Nagpaloko
Isa palang malaking pagkakamali ang pagmamahal ko sayo.
Isa palang katangahan ang nagawa ko.
Bakit nga ba ako nagpaloko sa mga salitang binitawan mo...
Bakit nga ba ako nagpakatanga kahit alam kong may iba ka habang tayo pa...
Bakit ba inuna ko ang puso ko at hindi isip ko..
Sabagay sabi nila follow your heart kaya aking sinundan ang puso ko..
Naglalakad ang puso papunta sayo..
Nung una parang ayoko ng tumuloy sabi ng isip ko wag.. masasaktan ka lang..
Pero anong ginawa ko patuloy kong sinundan ang puso ko..
Ngayon ay nagsisisi ako sa pagsunod sa puso ko..
Nagsisisi ako na sinunod ko ang mga payo nila.
Nagsisisi ako na minahal pa kita.
Kung alam kulang simula pa ng una sana... sana hindi na ko humakbang pa..
Bakit kasi... bakit kasi... sayo pa... sayo pa pumunta ang puso ko pwede naman sa iba...
Napakalaking pagkakamali ang makilala kita.
Bakit kasi ikaw pa... bakit pa kasi binigay ko sayo ang buong pagmamahal ko sayo kung lolokohin mo lang rin ako
Ayoko na.. ayoko na may mahal na kong iba.
Ang salitang dumurog sa puso kong ngayon ay pira-piraso na.