Chapter 12

1K 19 0
                                    

           

"THANKS for meeting with me."

Tinawagan ni Ramona si Shane at inimbitang mag-lunch. Ayaw man nito sa una ay nagpumilit siya. Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyayari kay Blaster.

May mga pagkakataong nakakalimot ito sa ipinangakong date kay Maddie. May isang beses na nagtampo ang bata at umiyak nang hindi dumating ang ama nito. Nang tinawagan niya ay hindi naman ito sumagot. Nang dumating ito sa kanilang bahay ilang oras ang nakalipas ay gusto niyang awayin ito dahil sa ginawa sa anak. Dumating ito na gulo-gulo pa ang buhok at amoy-alak pa. Nakatulog raw ito at na-late na ng gising. Mabuti na lang at madali nitong naalo ang anak at hindi na nagtampo pa.

Sa tuwing tatanungin naman ni Ramona si Blaster kung anong nangyayari rito ay nagiging defensive ito. Kung hindi siya nito sasagutin ay aalis na lang bigla para hindi na siguro sila mag-away. Hindi na niya alam ang gagawin.

Mas lumaki na ang pag-aalala ni Ramona nang minsang supresahin nila ni Maddie si Blaster sa condo nito. Nang hindi ito sumagot sa pagkatok nila ay naalala niyang binigyan siya ng keycard sa condo nito kung sakali raw na gusto nilang dumalaw roon. For Ramona, it was as if Blaster wanted her to trust him again. Maganda iyon sa pakiramdam. Gusto niyang pagbigyan si Blaster na maging mabuting ama kay Maddie. Gusto rin niyang pagbigyan ang sarili na kalimutan ang nangyari noon. Naisip niya base sa pag-uusap nila noon na hindi ito mukhang nagsisungaling nang magpaliwanag ito. She wanted to be able to trust him again.

Pagpasok nila sa condo ay tumambad ang walang-malay na katawan ni Blaster na nakahandusay sa malapit sa sala nito. Sa mesa nito ay may isang bote ng scotch na halos paubos na.

Natatarantang tumawag si Ramona ng ambulansya. Ayon sa mga ito ay nagblack-out lang ito sa sobrang dami nang nainom. Hindi rin niya alam kung paano ipapaliwanag kay Maddie ang nakita nito. Ang akala noon ni Maddie ay patay na ang tatay nito. It was a traumatic experience for the kid.

Gustong maiyak ni Ramona sa sobrang pag-aalala kay Blaster. Alam niyang wala siyang pinanghahawakan kay Blaster bukod kay Maddie ngunit hindi niya magawang pilitin ang sarili na huwag mag-alala. After all, they've known each other since they were young. May pinagsamahan sila bilang mag-nobyo at muntik pang magpakasal. Minahal niya ito ng buong pagkatao niya. 

Ramona wanted to know what's going on. Hindi niya alam kung paano tutulungan si Blaster. And so she called Shane.

"What's up? Tanong ni Shane matapos silang maka-order.

Ipinagsalikop ni Ramona ang mga kamay. "It's about B-Blaster,"

Agad na napalitan ang pagkaseryoso ng mukha nito ng pag-aalala. "What happened?"

Huminga nang malalim si Ramona. As if that would help her keep the tears from falling. "Last week, Maddie and I found him unconscious. He blacked out." Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha. "He's been drinking so much. Nakikita ko ang mga bote ng alak sa bahay niya, even in the office. Is he dealing with something at work? Hindi naman siya ganito noon, anong nangyayari, Shane?" Naluluhang tanong niya sa kaibigan.

Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. May paghihirap sa mukha nito. "Ramona, please don't cry."

Sa sinabing iyon ni Shane ay mas lalo pa siyang napaluha. She was really worried about Blaster. Hindi niya alam kung anong gagawin kung mawawala ito sa buhay nila ni Maddie. "I don't know what to do, Shane. I'm so worried. Ayokong makita siya ni Maddie na nagkakaganoon."

Muling umupo si Shane at bumuntong-hininga. "Where is he now?"

Pinahid ni Ramona ang mukha. "He's at home. Kasama niya si Tita Miranda at si Maddie."

"I don't know where to start, Ramona." Shane said. He looked pained.

"Please, Shane. Ano bang nangyayari sa kanya?"

Sumandal ito sa upuan at nagsindi ng sigarilyo. "It started after you left for UK. Sobrang ikinalungkot ni Blaster iyon. He would've wanted to go to you just to explain and win you back pero kinailangan na siya sa kompanya. Tito Art has expressed his intent to retire in the next two years or so. Marami pang dapat matutunan si Blaster. Hindi man umalis si Blaster pero wala rin ang puso't isip niya sa kompanya. He couldn't focus. That's when he started to drink."

"Walang napala si Tito Art kay Blaster noon. He really couldn't function. Papasok ng opisina, lasing. He would sometimes get into fights kapag nasa bar kami. Two years ago, he almost screwed the company a potential client just because he was too out of it. Tito Art decided to put Blaster on indefinite leave. Ang akala ni Tito Art, giving Blaster time will help him get through, pero Blaster spent all his free time drinking."

Hindi inakala ni Ramona na ganoon ang naging epekto kay Blaster ng mga nangyari sa kanila noon. Parang may kamay na pinipiga ang puso niya sa sakit. Shane went on.

"Tito Art continued to work until he had a stroke. Eventually we found out na kaya gusto na ni Tito Art mag-resign ay dahil madalas na itong magkasakit dahil sa sobrang pagod. Kahit hindi sabihin ni Blaster, I know he blamed himself for what happened. And so he worked non-stop. He got a little better being the head of the company while getting drunk. Kung wala sa opisina, malamang nasa bahay, naglalasing. That same scene you saw in the condo? I've seen that so many times." Nakikita niya ang paghihirap sa mukha ni Shane habang nagku-kuwento. Shane was, just like her, worried about Blaster.

"Did you try to talk him out of it?" tanong ni Ramona.

Mataman siyang tinignan ni Shane. "Talk him out of what, Ramona? Of moving on? Of drinking? God knows how much we've tried to talk to him about his drinking problems. We've even had those so-called interventions. Pero anong magagawa mo kung ayaw naman magpatulong ng isang tao? Drinking was his only way to forget how miserable he is. He had regrets when he lost you and with what happened to Tito Art. He blamed himself hard for those. Nang bumalik ka at kasama si Maddie, it gave him hope. But he just can't quit, I think there's still a piece of him na hindi pa rin napapatawad ang sarili sa mga nangyari noon."

Hindi alam ni Ramona kung anong iisipin. Hindi niya lubos maisip na pinagdaanan ni Blaster ang lahat ng ikinuwento sa kanya ni Shane ngayon.

"He could've called me..." Nalilitong wika ni Ramona.

Shane smirked painfully. "What for? Babalikan mo ba siya rito? Will you give him the chance to explain? Ramona, hindi na mababago ang mga nangyari. The best thing we can do now is to move forward. Nariyan na si Maddie. Narito na kayo ulit. It's the best start you can ever give to him. Help him, please." Ang pait ng tono nito ay biglang napalitan ng sinserong pakikiusap. "It's not too late, Ramona. Do you still love him?"

Hindi alam ni Ramona kung handa na ba siya na sagutin ang tanong na iyon. Mahal pa nga ba niya si Blaster? Pinili niyang hindi sagutin ang tanong ni Shane. "I'll do my best to help him, Shane."

Nang makapag-paalam na si Shane ay agad niyang tinungo ang sasakyan at doon umiyak. She wanted to knock herself for being so selfish and stupid. Iniwan na lang niya si Blaster nang hindi man lang pinapakinggan ang panig nito. Ipinagkait niya si Maddie rito kahit na may karapatan naman itong malaman ang tungkol sa anak. Kung hindi lang naging matigas sana ang puso niya, hindi sana kinailangang pagdaanan ni Blaster ang ganoong klaseng paghihirap. If she can only turn things back.

The One for RamonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon