Krista's POV
Monday na ngayon kaya tama na muna ang landian. Aral aral muna
Just the same as the other day, I do my daily routine. Again and again
After kong gawin ang lahat ng dapat kong gawin ay nagpahatid na ako kay Ben
"Ang putok naman po ng blush on niyo, para kayo yung na-rape sa condo. Yung Dennis Trillo ba yun" sabi ni Ben habang tumitingin sa akin sa rear view mirror. Manti-trip na nga lang ay yung sa maling tao pa ihahambing
"Baka Deniece Cornejo" sabi ko,sabay irap, sabay kabit ng headphones. Pati ba namang ang make-up ko ay pinapakealamanan niya? Masyadong pakialamero ah
Alam kong patuloy pa rin siya sa pangangasar sa akin pero hinayaan ko nalang siya. Feeling close pa sa akin
We traveled the road before school for almost 1 hour and a 30 minutes na dating 45 minutes lang. May nagbanggaan pa kasi eh, kung gusto kasi nilang magpakamatay ay lunurin nalang nila ang sarili nila sa inidoro o kaya naman ay saksakin ang sarili gamit ang electric fan. Hindi yung kalsada yung ginagamit, nadadamay kami
Nakasuksok pa rin sa loob ng tainga ko ang headphones ko. Naglalakad akong naka yuko while enjoying what is played on my phone. May mga nababangga ako pero wala akong paki. Dapat magbigay sila ng daan para sa akin
Habang naglalakad ako ay naramdaman ko ang absence ng dalawa kong kaibigan, sila Chena at Nickie. Madalas kasi kaming magkakasama, lalo na dito sa school
Malapit na ako sa hagdan ng makita ko ang isang paang nasa gilid nito. Tinignan ko iyon at nakita si Kevin at Cielo na magkasama
Biglang nalang akong napa-auto face. Nawalan ng expressions ang mukha ko. Parang biglang may sumapak sa akin na ewan ko. Bago pa man nila mapansin ang presensiya ko ay dumiretso na agad ako sa itaas. Naiinis ako na nalulungkot. Wala naman akong monthly period ngayon pero bakit ang bad ng mood ko
Pumasok ako sa room. Nandoon na sila Chena at Nickie na parang nagpapayabangan pa sa mga bago nilang signature's bag
Bigla nalang hinili ng upuan ang puwet ko para umupo sa pagitan nila Chena at Nickie kaya natigil ang pagyayabangan nila sa mga bag nilang LV at Gucci
"Kumusta ka, Sis? May sakit ka ba ulit? Sabihin mo lang, ipapa St. Luke's na na namin agad" bungad sa akin ni Nickie
"Badmood?" Tanong naman ni Chena
"Baka naman brokenhearted" sabi naman ni Nickie na may pa-irap irap pa
"Ano ba naman kayo. Kita niyong wala nga akong lovelife tas brokenhearted pa"
Ilang sandali pa ay napuno na ang klase namin at pumasok na rin si Ma'am Epang
"Okay class, we are going to have our annual play next month. Ang ating idudula ay ang likha ni Francisco Balagtas na 'Florante at Laura. So, as your adviser, I will be the one who will pick the characters" nakatingin lang ako sa kanya. Hindi pumapasok sa isip ko ang pinagsasabi niya
"So, our Florante will be Kevin Tevilla since mabilis naman siyang magkabisa and our Laura will be.."
"AAAHHHHHH!" Nanginig ang buong katawan ko ng biglang may tumunog sa tainga ko
"Is there any problem Ms. Marquez?" nag-cross arms si ma'am Epang at itinaas ang kilay nitong nakatapat sa akin. Nakatingin na rin ang mga classmate ko sa akin. Hindi ko kasi natanggal ang headphones ko sa tainga ko kaya nagulat nalang ako bigla ng may tumawag sa akin. Rock pa naman ang ringtone ko rito kaya nakakagulat. Bigla nalang kasing may sisigaw sa tainga ko.
"Sorry Ma'am"
"You will be the Laura in the play" nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon
"Ma'am?" Baka nagkamali lang siya. Kasi naman eh, ako tuloy ang nakita. Nakakainis na cellphone na 'to
"Since malakas naman ang boses mo, ikaw na ang gumanap sa character ni Laura"
"Next week ang start ng practice. Kilala niyo ako, I don't wan't a crappy work. Wag niyo akong ipahiya. Are we clear Ms. Marquez and Mr. Tevilla?" Napatango nalang ako
"Goodluck Girl, ikaw dapat ang maging best actress ngayong taon ha?" Ang bilis naman na goodluck na iyan galing kay Chena
***
"Krista, ito nga pala 'yong script natin para sa play next month. Kahit na next week na yung practice ay magkabisa ka na rin kahit konti para medyo advance tayo" sabi ni Kevin habang binibigay yung folder. Makapal ito. Kaya ko ba itong kabisaduhin?
"Ahh, okay. Thanks" nagpatuloy kami sa paglalakad ni Chena at Nickie
"Oh, ako na ang bibili ha! Ano sa inyo" tanong sa amin ni Nicke nang makaupo kami
"Kahit ano nalang" sagot naman ni Chena
"Sayo Krista? Ano?"
"Huy! Ano? Kanina ka pa nakatulala diyan ah?" Tinignan ko naman siya
"Sorry, kahit ano nalang din" binalik ko ang tingin ko sa malayo. Wala muna akong pakialam sa mundo ngayon
"Ito na ba yung script niyo para sa play? My Gosh! Para na 'tong nobela" Chena exhageredly said. Nakita pala niya yung folder ko
Humarap ako sa kanya, "Ano ba ang Florante at Laura? Eh di ba Nobela?"
"Oo nga, sabi ko nga"
~ To Be Continued ~
Written by Eggboy16
No To Plagiarism
BINABASA MO ANG
A Nerd Bedwarmer
Chick-LitI'm not her bedwarmer nor her boyfriend. It's just her trips. She's just a damn feeler. She's not the girl I liked, not my ideal girl. She's the most sexiest and prettiest in the campus but, she's not my type until... One day came, It is all damn.