Chapter 7

1.2K 26 0
                                    

"NASAAN ka na ba?"

Nagmamadaling inayos ni Ramona ang strap ng sapatos habang kausap si Blaster sa phone. Kung bakit ba naman kasi late natapos ang meeting niya sa opisina.

It had been six months since Ramona landed a job in a big shot office in Makati. Blaster offered her a job in their company but she declined. Ayaw niyang isipin ng mga tao sa paligid nila na sinasamantala niya ang pagiging girlfriend nito. Naiinis man ay pumayag na ito, ang punto lang nito ay gusto siyang nakikita araw-araw.

Nagsimula na rin ang buhay ni Blaster bilang isang executive sa kompanya ng pamilya nito. Patuloy pa rin nitong inaaral ang lahat ng dapat matutunan sa kompanya. After all, ito ang nag-iisang tagapag-mana ng mga Navarro. Pressured man, ay hanga siya rito dahil maganda ang nagiging feedback ng mga tao sa paligid nito sa kabila nang saglit na panahon pa lamang ang nakalipas  nang magsimula ito.

"Eto na, nagmamadali na nga, eh!" naiinis na niyang wika rito. Hirap siyang makakuha ng taxi lalo na at rush hour. Nasa sinehan na raw si Blaster at kanina pa naghihintay roon.

"How about I pick you up?"

May nakita siyang taxi, agad niya itong pinara. "'Eto na, nakasakay na. Saka wala ding point ano, mata-traffic ka lang din." Matapos sabihin kung saan sila pupunta ay humarurot na ang taxi palayo sa opisina nila. 

"Fine, see you later." Iyon lamang ang sinabi nito at saka na ito nawala sa linya. Napabuntong-hininga si Ramona. Mukhang mainit na naman ang ulo ng boyfriend niya.

Simula noong gabi sa party ni Tita Miranda ay naging opisyal na ang relasyon nila. Laking tuwa ng mga magulang ni Blaster at ni Tita Siony nang malaman ang balita. Pare-parehas pala ito ng hiling na sana ay maging sila.

They have been together for eight months already. Matapos ang naganap sa birthday ni Tita Miranda ay nakapag-usap sila tungkol sa nararamdaman sa isa't-isa. So far, masaya si Ramona sa itinatakbo ng kanilang relasyon. Maalaga si Blaster sa kanya. Hindi ito nakakalimot na ipadama sa kanya na ispesyal siya rito. Hindi rin miminsan na sinusurpresa siya nito nang kung anu-ano. Madalas din na magkasama sila sa tuwing dadalo ang mga pamilya nila sa mga outreach programs. Sa tuwina'y mas lalo niyang hinahangaan si Blaster dahil pagiging matulungin nito sa kapwa.

Nang makarating sa mall ay halos takbuhin na niya ang escalators para makarating sa pinakataas na floor. Nang makarating ay agad niyang natanaw si Blaster ngunit laking gulat niya nang makitang may kausap ito—si Tiffany.

Dahan-dahan niyang nilapitan ang mga ito. Lalo siyang naiinis nang nakikitang tatawa-tawa pa ang nobyo sa kung anuman ang sinasabi ng ex-girlfriend. Nanlaki rin ang mata niya nang makitang hinawakan ni Tiffany ang braso ni Blaster. Natigil sa pagtawa si Blaster nang makita siya.

"Ramona,"

Hindi siya sumagot rito. Humarap na rin si Tiffany sa kanya. "Hi, Ramona. How are you?" Nakangiti nitong bati sa kanya.

She smiled lightly. "I'm good. Ikaw, kamusta?"

"I'm okay. I'm with my friends and then I saw Blaster. Grabe ang tagal niyo nang magkaibigan, ano?" Nakangiti ito habang nagsasalita ngunit nakikita niya ang talas ng mga mata nito sa pagtitig sa kanya.

"Actually we're—"

Naputol ang pagkontra niya sa sasabihin nito nang muli nitong harapin si Blaster. "Okay, so I'll head out. Nice seeing you both." Bumeso pa ito kay Blaster bago naglakad palayo.

Nang tapunan niya ng tingin si Blaster ay mukhang na-awkward-an ito sa sitwasyon. "R-Ramona,"

"You didn't tell her we're together?"

The One for RamonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon