Chapter 32- Everything went Black

4.4K 72 1
                                    

"Stop acting like you care, coz' you really don't. And if you, dapat kayo ang kasama ko ngayon. Kayo ang dapat na kadamay ko" pagkatapos kong sabihin iyon ay lumabas na ako ng bar. Wala na talaga akong mapuntahan, I don't know what to do right now

Naglalakad lang ako sa kalsada habang humahampas sa akin ang napakalamig na simoy ng hangin. Iniisip ko kung bakit napunta sa akin ang problemang ito, at bakit rin sa akin ibinigay ito? Hindi ko kaya, wala akong mapagdamayan. Naiisip ko ulit yung mga nangyayari noong masaya pa kaming magkasama ni Kevin, yung inaasar ko siya. Bakit kahit ang langjt ay hindi ako dinadamayan? Kahit umulan man lang? Para kahit siya ay alam kong dinadamayan rin ko

*Spluuuuuusshhhh!

Biglang may dumaan na sasakyan at natalsikan ako ng putik

"Hoy! Hayop ka!" Sigaw ko dun sa sasakyan na patuloy sa pagragasa. Barumbadong driver na 'yon! May lisensiya ba yun? Di dapat binibigyan ng lisensiya ang mga iyon eh! Bastos! Putik! Ang dami kong putik sa uniform ko. Pero naisip ko, at least ang putik ay nadamayan na ako. Kaibigan ko na ang mga putik na nasa damit ko ngayon

Patuloy ko akong naglalakad sa kahabaan ng highway ngayon. Kahait ang paglalakad ko rito ay hindi ko alam. Ni, hindi ko nga alam ang daan na ito. Saan naman kaya ako nito mapunta? May mapupuntahan kaya akong lugar na makakalimutan ko na ang lahat? Pati na ng pangalan ko? Joke. Pero kung mayroon lang, kahit magkano o kahit gaano kalayo ay pupuntahan ko dahil alam kong worth it naman pagbalik ko

Umupo ako sa may waiting shed. Walang gaanong mga sasakyan ang dumadaan. Konti lang. Dapat ang pag-ibig ay parang ang pagmamaneho rin, di ka pwedeng magmahal kung mananakit ka lang din na parang sa pagmamaneho, di ka pwedeng magdrive kung wala kang lisensiya

"Broken? Iniwan ka ba ng boyfriend mo?" I saw a boy standing near beside me. Sino siya? Bakit niya ako kinakausap?

"Nope, broken lang pero walang boyfriend" nakatingin ko sa kanyang sagot. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinagot kahit na di ko naman siya kilala. Kailangan ko lang talaga siguro ng karamay.

"Parehas pala tayo" umupo siya sa tabi ko. Tumingin siya ng malayo habang nakatingin naman ako sa kanya

"Broken ka rin na walang boypren?" Bakla ba ito?

"No, Broken rin ako sa bestfriend kong babae. Biruin mo, ako ang lagi niyang kasama pero mas na-inlove pa rin siya sa boyfriend niya ngayon?" Pangisi-ngisi niyang sabi. Alam kong hindi rin siya okay tulad ko

"Eh buti ka nga eh, bestfriend mo. Eh ako? Ni hindi ko nga alam kung friend ba talaga kami, wala pang best" napayuko ako. Gusto kong umiyak.

"Hindi rin" umiling pa ito, "Mahirap ring ma-inlove sa bestfriend mo. Hindi mo masasabi sa kanya. Kung sa mga lalaki kong kaibigan ako magsabi ay paniguradong aasarin lang ako ng mga nun" pero at least lagi niyang kasama

"Wanna cry?" May inabot siya sa aking panyo. Kulay black iyon na may mga design na bungo. Nakakatakot, mangkukulam ba 'to

"Masakit talaga ang umibig" tinanggap ko na yung panyo niya

"Ganoon talaga, lalo na kung hindi para sa atin" damang dama namin ang isa't isa, parehas ng pinagdadaanan eh

"Walang choose mode ang puso? Yung tipong lahat ang taken ay blocked na agad at saka nalang ma-u-unblock kapag free na siya. Alam mo yun?"

"Wish ko lang may ganyan" sabi naman niya

"Matagal ka na bang may gusto doon sa guy?" Tanong niya

"Hindi eh, pero ang lakas lakas ng tama ko sa kanya. Ikaw? Dati mo pa bang mahal yung girl?" Tanong ko rin

"Oo eh pero sa kasamaang palad, hindi ako ang napansin. Pero wala na akong magagawa kung hanggang kaibigan lang talaga kami"

"Thank you sa kaunting oras nating pag-uusap. Sorry rin" binalik ko na sa kanya yung panyo. Isang beses ko lang naman nagamit

"No, no. Ako nga dapat ang mag-thank you sa iyo. Wala lang talaga akong mapag-damayan" kinuha niya na yung panyo niya

"By tha way, I'm Louis" inabot niya ang kamay niya sa akin para makipag-shake hands

"I'm Krista, Thank you talaga" tinanggap ko naman ang kamay niya at nakipagshake hands sa kanya

"Oh shit!" Napabulong siya ng mapatingin siya sa relo niya

"Bye! I have to go, nice meeting you. Hope we can meet again together" at tumakbo na siya. Sayang at di ko na tanong kung ano ang facebook account niya. Kahit man lang ang surname niya at di ko alam

Pagkaalis niya ay may biglang sumagi sa isip ko na hindi kaya, Siya na kaya ang The One ko?

I mean, siya na kaya ang para sa akin? Kasi ang dami naming similarities kahit na ngayon lang kami nakapag-kwentuhan. Hindi kaya pinagtagpo kami ng tadhana sa parehas na daan?

***

Kinabukasan, wala pa rin kaming kibuan ni Kevin pero sila Chena at Nickie ay sinusubukan akong kausapin pero inaalisan ko lang sila pag sinusubukan nila iyon. Sa may pinakadulo ako umupo para iwas gulo na rin, para hindi ko na rin siya makita

Pagdating ng break time ay mag-isa lang akong pumunta sa canteen. Naka-salubong ko pa si Cielo pag balik ko sa room. Inirapan niya ako at inirapan ko rin siya. Akala siguro niya ay nanatakot ako sa kanya. Hindi niya lang alam na pinapatay ko na siya sa isip ko. Wish ko lang na magkatotoo

Naisipan kong dumaan muna ng cr kasi nakita ko sila Chena at Nickie para kunyari ay may iba pa akong pupuntahan pero narinig ko na sinusundan nila ako

"Krista, pansinin mo naman kami! We're sorry, hindi naman alam na ganoon ang mangyayari" sabi ni Nickie nang makapasok kami sa banyo

"Hoy Krista, hindi naman ito ang gusto naming mangyari" sabi naman Chena

"Oh kaya nga, hindi niyo alam na ito ang mangyayari di ba? Kaya dapat, hindi niyo na ginawa. Wag kayo masyadong nagmamagaling" pumasok ako sa isang cubicle pero patuloy nila akong kinakatok

Maya-maya ay nawala na sila. Napatakip ako sa mukha ko. Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko. Sana paglabas ko rito ay ayos na ang lahat, yung tipong happy na tapos nakalimutan na lahat ng nangyayari pero hindi naman pupwede iyon, wala namang ganoong nangyayari sa totoong buhay.

Lumabas ako sa banyo at nakaramdaman ako ng hilo and everything went black

~ To Be Continued ~

Written By Eggboy16

No To Plagiarism

A Nerd BedwarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon