Paumanhin sa abala
Pasensya na aking sinta ikaw yata ay aking naabala.
Pahintulutan mo sana akong hiramin ang sandaling ito.
Pwede ka bang hiramin kahit ilang minuto?
Sana ako'y pagbigyan mo.
Pagka't ako'y sabi na sabik na makasama ka kahit iilang segundo,minuto o oras lang ang itatagal nito.
Basta ikaw ang makakasama ko.
Ng ikaw ay pumayag labis na tuwa aking nadarama.
Aking saya wala nang paglalagyan pa.
Lumipas ang ilang minuto.
Pakiramdam ko'y segundo palang ito.
Malapit ng matapos ang isang oras.
Pakiramdam ko ito'y minuto palang ang lumilipas.
Parang ayoko ng matapos ang sandaling ito.
Ayoko ng bitawan ang mga kamay mo.
Pakiramdam ko ayoko nang malayo sayo.
Kung may kakayahan lang akong kontrolin ang oras
Kokontrolin ko,
ititigil ko ang huling minuto.
Para magkasama lang tayo.
Yung tayong dalawa lang yung walang eepal.
Yung walang pupuna kahit halikan pa kita.
Kung maari lang sana'y maging akin ka.
Kung maari lang sana'y wala na kong kaagaw sa atensyon mo.
Yung wala akong kahati sa puso mo.
Kung maaari lang sana tayo na lang hanggang sa dulo.
![](https://img.wattpad.com/cover/153898938-288-k597895.jpg)