Nakaraan

1.7K 54 3
                                    


Nakaraan

Kung maaari ko lang ibalik ang nakaraan ibabalik ko,
Ibabalik ko yung mga masasayang alaalang naiwan mo.
Yung mga oras napaka sweet mo yung tipo na mahuhulog ako lalo.
Bawat salitang binibitawan mo tumatatak sa isip at puso ko.
Kung pwede lang sanang tayo na lang hanggang huli,
Kaso lahat ng sinabi mo sakin ay iyong binawi,
Mga i love you mo at mahal na mahal kita,
Mga salitang kay tamis noon. Mapapait na alaala ko ngayon.
Mga salitang aking pinanghahawakan.
Mga salitang nagdudulot ng sakit at lungkot,
Mga salitang hindi mo natupad kaya ang aking luha ay nagmimistulang nang ulan na walang tigil sa pagbagasak.
Kakapalan ko na ang mukha ko pwede bang marinig ko ang boses mo sa huling sandali ng pamamalagi ko sa larong ito.
Iiwan ko na ang mga alaala at hindi na bibit-bitin pa.
Iiwan ko na ang ang laro kung saan natalo ako.
Iiwan ko na ang nararamdaman ko kaso.... mukang malabo.
Pano ko nga ba malilimutan ang gaya mo kung palagi ka na lang sumusulpot sa isip ko.
Aanhin ko pa ang litrato kung kabisado ko na ang mukha mo.
Ano bang kailangan kong gawin para lang mawala ka na sa puso't isipan ko.
Kung maibabalik ko lang ang nakaraan,
Babaguhin ko to,
Babaguhin ko para hindi na ko mahulog sayo.
Sana, sana mahalin mo rin ako.
Napakatanga ko no?
Sinasaktan na nga ako hindi parin ako lumalayo.
Ano nga bang magagawa ko nagmamahal lang naman ako.





Hello po sa nagvote thank you po.
Pati po sa naglagay sa reading list nila thank you po sa inyo


Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon