Chapter 6

1.2K 23 0
                                    

"CAN you please move?"

"Ayoko. Mag-drive ka diyan nang makauwi na."

Naiinis na muling humarap si Blaster sa manibela. Pilit nitong pinapalipat si Ramona sa passenger's seat nang maihatid na nila si Tiffany sa bahay nito. Tinapunan pa siya nang masamang tingin ni Tiffany bago ito bumaba ng sasakyan.

"Bahala ka," Iyon lang at saka nito pinaharurot ang sasakyan.

Sobrang bilis nito magpatakbo! May balak yata itong ihatid sila sa kamatayan nila. "Umayos ka nga sa pagmamaneho mo! May balak ka bang mapatay tayong dalawa?" angil niya rito.

He laughed sarcastically. "'Di ba gusto mo nang makauwi?"

"Bwisit ka talaga! Ibaba mo na lang ako diyan sa tabi!"

"No, hindi ka bababa."

"Tatalon ako, sinasabi ko sa'yo."

"You will not do that. I don't believe you," Pero mukhang tinablan ito sa banta niya dahil chineck nito ang power lock ng sasakyan. Saka lang nito ginawang normal ang speed ng pagmamaneho.

Hindi na siya nagsalita. Inis na inis pa rin siya rito. She heard him sigh. "I'm sorry, okay?"

Ramona didn't respond. Tahimik lang siyang nakatingin sa bintana. Ilang saglit pa ay napansin na niyang itinabi nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "I can't take this anymore." Iyon lang ang sinabi at saka lumabas ng driver's seat. Binuksan nito ang pintuan sa passenger seat at saka umupo sa tabi niya.

"You know one thing that can kill men? It's the silent treatment women always do," wika nito sa kanya. Hindi niya ito tinatapunan ng tingin. 

"I'm sorry for the way I acted kanina. I just don't like that guy. Mukha siyang loko-loko."

Saka lang niya ito tinapunan ng tingin. "He was just being friendly. At bakit ka ba ganyan maka-react? Daig ko pa may kuya, eh."

Umiwas ito ng tingin. "I-I don't know. Ayoko lang na maloko ka ng mga ganoong klaseng lalaki."

"You mean someone like you?"

Kumunot ang noo nito. "What are you implying? Na siraulo ako? Na babaero ako? You know I don't date two women at the same time." Hindi sumagot si Ramona. Nakahalukipkip lang siya habang nakatanaw sa bintana.

"Fine, let's not talk about it. I'm sorry." Blaster conceded.

"I can take care of myself, you know." Sagot niya rito.

"I know, I know. I just that..." Mukhang hindi nito alam ang sasabihin. Nagulat na lang siya nang bigla siyang yakapin nito. "Sorry na, please?"

Hindi makagalaw si Ramona sa ginawa nito. Tila hindi siya makahinga sa samu't saring emosyon na nararamdaman niya. Unti-unti siyang humiwalay dito. "Fine, drive us home."

Sumunod naman ito at bumalik na sa likod ng manibela.

"HEY,"

"Hey yourself."

Umupo si Blaster sa tabi ni Ramona. As usual, abala na naman ito sa reviewer nitong nakasulat sa isang yellow pad. Sa malayo, mukha itong siraulo tignan dahil para nitong kinakausap ang sarili when in fact, she was just memorizing keywords.

Inilapag niya ang dalawang lata ng coke at chips. Wala sa sariling binuksan nito ang chips na dala niya habang nakatingin pa rin sa binabasa. Nakakaaliw talaga itong tignan kapag ganoon ito.

Inilabas rin niya ang sariling libro. Tatlong araw na lang, finals na. He was pretty confident about passing but he does not want to overdo it. Kailangan niyang makapasa. He wanted to make his parents proud.

The One for RamonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon