mama (talumpati) [speech]

781 4 0
                                    

Title: busy palagi si Mama

"Number 25" sabi ng guro namin Sa akademikong sulatin at agad iniscan ang listahan ng mga pangalan namin

Sa araw na ito ay mangyayari ang 'Extemporaneous' na talumpati.  Ang Exyemporaneous na talumpati ay biglaan, ngunit bibigyan ka ng kaunting oras katulad na lang ng activity namin Sa araw na iyon.

"Aizelle Claire"

Everybody sighed in relief. Pasalamat na hindi sila natawag sa mga oras na iyon.

"Goodluck Aizelle"
"Go Sis!"
"Kaya Mo Yan Zel!"

Napangiti na lang ako ng tipid Sa mga narinig kong pampalakas loob ng mga kaklase ko.

"Bumunot ka na." Seryosong saad nito

Agad akong kumuha ng papel galing Sa bowl at bumuntong hininga.

Binasa ko ang nakasulat sa maliit na puting papel.

"Meron kang tatlumpong (30) segundo para makapag isip patungkol Sa paksang nakuha mo"

Ramdam ko ang panginginig at panlalamig ng kamay ko pero ipinilig ko ang leeg ko.

'Shit. Anong gagawin ko?' Sabi ko sa isip ko

"Pwede kang sumubok ng apat na beses. Kapag wala kang Mali magkakaroong ka ng 98 na grado. Kung sakaling magkamali ka ng isang beses at ikaw ay nasa ikalawang pagkakataon magkakaroon ka ng 94 na grado.  Kapag naman nagkamali ka ng dalawang beses at ikaw Ay nasa ikatatlong pagkakataon makakakuha ka ng 85 grado. Kapag ikaw naman Ay nagkamali Sa ikatatlong pagkakataon at ikaw Ay nasa kahuli-hulihang pagkakataon at nagtagumapay ka 80 ang makakamit mong grado."

'Magisip ka Aizelle' sabi ko Sa isip ko habang nakatingin sa kawalan.

"Ngunit kung sakaling 'di Mo iyon magawa at nasayang ang ikaa-apat mong tyansa. Pasensyahan na lang tayo ngunit ang makukuha mong grado Ay 65 para sa aktibidad ngayon"

"30 segundo Aizelle" dagdag nito at ngumiti.

Inulit-ulit ko ang pagkasabi ng paksa sa isip ko.

I never thought that it would be that hard

'Geez, Aizelle san ba na naman kasi lumipad yang utak mo?'

20 seconds

'Maybe that and that' I thought pero napailing ako 'No. Hindi magiging organisado at maganda'

10 seconds

"Damn." bulong ko

Pinsasadan ko ng suklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at huminga ng malalim.

'Calm the hell down, Zel'

"5"

"4"

"3"

"2"

"1"

"Start"

Huminga ako ng malalim at pumunta sa unahan bago sumeryoso ang mukha.

"Ilang taong paghihirap, sandamukal na pagsisikap, kailangan maharap upang makamit ang atensyong pinapangarap" tipid akong ngumiti at inisip na walang tao rito kundi ang aking sarili.
"Magandang araw sa inyong lahat. Ako si Aizelle Claire at halina't inyong alamin ang kwento sa kabila ng aking nabunot na paksa..."

"Busy palagi si mama"

Narinig ko ang pagsinghap ng aking mga kaklase.  "That's quiet hard."

"Hwaiting, Zel!"

"Oo. Busy palagi si Mama, marahil sa narinig ninyo sya ay inyo nang huhusgahan na siya ay walang kwenta o ano pa. Walang pakielam sa'kin si mama,  gusto nyo bang malaman ang kwento sa likod ng pangyayaring ito? Kung ganoon ay pakinggan ninyo ang sasabihin ko. "

"Magagarang damit, porselas na ginto, pitakang malaki dahil sa loob ay nagkakapalang papel na makukulay, bili doon bili dyan, Hindi naman dahil ang pitaka ay Hindi nawawalan ng laman, cellphone ay iPhone8 na pinareho ang ngising nagmamayabang ngunit tila wala dahil sa katotohanang Busy palagi si Mama"

"Busy palagi si mama, Si mama na lagi akong binubungangaan, Si mama na palagi akong inuutusan, Si mama na palaging maraming ginagawa, Si mama na walang oras para saamin, si mama na palaging wala sa bahay, si mama na tanongin nya kami ay hindi nya magawa"

"Si mama na palagi akong binubungangaan, Hindi kasi ako nakapag saing dahil cellphone ang inaatupag ko. Si mama na palagi akong inuutusan, Marami na kasi syang ginagawa para maghugas Pa ng pinggan. Si mama na maraming ginagawa, Nagpapakahirap kasi syang magtrabaho para saamin ng kapatid ko. Si mama na walang oras para saamin, Dahil Sa tambak na trabaho para lang may maipambili ng pagkain. Si mama na wala palagi sa bahay, Dahil kung saan saan sya nakikipag meet up para sa mga cosmetics na binebenta nya. Si mama na tanongin nya kami ay hindi magawa, Palagi kasi syang pagod at walang pahinga." Sabi ko at ngumiti. Halatang gulong-gulo ang utak nila sa sinabi ko.

"Nais kong ulitin na may pagkaklaro para sa inyong pandinig. Magagarang damit, porselas na ginto, pitakang malaki dahil sa loob ay nagkakapalang papel na makukulay, bili doon bili dyan, Hindi naman dahil ang pitaka ay Hindi nawawalan ng laman, cellphone ay iPhone8 na pinareho ang ngising nagmamayabang ngunit tila wala dahil sa katotohanang Busy palagi si Mama. "

"Ngunit kailangan kong gumising sa katotohanan! Kailan nga ba ako mapapansin si Mama? Palagi na lang syang pagod, walang oras para kumain at walang oras para makatulog ng mahimbing. Kaya kailangan Kong magsumikap para makamit ang atensyong pinapangarap, kailangan Kong magsumikap para maipakita ang aking pagpapasalamat"

"Si mama na palagi akong binubungangaan, Hindi kasi ako nakapag saing dahil cellphone ang inaatupag ko. Si mama na palagi akong inuutusan, Marami na kasi syang ginagawa para maghugas Pa ng pinggan. Si mama na maraming ginagawa, Nagpapakahirap kasi syang magtrabaho para saamin ng kapatid ko. Si mama na walang oras para saamin, Dahil Sa tambak na trabaho para lang may maipambili ng pagkain. Si mama na wala palagi sa bahay, Dahil kung saan saan sya nakikipag meet up para sa mga cosmetics na binebenta nya. Si mama na tanongin nya kami ay hindi magawa, Palagi kasi syang pagod at walang pahinga."

"Labis ka bang naaawa? Hindi..."

"Hindi Mo dapat sya kaawaan." Umiiling-iling ako "dahil sa oras na ito ay nais kong malaman nyo na ang Mama ko ay isang magandang halimbawa. Tila isang magandang aral na nagkatawang tao at sinasabi ang nais na ipahatid ng karanasan ng aking Ina upang malaman mo. Malaman na busy palagi si Mama dahil naniniwala ako..."

"Na sa nalalabing oras sa paaralang ito na halos dalawang buwan at dalawang linggo papatunayan ko kay Mama na hindi nasayang ang paghihirap nya, ako'y magsisikap upang baguhin ang paksa ko na ito.."

"Na mula sa Busy palagi si Mama magbabago ito sa hawak ang medalya umiiyak sa harap ng madla."

Sa pagtatapos ng aking talumpati nais kong ulitin sa kahuli-hulihang pagkakataon ang aking mga pangungusap."

"Magagarang damit, porselas na ginto, pitakang malaki dahil sa loob ay nagkakapalang papel na makukulay, bili doon bili dyan, Hindi naman dahil ang pitaka ay Hindi nawawalan ng laman, cellphone ay iPhone8 na pinareho ang ngising nagmamayabang habang si Mama naman ay hawak ang medalyang aking pinaghirapan. "

Ngumiti ako ng malawak. "Muli, ako nga pala si Aizelle. Yun lang po at maraming salamat"




***

Sorry kung lame

(Paki sabi na lang rin sa mama nyo na Happy mother's day)

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon