Chapter 2

1.5K 30 0
                                        

           

June 2001.

MAAGA pa lang ay nasa eskwelahan na si Ramona. Ayaw niyang malate, mahirap na at baka istrikto ang propesor sa unang klase. Umupo siya sa bandang dulo at abalang sinisipat ang libro para sa klaseng iyon. Mukhang hindi siya mahihirapan sa subject na iyon. Marami sigurong readings pero wala siyang problema doon dahil mahilig siyang magbasa.

Nasa ganoong anyo siya nang mapansin na may tumabi sa kanya. Laking gulat niya nang malingunan kung sino ang katabi.

Ang lalaking sobrang yabang!

"Tignan mo nga naman ang pagkakataon. If it isn't the nun from the registrar," Naaliw na wika nito.

Lumaki yata ang butas ng ilong ni Ramona sa sinabi nito. Sa itsura nito ay mukhang gusto lang siyang inisin. Puwes, hindi siya papatalo dito. Ayaw niyang mapikon dito. "Well, if it isn't the feeling entitled person from the registrar," Panggagaya niya rito.

Bahagyang natawa ito at saka sumandal sa upuan nito. "Feeling entitled talaga?"

Inismiran ni Ramona ang binata. Nakuha pa nitong magtanong? Sabagay, kapag mayabang nga naman, akala nila sila na ang nagmamay-ari ng buong mundo. "Seryoso ka sa tanong mo? Oo, feeling entitled ka,"

"And why do you say that?"

Hinarap niya ito. "Bakit mo pa tinatanong? Hindi mo ba nari-realize ang gusto mong gawin noong enrolment? Gusto mong isahan ang mga taong ilang oras nang nakatayo para lang makapag-enroll. Hindi tama 'yun. Sabihin mo nang mayaman ka o anak ka ng congressman, pantay-pantay lang tayong lahat sa mundong 'to. Hindi por que mas nakakaangat ka sa buhay ay may karapatan ka ng tapak-tapakan ang mga tao sa paligid mo. Pare-parehas lang mabaho ang mga utot natin."

Gusto niyang batukan ang sarili sa inis. Bakit ba siya nanermon na naman dito? Bakit kailangan niyang patulan ang pang-iinis nito sa kanya?

Hindi na umimik ang lalaki bagkus ay naaliw na nakatingin lamang ito sa kanya. For a split second, she saw what she thought was admiration. Ramona immediately shrugged the thought off.

Gusto rin niyang manliit nang mapansin na kalahati sa mga tao sa paligid nila ay nakatingin sa kanila ng lalaking kausap. Well, that was awkward. Napabulong siya ng pasasalamat nang dumating na ang isang matandang lalaki na naka-asul na polo, malamang ito na ang propesor nila. Naging abala ang grupo sa pagpapakilala sa mga kaklase. Bilang block section ang grupo nila, sila-sila rin ang magiging magkasama sa buong semestre.

"Hi everyone. My name is Ramona Zarate. I'm 16. I graduated from a public school nearby. I look forward to a fruitful semester." Pagpapakilala ni Ramona sa sarili. Umupo na siya pagkatapos magsalita.

Tinignan niya ang katabi na lalaki. Hindi ito humiwalay ng tingin sa kanya simula nang tumayo siya para magpakilala. "Ikaw na," tanging nasabi niya rito.

Tumikhim ang lalaki at saka tumayo. "Hello, I'm Blaster Navarro. I'm 17. I graduated high school somewhere in Makati. Thanks."

So his name is Blaster.

Napakunot ang noo ng propesor nila. "Navarro... Navarro..." Tila naglilikot ang utak nito sa dahil may naalala tungkol sa isang Navarro. "Oh, so you're the Navarro heir who's joining the university." Wika ng propesor nila nang sa wakas ay maalala nito ang tungkol sa katauhan ni Blaster.

Navarro heir? What the hell was he talking about?

Tumango lang si Blaster sa sinabi ng guro nila. Navarro heir? So tama nga ang hinala ni Ramona na nanggaling ito sa mayamang pamilya.

Paki ko kung mayaman siya? Basta alam kong ako ang nasa tama, paninidigan ko ang mga sinabi ko.

Inayos ng propesor nila ang salamin nito. "Very well, welcome to the class everyone. I'm Professor Maximo Mendez." Matapos magpakilala ay dire-diretso na ito sa pagbibigay impormasyon sa magiging takbo ng buong semestre nila at kung ano ang mga kailangan gawin para makapasa sa klase nito.

The One for RamonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon