"ANONG mas gusto mo dito?"
Nagkibit-balikat si Blaster sa itinanong ni Ramona. May hawak itong dalawang magkaibang flavors ng spaghetti sauce. Gusto raw nito magpasta mamaya. "Whichever you like,"
Nasa supermarket na sila malapit sa condo ni Blaster. Ramona was surprisingly enthusiastic. It was as if they were still together. Maganda ang mood nito. Tinignan nito ang mga hawak. "I think I'll go for Italian tonight," wika nito at saka binitawan ang Filipino style na flavor.
"Ano pa gusto mong bilhin?"
Wala sa mood na sumagot si Blaster. Naiinis pa rin siya dahil sa sinabi ni Ramona na namimiss rin nito si Pancho. Selos na selos na nga siya dahil sobrang malapit ng mag-ina niya kay Pancho, ito namang si Ramona, parang wala lang, ang ganda pa ng mood.
"Okay ka lang?" tanong ni Ramona sa kanya.
"Yep, I'm good." Tipid niyang sagot.
"Mukha kang badtrip," puna nito.
Umiwas siya ng tingin. Mataman na kasi siya nitong tinitigan, tila sinusukat ang emosyon niya. Isama pa na napakaganda nito kapag laging nakangiti. Inaamin niya sa sarili na na-miss niya ang ngiti nito. The smile which used to be his. What he would give just to see her smile for him again.
"Hindi, ah."
"KJ mo. Ipagluluto na nga 'to mamaya, nag-iinarte pa."
"Stop it, Ramona."
"Eh, bakit nga kasi? Kanina okay ka pa ng umaga, ngayon naman, badtrip ka na. Ano ba kasi 'yun?"
"Wala nga sabi,"
"Fine," tumalikod na ito at saka tinungo ang counter. Nakasunod lang siya rito habang tulak ang cart nila.
Tahimik na lang din ito hanggang sa makauwi sila. Inayos nito ang mga pinamili at saka naghandang lutuin ang pasta. He tried to keep himself busy by watching TV. Pero wala sa palabas ang atensyon niya kung hindi sa babaeng nasa kusina.
What the hell is wrong with him? Why is he acting like a freaking 16-year-old teenage boy? Iniisip pa lang niya kung anong mga posibleng nangyari sa pagitan ni Ramona at Pancho habang nasa London ay nag-iinit na ang ulo niya. Naiinis na naibato niya ang unan sa tabi niya.
"Hoy, ano bang nangyayari sa'yo? Para kang bata." napalingon siya nang makita si Ramona na nakatayo sa likod niya. May hawak pa itong sandok. "Halika nga rito." Iyon lang ang sinabi nito at saka tumalikod na.
Nang sumunod siya sa kusina ay nakita niyang hinahalo nito ang sauce. "Lapit dito, dali." Tumalima naman siya.
"Ah," Hinipan muna nito ang sandok na may sauce bago isubo sa kanya. Natatangang bumuka nga ang bibig niya para tikman ang sauce. Nakangiti ito sa kanya. "Sarap?"
Nakatangang tumango lang siya rito. He was starting to realize how much he missed her. He missed seeing her everyday. He missed her scent, her smile, her face. Pinakatitigan niya ito. Memories of her years ago started flashing through his very eyes. Standing in front of him is the woman he loved. The ultimate realization that it had always been her started dawning on him.
But I guess it's too late now. May Pancho na siya...
Tumalikod siya. The urge to drink started hitting on him. He fought it right away. It's all in the mind, sabi niya sa sarili.
Nang makapaghain na ito ay dumulog na siya sa mesa.
"When are you coming back to work?" tanong nito.
"I talked to Dad, I told him I'll be back next week."
"I see. Are you sure you'll be fine?"
He looked at her. "Yes,"
Hindi na ito sumagot, ipinagpatuloy na lang ang pagkain. May naisip siyang itanong rito. Natatakot siyang magtanong dahil pakiramdam niya ay hindi niya magugustuhan ang isasagot nito.
"W-when are you going back to London?"
Huminto sa pagkain si Ramona. Ang kaninang sigla nito ay napalitan ng paglamlam ng mga mata. "Tumawag si Tita last week. She could be coming back any day from now."
He shouldn't have asked. Somewhere deep inside him, he was hoping she would answer that they're not coming back to London. Pero suntok sa buwan ang gusto niyang mangyari. May buhay na itong binuo para rito at kay Maddie. It was an impossible wish.
"Uuwi na kayo agad pagdating niya?"
Umiling ito. "Maybe we'll stay for another week, I don't know yet. Depende rin kay Pancho."
Bigla na namang nag-init ang ulo niya sa pagkakarinig ng pangalan nito. "Why can't you decide on your own? Why does he have to have a say on your decision?" Inis niyang tanong kay Ramona.
Tila naramdaman nito ang pagkairita niya, napakunot-noo ito. "Are you mad?"
"Hindi!"
"Hindi raw eh nakasigaw ka na,"
"Fine! So bakit nga?"
Tumayo ito at pinamaywangan siya. "Ano bang problema mo dun sa tao? Inaano ka ba?"
"Ah, I get it. Boyfriend mo nga pala 'yun. So kung ano sabihin nung ungas na 'yun, iyon ang masusunod. Ganoon ba?"
Mas lalong mukhang naiirita sa kanya si Ramona. "Oh my god. You think Pancho and I are dating? Sira na ba ulo mo?"
Tumayo na rin siya. "Bakit, hindi ba?"
Natutop ni Ramona ang noo. "Is this the reason why you've been acting like a jerk all day? Are you jealous of him?"
"What if I am?" paghahamon niya rito.
Naiinis na natawa ito sa kanya. "Pancho's gay, you fool." Wika nito at saka natatawang umalis sa dining table.
Tama ba siya ng pagkakarinig? Pancho's gay?
Sinundan niya si Ramona sa living room. Kakabukas lang nito ng TV. Tinabihan niya ito. They were silent for a few minutes hanggang sa natawa bigla sa Ramona.
"What's so funny?" Naiinis niyang tanong rito.
Hinarap siya nito. "So all this time, you thought Pancho's my boyfriend. You are still jealous of him after all these years!"
"Why wouldn't I be? I saw you with him at the resort, remember? Panay ang pa-cute sa'yo. Siya ang tumulong sa'yo sa London. Ka-close niya ang anak ko. Magkasama kayong bumalik dito tapos ngayon, siya pa ang magde-decide kung kailan kayo babalik ng London."
Tawa nang tawa si Ramona sa kanya na mas lalo niyang ikinakainis. He was happy about the fact that Pancho's gay but not with the way Ramona's acting at the moment.
"Mabait lang 'yung tao! And the reason why I'm leaving it up to him is because he met someone here. Na-love at first sight yata kaya ayaw pa niya umalis. Kung ako lang naman, ayoko na rin muna bumalik sa London, ano!"
Napatanga siya sa sinabi nito. Ayaw na nitong bumalik ng London? Is he too much of an assuming prick to assume that maybe, just maybe, he can be one of the reasons why she wants to stay?
He looked at her face. "W-why?"
Umiwas si Ramona ng tingin at saka tumayo ngunit hinigit niya ito palapit sa kanya. Nagulat na napahawak ito sa balikat niya. They were face to face. Natutukso siyang halikan ito pero alam niyang may mga kailangan pa silang pag-usapan. "Tell me," pakiusap niya.
Umikot ang mga mata nito sa mukha niya. "D-do you want us to go?"
"No," bulong niya.
Napalunok si Ramona habang nakatingin sa kanya. "Why?"
"Kayo ni Maddie ang buhay ko, Ramona. Kung noon nakaalis ka nang wala akong nagawa, I won't let that happen now. I'd die if I let you go and Maddie go."
Namamasa na ng luha ang mga mata ni Ramona. "B-Blaster,"
"Please stay with me, Ramona. Please don't leave me again," he pleaded.
BINABASA MO ANG
The One for Ramona
Roman d'amourBlaster and Ramona go way back. Mula sa inis ni Ramona sa pagsingit ni Blaster sa pila noong enrollment, hanggang sa pagiging magkaibigan, at hanggang sa isang araw ay nagising na lang si Ramona na gusto na pala niya si Blaster. Pero may Tiffany na...