Chapter 12- Text pa!

6.2K 113 3
                                    

KEVIN

Alas otso na ako nakarating sa amin. Kasalakuyan akong nasa tapat ng pintuan namin ngayon. Nagdadalawang-isip kung kakatok ba o hindi. Pero napag-isipan kong wag nalang kumatok dahil baka natutulog na sila at baka mas mapagalitan lang ako lalo. Inikot ko na yung seradura ng pintuan namin

"Good Evening Anak, " nagulat ako ng biglang nagsalita si Papa, seryoso ang boses nito. Naku! Patay na talaga. Tumingin ako sa kaniya, naroon din sila Mama at Kuya Jeffrey. Hindi pala galit si papa, seryoso lang talaga silang manuod ng PBA sa channel 5

Dumiretso ako sa kuwarto ko. Buti nalang at nakatutok sila sa TV kaya hindi ako napagalitan.

Medyo naninibago pa rin ako sa contact lenses na ipinasuot sa akin ni Krista. Pero mas malinaw ito kesa sa salamin ko. Bago na nga rin pala ang haircut ko ngayon na medyo nakakabanibago pa rin. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ganoon pa rin naman ang itsura ko, pangit pa rin at hindi naman na iyon magbabago kahit magpagupit pa ako araw araw o kaya naman ay kahit maglagay pa ako ng ilang patong ng contact lense ay hindi magbabago na pangit pa rin ako

Humiga na ako sa kama. Naalala ko nga palang bawal isuot itong contact lense kapag matutulog na. Umupo ako at humarap sa salamin. Paano nga ba ito tinatanggal?

Inilaagay ko yung kamay ko sa mata ko kung saan nakalagay yung contact lense. Tatanggalin ko na sana ng biglang mag-vibrate yung cellphone ko sa bulsa.

"Aray!!" nasundot ko tuloy yung mata ko dahil nagulat ako sa pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Ayoko na itong isuot kahit kailan talaga. Tinanggal ko na iyon at itinapon na sa basurahan. Bumalik ako sa kama at umupo para tignan kung sino ba yung nag-text kanina

Unregistered number ang nagtext sa akin. Sino naman kaya ito? Binuksan ko yung text message.

"Hello, tulog ka na ba?" tinatanong niya ako kung tulog na ako? Eh paano kung tulog na nga ako? Ma-rereplyan ko ba siya? Teka, sino ba ito?

"Who's this?" reply ko. Mga ilang Segundo lang ay nareply na ulit siya

"Kris J" Oh, si Krista pala ito

"Anong kailangan mo?"

"Wala lang" nangungulit lang talaga siya. Inilagay ko na yung cellphone sa may table ko.

Inayos ko na yung higaan ko. Nang hihiga na ako ay tumunog ulit yung cellphone ko. Kinuha ko ulit yun kahit na alam kong si Krista lang naman iyon

"Uy,," reply niya. Inilagay ko nalang ulit yung cellphone ko sa table

*Beep

Tumunog ulit yung cellphone ko. Hindi talaga ako papatulugin nito.

"Bakit?" sana naman ay malowbatt na siya o kaya mawalan na siya ng load pero naka-postpaid pala siya

"Wala lang, gusto ko lang sana mag-thank you sa kanina J" mag-te-thank you lang naman pala siya

"Welcome"

"Libre lang ang mag-send ng smiley J" kailangan pa ba talaga?

"J"

"Ayan, that's better. Good night na, sweet dreams J"

Pagkatapos noon ay hindi na ako nagreply pa pero parang gumaan yung pakiramdam ko.

***

Nadilat na ang mata ko. Sikat na ang araw pero usually ay nagigising ako ng wala pang ara- teka, LATE NA AKO!

Tinignan ko yung Alarm clock ko at nakita kong alas siyete na. Super late na ako. Dumiretso na ako sa kubeta at siguro mga 3 minutes lang akong naligo. Pagkatapos noon ay nagbihis na ako. Sinuot ko na lang yung salamin ko

Pagdating ko ng school ay wala na si Ms. Epang. Hay! Nakakainis naman! Hindi pa ako nakaabot sa history class namin. Bakit naman kasi ako na-late? Bakit kasi ako napuyat kagabi eh! Bakit nga ba?

Nakita ko si Krista na nakangiti sa akin.

Tama, hindi ako nakatulog dahil sa text niya pero bakit nga ba hindi ako makatulog doon?

Nag-wave siya sa akin at ngumiti naman ako. Bakit ganoon? Imbes na mainis ako ay napangiti pa niya ako?

Dumating na ang recess at sumabay ulit ako kay Cielo, siya lang naman ang nakaka-usap ko maliban kay Krista saka mag-kababata kami

"You look good with your new hair" napansin rin pala ni Cielo iyon

"Salamat pero ganoon pa rin naman, pangit pa rin hehe" talaga bang ka-pansin pansin ang buhok ko dahil mas lalo akong pumangit?

"Nah, mas lalo kang pumogi" alam kong namula ang pisngi ko sa sinabi niyang iyon

"Salamat,,"

Natapos ang araw ko at pupunta nanaman ako kina Krista

Nasa labas na ako ng gate ng ESU.

"Tara na?" Nagulat ako ng biglang may kumalabit sa akin. Hindi ko alam kung may lahi ba 'tong kabute at bigla bigla nalang susulpot

"Tara" hinintay namin yung kotse niya

• Krista's POV •

Nang makasakay kami ng kotse ay nakatanggap ako ng text kami Mommy

"Honey, My dear, Ma-le-late ng uwi diyan si Mommy ha?"

"Ok po Mi! Nandoon naman po sila Yaya"

"Oh honey, I forgot to tell you na nag-day off silang lahat. Remember? 16 ngayon. Sunduin nalang kita mamaya kila Chena. Bye dear! Ingat :*"

Patay! Wala nga pala ngayon sila Yaya!

"Ahmm,, Kevin?"

Napatingin siya sa akin. Mukha namang papayag siya sa sasabihin ko. Mukha rin naman siyang good vibes

"Pwede bang sa inyo nalang muna tayo?"

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

A Nerd BedwarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon