Chapter 5

1.2K 22 0
                                    

TWO YEARS LATER.

"Ramona, malapit na ang debut mo, anong plano mo?"

Natatawang umupo si Ramona sa sofa. Kasalukuyang kaharap nito ang calculator at ang mga papeles nito. "Wala akong balak, Tita. Gastos lang 'yan."

"Kaya nga gagastusan natin. Minsan ka lang mag-debut, ano."

"Salamat na lang, Tita. Huwag na po makulit. Gamitin mo na lang sa kung saan ang pera o itabi mo,"

"Ah basta, dapat may gawin man lang tayo."

"Sige, Tita." Pag sang-ayon na lang ni Ramona para matapos na ang usapan.

Panaka-naka ang pagkulit sa kanya ng tiyahin na mag-celebrate ng debut na sa palagian ay kanyang inaayawan. Ramona didn't want unnecessary expenses. Para sa kanya, isa nang malaking utang na loob ang pag-ampon at pagpapa-aral nito sa kanya. Sobrang suwerte na niya rito. Wala na siyang mahihiling pa. Asking for a party for her 18th birthday was too much.

"NASAAN ang mga tao?"

Pag-uwi galing eskwelahan ay agad na dumiretso si Ramona sa restaurant nila. May balak sila ni Tita Siony na mamasyal sa kaarawan niya. Ang sabi nito, sunduin na lang siya sa restaurant at saka sila didiretso ng mall. Pero ngayong pagdating niya ay sarado ang restaurant. Nagtatakang tinawagan niya si Tita Siony.

"Nasaan kayo, Tita?"

"Ay hija, nakalimutan ko, may pa-catering pala ako ngayon. Malaki 'yung event kaya sinara ko muna diyan. Sunduin mo ako dito sa may Miguel's." Sagot nito sa kabilang linya.

Nagtataka man ay sumunod siya sa bilin nito. Nang makarating doon ay nakita niya si Reyna. "Nasaan ang tita, Reyna?"

"Nasa loob, pasok ka lang diyan." Itinuro nito ang isang kuwarto sa events place. Nang buksan ang pintuan ay nagulat siya nang biglang bumukas ang ilaw at nagsigawan ang lahat ng 'Happy Birthday'.

Masaya na sana siya nang makita ang lahat ng tao sa loob nang mapako ang kanyang mga mata sa sulok ng kuwarto kung saan may kahalikan si Blaster na isang babae.

Hindi na na-process ni Ramona ang hindi maipaliwanag na naramdaman sa nakita dahil agad siyang niyakap ng Tita Siony niya. "Happy birthday, hija."

Naluluha man ay niyakap rin niya ang tiyahin. "Thank you, Tita. Salamat sa lahat."

Hinila siya nito palabas ng kuwarto. "Magbihis ka na sa taas. Reyna," wika nito at saka tinawag si Reyna. Iginiya naman siya nito sa taas. Nang makarating sa taas ay nagmadali na ang lahat sa pag-a-ayos sa kanya.

Tulala lang si Ramona sa pag-iisip. May bago na naman si Blaster. Ano pa nga bang bago? Hindi ba dapat ngayon sanay na siya?

It wasn't easy for Ramona to admit she has grown to have feelings for Blaster. Hindi niya alam kung kailan niya sinimulang tanggapin sa sarili ang nararamdaman na iyon, pero ginawa niya ang lahat para sikilin ito. Why so? She was his bestfriend, for Pete's sake!

Kaya sa tuwing may bago na naman itong kasamang babae, sanay na siyang ipagkibit-balikat na lang iyon, kahit na nasasaktan siya. She knew Blaster wouldn't look at her the way he did with his girlfriends. For him, she was an unchartered territory. He wouldn't know how to handle her.

And so Ramona focused on her studies. Dahil nasa third year college na sila at magkaiba sila ng major, hindi sila magka-klase sa lahat ng subjects. Minsan, umaabot ng linggo na hindi sila nagkikita. He would visit her at times and would go on to tell stories about the girls he used to date, ask for her advice. She loved seeing him, she hated the part about his girlfriends, though.

The One for RamonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon