Chapter 1

3.2K 37 0
                                    

           
May 2001.

Hapon na. Nakapila pa din sa registrar. Araw ng enrollment. Tagaktak na ang pawis sa init ng panahon. Gutom at pagod na si Ramona pero tinitiis na lang kasi malapit naman na siya sa counter. Ang iniisip na lang niya, matatapos din ang araw na 'to.

Naiinis si Ramona sa sarili dahil pinatagal pa niya bago nag-enroll. Busy kasi sa restaurant ng Tita Siony niya. Hindi siya makaalis saglit dahil ang daming customers lagi. Ang restaurant ni Tita Siony ay malapit lang sa university na kanyang papasukan. All-around na trabahador siya roon. Kung hindi nagwe-waitress, taga-luto, taga-linis, taga-bantay sa kaha, lahat na. Ulila na si Ramona. Tanging si Tita Siony na lang ang pag-asa niya para makatapos ng pag-aaral. Hindi man inoobliga ng tiyahin magtrabaho roon ay gusto niyang pag-igihan ang trabaho roon dahil malaki ang utang na loob niya rito.

Five years old si Ramona nang mamatay ang kanyang mga magulang. Ang ama, namatay sa atake sa puso. Ang ina naman ay hindi natagalan ang sakit ng pagkawala ng asawa kaya sumunod din ilang buwan matapos pumanaw ang kabiyak. Naiisip minsan ni Ramona kung uso pa ba ngayon ang ganoong klaseng love story. Iyong tipo na hindi kaya mabuhay ng isa kung wala ang kabiyak.

Hindi na siguro, bulong niya sa sarili.

"ARAY!"

Halos mapamura si Ramona sa sakit ng pagkakatulak sa kanya. Nang lingunin niya ang mga tao sa paligid, napansin niyang nagkakagulo ang lahat. May sunog ba? May mass murderer? May stampede? Anong nangyayari?

Nang mahawi ang mga tao sa likod ay nakita niya ang salarin. Isang lalaki ang pinagkakaguluhan ng mga babae sa paligid. Hindi lalampas sa balikat ang haba ng buhok nito. His eyes looked snobbish and exuded an authoritative vibe. Naka-itim ito na shirt at maong pants. Tila balewala lang dito ang pagkakagulo ng mga tao para dito. Gwapo nga pero mukhang mayabang.

Pucha! Nang dahil lang sa isang lalaki ang mini-stampede kanina? Naiiritang inayos ni Ramona ang nakasukbit na bag sa balikat at saka hinarap ang pila. Nanlaki ang mata niya nang dire-diretsong naglakad ang feeling guwapo na lalaki papunta sa unahan ng pila.

Anong kalokohan 'to? Nanggigitata na ako sa pawis tapos sisingit 'tong feeling guwapo na mukhang mayabang? Hindi pwede!

Nagbilin siya sa tao sa likuran niya at sinabing saglit lang siyang mawawala. Agad niyang sinundan ang lalaki at kinalabit ito. "Hoy! Anong trip mo? Pumila ka. Hindi mo ba alam ang kasabihan na First come, first served?"

Unti-unting lumingon ang lalaki. Bahagyang nahigit ni Ramona ang hininga nang makita ang mukha ng lalaki ng malapitan. Ang guwapo ng hinayupak, syet. Pero mukhang wala itong pakialam sa sinabi niya at dahan-dahang lumapit sa kanya. Napalunok si Ramona sa pagkakalapit nila. She swore she can hear some girls around her scream. "Why do you care?"

Nangunot ang noo ni Ramona. Aba't ang kapal ng mukha ng lalaking ito, ah! Akala ba nito ay mangingilag siya rito? Puwes, nagkakamali ito!

"Anong why do you care? Kanina pa nakapila ang mga tao rito. Unfair naman para sa aming mga nagtiyagang pumila ang ginagawa mo. Pumila ka doon," Itinuro pa ni Ramona ang dulo ng pila. "Doon ka sa dulo."

Bahagyang natawa ang lalaki sa sarkastikong paraan. "This is unbelievable," Wika nito. "Miss, hindi mo ba kilala kung sino ang nasa harapan mo ngayon?"

Ginaya ni Ramona ang sarkastikong pagtawa na ginawa ng lalaki kanina. "Wala akong pakialam kahit anak ka ng may-ari ng eskwelahang ito. Lahat tayo dito pantay-pantay. Pare-parehas lang tayong estudyante, kaya puwede ba, pumila ka doon sa dulo. Kung gusto mo naman pala sa unahan ka ng pila eh 'di sana inaagahan mo ng dating." Wala nang pakialam si Ramona kung para siyang pari sa paglilitanya sa lalaking kausap. If there's one thing Ramona hated in this world, it would be people like this guy. Akala yata ay mas nakatataas ito sa mga tao sa paligid.

Naaliw na tinignan siya ng lalaki. "Oh, woman. What do I do with you?" Mataman siya nitong tinignan, tila may iniisip. Pinagkrus nito ang mga braso at saka napabuntong-hininga. "Fine, I'll go to the end of the line. Happy?"

Ramona felt proud. Bahagya ding natigilan dahil ang akala niya ay kailangan pa niyang makipagpatayan sa hambog na lalaki sa harapan niya. "Thank you," Iyon lang ang sinabi niya at saka bumalik sa pila niya. Nakita naman niyang naglakad na nga papunta sa dulo ng pila ang lalaking sinermunan niya.

Kalahating oras na ang nakalipas nang sa wakas ay natapos nang mag-enroll si Ramona. Nakita niya ang lalaking sinermunan na malapit na sa unahan ng pila. Nang mapansin siya nito ay sumigaw pa ito. "I'll see you around!"

Naiinis na umismid siya palayo.

The One for RamonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon