Friendzone

1.4K 9 1
                                    

Friendzone

Ilang taon ko nang tinatago ang nararamdaman ko.
Alam kong anumang oras malalaman mo ang nararamdaman ko.
O siguro nga alam mo na ito.
Hindi ko alam kung halata ba..
Hindi ko alam kung halata bang nasasaktan ako pagnakikita ko kayo ng gf mo.
Palagi na lang akong nasasaktan ng palihim.
Dahil sa tinatago kong lihim.
Hindi ko naman siguro kasalanan na mahulog sa bestfriend ko.
Palagi na lang kasi tayong magkasama kaya hindi maiwasang mahulog sayo..
Hindi ko mapigilang magselos sa gf mo.
Palagi kong tinatanong sa sarili ko ano bang meron sya na wala ako.
Mahal naman kita... kaso ang mahal mo ay siya.
Lumulubog ang araw lumilipas oras.
Dumadaan ang taon ang araw ay lumilipas.
Ako'y nauubusan na ng oras.
Hindi ako makatulog dahil sa unti unting pagiwas mo.
Nawawalan ka na ng oras sakin.
Nasasaktan na ko....oo palagi nalang akong nasasaktan pero mas nasasaktan ako sa pagiwas mo.
Siguro nga eto na yung tamang oras para umamin ako.
Wala na kong paki kung magalit sakin ang gf mo, wala na kong paki sa sasabihin ng ibang tao.
Dumating na ang oras ako'y naglalakad papunta sa ating napagusapang lugar.
Dumaan ang oras mukang hindi ka na pupunta.
Ako'y naghintay muli dumaan na ang 4 na oras na paghihintay.
Pero kung wala....wala na yatang pupuntang ikaw sa naghihintay na ako.
Hindi k o malaman ang gagawin kung ikaw ba'y aking hihintayin o aalis na lang na parang walang nangyari.
Pero nang ako'y aalis na ay sya pang oras ng iyong pagdating.
Kaya ako'y napabalik saking pag-upo parang ako'y nagmimistula namg statwa saking gingawa.
Eto na.. eto ka na pero parang hindi ko kaya.
Ako'y nanginginig sa sobrang kaba.
Daig pa ang lalaking first time manligaw.
Nakakatawa diba aamin lang naman ako pero bakit ganito.

"Hoyy best ano na?"

Eto na nga hayy nakakaba talaga

"Best may sasabihin sana ako"

"Ano yun?"

"Best pasensya na ha?! Hindi ko sinasadya.. hindi ko sinasadyang mahulog sayo"

At duon na nga nagsimulang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan

"Best dapat pinigilan mo"


"Sorry nga best ehh"

"Sorry din best ha pero alam mo na mang hanggang best friend lang ang nararamdaman ko sayo ehh"

Mga salitang dumurog lalo saking pira-pirasong puso.
Pero ano nga bang magagawa ko alam ko namang mahal mo sya eh bakit ba ko umasa.
Umasa na mahal mo din ako at ginagawa mo lang syang pankip butas.

"Ok lang best"

❤👊

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon