" sigaw ko
Bumukas naman ang pintuan at si Mommy ang pumasok. Hindi pala si Yaya
"Ano anak? Okay ka na ba?" Tanong niya habang sinasarado ang pinto patalikod
"Yeah Mom, I'm doing well" nakangiti kong sagot sa kanya. Umupo siya sa gilid ko
"How was the tutoring session of yours with that cute guy?"
"Okay naman po. Actually kahapon po ay natapos na kami kaya po sana sa monday ay makakuha ako ng mataas na grades"
"That's good anak. May gusto ka ba sa kanya?" Ako? Tinatanong ako ni Mommy?
"No ma! Bakit naman po?" Hinawakan niya ang kamay ko. Ang lamig ng kamay niya
"Wala lang honey, just reminding you na kung gaano tayo napapakilig ng taong minamahal natin ay katumabas rin iyon ng sakit na pwede niyang ipadama sa atin" bakit sa akin sinasabi ito ni Mommy?
"Mi, wala naman po akong boyfriend. Hindi pa rin naman po ako naiinlove. Kayo lang po ang love ko!" Binuka ko yung kamay ko para yakapin si Mommy
"Halika nga dito anak, I love you" niyakap ako ni Mommy
Sunday came at ganoon pa rin ang nangyari, same routine as yesterday was. Kaharap ko pa rin yung kisame sa kuwarto ko. Iniinom ang gamot na lasang barya at kumain ng lugaw na walang lasa kung wala pang asin
~ To Be Continued ~
Written by Eggboy16
No To Plagiarism
BINABASA MO ANG
A Nerd Bedwarmer
ChickLitI'm not her bedwarmer nor her boyfriend. It's just her trips. She's just a damn feeler. She's not the girl I liked, not my ideal girl. She's the most sexiest and prettiest in the campus but, she's not my type until... One day came, It is all damn.