Oo nga pala

90 4 0
                                    

Oo nga pala

Naaalala ko pa nung una tayong magkita,
Ako'y nabighani sa iyong magandang mga mata,
Tila ba bumagal ang pag ikot ng mundo,
Ikaw lang rin ang nakikita ko.

Gusto kong hingin ang pangalan mo,
Pero nauhan ako ng kaba at takot ko,
Gusto ko hingin ang number mo,
Pero miski nga pangalan mo ay wala ako,

Nang pangalawa beses tayong nagkita,
Nilakasan ko ang loob at linapitan ka,
Naalala ko pa..
Sa sobrang kaba ko noon ay binati kita ng magandang umaga kahit hapon na.

Imbis na matakot ka'y, natawa ka,
Sino ba namang babati ng magandang umaga sa hapon diba?
Walang iba siyempre ako lang,

Mabalik nga tayo sa kwento

Pag naaalala ko talaga yun ay hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko,
Pinipigilang mamula sa tuwing naalala ko ang magandang tawa mo,
Ang mgandang ngiti mo.. na nagbibigay saakin ng lakas ng loob sa tuwing gagawin ang presentation ko,

Masaya tayong nagk-kwentuhan ng tumunog ang cellphone mo,
Unti-unti kang napangiti ng makitang tumatawag ang iyong nobyo,
Napatingin na lang tuloy ako sa malayo,

Ano nga ba ang papel ko sa buhay mo?

Ah oo nga pala, kaibigan mo nga lang pala ako,
Hindi nga pala ako ang dahilan ng mga ngiti sa labi mo,
Hindi nga pala ako ang gusto mo.. yung kapatid ko,


Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon