TAHIMIK na pinagmamasdan ni Blaster ang anak. Maddie was soundly sleeping. Kakatapos lamang niya ito basahan ng isang fairy tale. Inayos niya ang kumot nito at saka lumabas ng kwarto. Nang makarating sa sofa ng condo unit niya ay nakita niya si Ramona na abala sa ginagawa sa laptop. Medyo magulo na ang buhok nito at nakasuot ng salamin na bumagay sa facial features nito. Damn, she looked cute.
"Is she asleep?" tanong nito sa kanya nang hindi siya nililingon.
Umupo siya sa tabi nito matapos siguraduhin na may distansya pa rin sa pagitan nila. Blaster can still sense Ramona's reservations towards him. Ayaw niya itong madaliin.
"Yes. Work?" Tanong niya rito. Nabalitaan niya mula kay Maddie na nakakapagtrabaho pa rin ang Mommy nito kahit na wala sa opisina.
Tumango ito. Mukhang abalang-abala pa rin ito. He decided to go to the kitchen. Nang makabalik sa sala ay inilapag niya ang kapeng itinimpla sa coffee table sa tabi nito.
Blaster asked Maddie if she'd want to stay at his house for a night. Agad namang pumayag ang anak basta't kasama ang ina. Mukhang alangan si Ramona sumama ngunit pumayag na lang din para sa anak nila. Nang sunduin niya ang mag-ina niya kaninang umaga ay nag-road trip sila papuntang Tagaytay. Tuwang-tuwa si Maddie sa tanawin. Dinala rin niya ang mag-ina sa Sky Ranch. Nang magutom ay nagpunta sila sa Mushroom Burger.
Nang pauwi na sila ay nakikita niyang tila tensyonado si Ramona. Nakatulog na si Maddie sa likod ng sasakyan. Nang mag-iba ang daan na tinahak niya ay nagtatanong na tingin ang ibinigay nito.
"What?"
"This is not the way to your condo, as far as I can remember." Puna nito.
"Right, this is the way to my new pad." He said without looking at her.
Ilang buwan matapos ang naudlot na kasal ay ibinenta niya ang dating condo na tinitirhan. That place was full of memories of Ramona. Pakiramdam niya noon ay mawawala na siya sa katinuan kung hindi pa siya aalis roon.
"Why?"
Nagkibit-balikat si Blaster. Ayaw nang pahabain ang usapan. "For a change."
Hindi na rin ito muling nagtanong.
"Thanks," wika ni Ramona nang makita ang kape sa mesa.
"No problem,"
Patuloy lamang si Ramona sa pagtipa sa keyboard ng laptop nito. Biglang nag-flashback sa isip niya ang mga pagkakataong sa dating condo niya ito nagpapalipas ng gabi. She would sometimes stay up late and work. He would get a kick from her everytime he tried to distract her. He would then use seduction as the final straw. It would work most of the time, other times, he would get more kick from Ramona.
If he could only use seduction to distract her right now. Gustong-gusto niya itong kamustahin at makakuwentuhan. Pero paano ba nila magagawa iyon kung abala naman ito? Blaster sighed.
Tumayo siya at saka inalis ang t-shirt na suot. Kunot-noo siyang tinignan ni Ramona. "What are you doing?"
Ano nga ba? Is he really trying to seduce her right now? "Uh, n-nothing, I'm taking a shower." Nang patuloy pa ring nakatingin si Ramona sa kanya ay saka siya naglakad rito palayo. "Okay, I'm going."
Abort mission!
IS he seriously trying to seduce me right now?
Natatawang tinanong ni Ramona ang sarili nang makita niyang nagtanggal ng t-shirt si Blaster sa harapan niya. She tried all her might not to laugh in front of him. He looked so darn cute. Oh, he was sexy, but he was cute without even trying. Naiiling na ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa sa laptop niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/157402626-288-k502705.jpg)
BINABASA MO ANG
The One for Ramona
Любовные романыBlaster and Ramona go way back. Mula sa inis ni Ramona sa pagsingit ni Blaster sa pila noong enrollment, hanggang sa pagiging magkaibigan, at hanggang sa isang araw ay nagising na lang si Ramona na gusto na pala niya si Blaster. Pero may Tiffany na...