KEVIN
"Okay na, happy na? Happy? Happy?" She said slightly sarcasticly when she came out
"Arrghh, tara na nga" hinigit ko siya paalis. We take the cab to ride on since coding yung kotse ni Krista. I'm wondering tuloy kung ano yung pinagsasabi niya kay Cielo na tungkol sa akin
Sunday came and everything is fine until Kuya Jeffrey wake me up in my bed with his annoying voice
"Kuya, ang aga-aga pa oh? Mamaya ko na gawin yung mga assignments mo" pikit mata kong sabi. Ganyan naman kasi si Kuya eh, mangigising para lang sa assignments at projects niyang pinapagawa sa akin
"Someone's waiting for you outside" This is the first time I heard my kuya speak english fluently pero ano raw?! May naghihintay sa akin sa labas? Hindi kaya si...
"Yung babae mo, hinihintay ka na sa labas, kanina pa" wag niya talagang sabihing si Krista iyon. Nakahiga pa rin ako at nakapikit pa rin pero gising na ang isip ko
"Your Krista Beybee is waiti--" english ng english puta, Nilamukos ko yung mukha niya para pigilan siya sa sinasabi niya. Bakit ba kasi siya pumunta dito? Ano naman kaya ang kailangan niya sa akin? Bigla akong bumaba sa kama ko. Nakaupo pa rin si Kuya sa Higaan ko
"Hoy, naka-boxers ka pa. Nakakahiya ka gago" tas binato niya ako unan. Tumingin naman ako sa ibaba ko. Naka boxers brief pa nga lang ako. Agad akong pumunta sa aparador at kumuha ng shorts na pambahay. Nadulas pa nga ako dahil nadulas. Tumawa naman ng malakas si Kuya, walang ending?! Happy lang? Ipinatong ko nalang yung shorts ko sa boxers. Di ko naman talagang kailangan pang paghandaan ang pagdalaw niya
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siya. Naka-pang rockers siyang damit. Rakista ba ito? Anong ginagawa niya? Mag- gigig ba siya rito sa bahay namin? Kaharap siya nila mama at papa, kinakausap siguro nila
"Oh, mukhang bagong gising pa ah?" Halata naman sigurong kakagising ko lang, kailangan pa bang ibroadcast
"Malamang kakalabas ko lang sa kuwarto di ba?" Kinuha ko yung salamin ko sa may T.V. Divider namin. Umupo ako sa tabi niya. Bigla namang tumayo sila mama at papa
"Anak, kukuha lang kami ng papa mo ng makakain niyo ahihihi" pa-virgin effect pa si Mama kung humagikgik. I just nod at her. Medyo mapang-asar pa yung ngiti nila papa habang paalis
"Anong ginagawa mo dito? Medyo bastos ka rin eh noh? Mag sabi ka naman kung pupunta ka dito" medyo pagalit kong sabi sa kanya
"Eh hindi ko kasi nasabi sayo kahapon sa taxi kasi nakatulog na ako" bigla namang dumating sila mama at papa na may dalang tray ng juice at mga biskwit. Parang may lamay naman, kulang nalang ay kape. Inilapag nila mama ang tray, "Pakabusog kayo anak ha? Ahihihi" ayan nanaman yung pa-virgin na tawa ni mama. Umalis na ulit sila nila papa at naiwan kami sa sala
"Eh kaya nga, ano ang kailangan mo?" Hindi nalang kasi ako diretsuhin nitong babaeng ito eh masyong paexcite
"Di ba may plano tayo para kay Cielo? May dala akong mga gitara at speakers sa kotse" itinuro pa niya sa binatana na nasa likod namin. Wala naman akong nakitang kahit anong instruments doon, kotse niya lang
"Oh so anong plano?" I'm not really expecting that she will take this so serious
"Manghaharana ka. Ikaw mismo ang kakanta don't worry ako ang second voice" tinapik tapik pa niya yung balikat ko
"Nahihibang ka na ba? Ako? Papakantahin mo?" Sigaw ko habang tinuturo turo ko pa ang sarili
"Hindi, siguro yung nanay mo nalang! Hindi ka ba makarinig? Kakasabi lang di ba? Ikaw!" She rolled her eyes, naku dukutin ko yang mata niya eh
"Halika na nga" hihigitin niya sana ako pero napigilan ko siya. Yes, first time hindi niya ako nadala sa higit powers niya
"Teka, magbibihis pa ako!"
"Naku, wag na! Mag topless ka nalang"
"Ha? Are you serious?"
"Joke lang, halika na! Umalis na tayo! Binilhan na kita ng damit" tapos nagpadala na ako sa higit niya. Parang saranggolang tinatangay tangay ng hangin
"Ma, alis na po kami" sigaw ko bago ako makalabas sa pinto. Lagi nalang kasi ganito si Krista, kala mo ay may bulldozer na laging hinahabol. Lagi nalang. Mukhang tanga. Idol yata nito si Flash eh
***
"Are you really sure na ito talaga ang dapat na isuot kapag manghaharana?" Sabi ko habang tinitignan ang amerikanang pinasuot niya sa akin.
"Para naman kasi akong ililibing dito. Tapos di pa match yung suot natin. Ikaw pang rakista tas ako pang patay? Walang coordination" dagdag ko pa
"Leche, tumahimik ka na lang diya at tutugtog na ako. Dami mo pang sinasabi, lahat nalang napapansin mo leche ka"
She started to play her guitar. Nasa likod kami ng bahay nila kung saan nakatapat yung bintana ng kuwarto ni Cielo. Sinabihan na rin namin si Kuya Tatoy na wag maingay. Kinilig pa ang matanda nung sinabi namin yung gagawin naming kagaguhan
"Naalala ko pa
Nung nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang yong mga ngiti"
Ano ba yan? Bakit ko ba ito ginagawa? Nakakahiya
~ To Be Continued ~
Written by Eggboy16
No To Plagiarism
BINABASA MO ANG
A Nerd Bedwarmer
ChickLitI'm not her bedwarmer nor her boyfriend. It's just her trips. She's just a damn feeler. She's not the girl I liked, not my ideal girl. She's the most sexiest and prettiest in the campus but, she's not my type until... One day came, It is all damn.