Pagtatapos ng ating storya

1K 10 0
                                    

Play the 'the scientist' by coldplay before you start hintayin nyo munang mag simula bago nyo basahin






Hanggang dito na lang ba?..
Tutuldukan ko na ba?..
Tutuldukan ko na ba ang pagasang maayos pa..,
Maayos ang relasyong nasira na..
Pero sandali lang..
Hindi ko yata kaya,..
Mas gugustuhin ko pang maging tanga..,
Maging tanga ng paulit-ulit,
Kahit masakit,
Ipagpapatuloy ko na lang ang pagpikit,
magbubulag-bulagan na lang sa katotohanang ayaw mo na..,
Sawa ka na..,
Sawa ka na sakin,
Kaya iba na lang ang pagtutuunan mo ng pansin
Dahil para sayo..,
Lahat ng ito ay isang biro..
Pilit kong ipinipikit ang aking mga mata..,
Pinipilit ko ang sariling lumigaya..
Ngunit ang aking mga labi..,
Ay parang nakalimutan na kung pano ngumiti..
Aking mga talukap na mabibigat,
Pinipilit kong manatiling mulat.
Upang hindi ko na makita,
Ating masasayang alaala.
Nanagdudulot ng kirot at sakit,
Aking puso na napuno ng hinanakit.
Paano na?
Paano ba?
Paano na tayo?
Paano ba maibabalik ang mga ngiti sa labi ko?
Maghahanap na ba ako ng iba?
O mananatili na lang sa nakaraan?

-dedicated to LuxZarious

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon