Malaya

1.2K 11 0
                                    

Malaya

Malaya ka na...
Salitang nagpaulit ulit saking isipan na para bang sirang plaka.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking mga luha,
Na nagmimistula ng ulan na walang tigil sa pagpatak.
Pilit kong pinipigilan,
Pero hindi ko mapigilan aking mga luha.
Labis na sakit ang nararamdaman.
Nang mawala ka sa piling ko, Katapusan na ng mundo.
Lumipas ang ilang araw at bwan akin ng napagtanto,
Simula pa lang alam kong niloloko mo lang ako.
Pilit ko na lang ipinipikit ang aking mata,
Sa kasinungalingan ako'y nabulag na.
Ngayon akin ng unti unting binubuksang aking mata,
Sa katotohanang...
May mahal ka ng iba.
Ilang ulit na ba akong nagpakatanga?
Ilang ulit na ba akong humingi ng tawad sa kasalanang ikaw ang dahilan?
Nakakasawa na..
Nakakasawa palang mahalin ka...
Ngayon akin ng masasabi...
Mahal malaya ka na....

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon