KASALUKUYAN silang nasa CWTS (Civic Welfare Training Service) class nila. Kasama nila ang lahat ng estudyante na pinili ang CWTS para maging NSTP (National Service Training Program) course. Bukod sa CWTS, mayroon ding ROTC o Reserve Officers' Training Corps at LTS, o Literary Training Service. Mas pinili niya iyon dahil para sa kanya, ma-e-enjoy niya ang paggawa ng mga community service projects.
Isa sa mga gustong ginagawa ng Tita Siony niya ay ang pagbo-volunteer sa Feeding Program. Madalas itong sumasali sa pa-feeding program sa Quiapo at Baclaran kung may oras. Sa tuwing may napapabalitang may mga nasalantahan ng bagyo, malimit silang hingan ng tiyahin ng mga damit na hindi na ginagamit at ipapadala ang mga iyon kasabay ang ilang relief goods. Isa iyon sa maraming bagay na gustong-gusto niya rito. Matagumpay man ang negosyo nito ay hindi nakakalimutan lumingon sa pinanggalingan.
Ilang sandali pa ay nag-anunsiyo na ang mga guro nila sa klase na magkakaroon ng groupings. Bawat grupo ay gagawa ng kanilang community service project. Nang maipaskil na ang groupings sa board ay natuwa siya nang malaman na makakasama niya ang mga kaklaseng sina Olivia, Sandra, at Shane. Nang masabihan na ang lahat na magtungo sa kanya-kanya nilang grupo ay agad naman silang sumunod. Habang nagdidiscuss na ang gurong naka-assign para tulungan sila sa project ay siya namang pagdating ng isang mukhang kinabibwisitan niya, si Blaster.
"O, ka-group pala natin si Blaster, eh." Wika ni Shane. Kinawayan nito si Blaster. "Blaster!" Huwag sana itong marinig ng kumag.
Hindi natupad ang dasal niya dahil agad ding napalingon si Blaster at napansin sila. Lumapit ito sa kanila. "Tayong lima lang sa block natin?" tanong nito kay Shane saka umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.
"Oo, 'tol. Bakit late ka?" sagot ni Shane.
Inayos pa nito ang kuwelyo ng uniporme, saka ngumisi nang malapad. "Ah, wala. May kinausap lang ako." Wika nito saka kumindat. Nag-high five ito at si Shane.
Napaismid si Ramona sa asta ng binata. Feeling guwapo talaga 'tong animal na 'to. Kapal talaga ng mukha nito. For all I know, may nilalandi na naman 'yan.
Sa sandaling panahon simula ng magsimula ang semestre ay hindi lang iilang babae ang nakita nilang naghahabol kay Blaster. Sabi ng mga kaklase niya, isa daw kasi si Blaster sa mga pinakaguwapong lalaki sa eskwelahan at nanggaling pa sa mayamang pamilya. Ang kumag naman, feel na feel na maraming nagkakandarapa dito. Ramona hated his guts.
Bagot na napatingin si Ramona kay Blaster. Nang mapansin nito na napatingin siya rito ay agad itong ngumiti at saka siya kinindatan. Napaismid si Ramona saka itinuon ang pansin sa professor na makakatulong nila sa community project.
Nang matapos ang klase ay nagkakayayaan silang kumain muna sa labas bago umuwi.
"Bakit hindi tayo sa restaurant ng tita ni Ramona kumain? 'Di ba malapit lang 'yun dito?" Tanong ni Shane.
"Ay oo nga pala, no? Tara sige!" Wika ni Olivia.
Nang makarating sa restaurant ay nakita niya agad ang tiyahin na abalang-abala sa pag-e-estima ng mga customers. Agad siyang nag-mano rito.
"O, may mga kasama ka pala. Dito na kayo umupo, bagong linis ang mesa." Binati ito ng mga kaklase niya. Magiliw naman itong binati rin ng tiyahin. "Order lang kayo ng gusto niyo, ha." Paalis na sana ang tiyahin niya nang mapansin ang isa sa mga kasama niya.
"Blaster, hijo. Magkaibigan pala kayo ng pamangkin ko."
Nagulat si Ramona sa narinig. Magkakilala si Blaster at Tita Siony?
Nginitian ni Blaster ang tiyahin niya. "Opo, Tita. Magkaklase kami ngayong sem."
Naguguluhan na hinarap ni Ramona ang tiyahin. "Tita, paano kayo nagkakilala nitong si Blaster?"

BINABASA MO ANG
The One for Ramona
RomanceBlaster and Ramona go way back. Mula sa inis ni Ramona sa pagsingit ni Blaster sa pila noong enrollment, hanggang sa pagiging magkaibigan, at hanggang sa isang araw ay nagising na lang si Ramona na gusto na pala niya si Blaster. Pero may Tiffany na...