Pt.2
The boy's point of view
Masakit mang ipagtabuyan ka at iwasan,
Kung ito rin ang sulusyon para mawala ang aking nararamdaman.
Gagawin ko, pipilitin kong umiwas sayo.
Wala akong magawa kundi tignan ka sa malayo.
Pasensya na kung nasaktan kita,
Pasensya na kung ako ang naging dahilan ng iyong pagluha.
Masakit man para sakin na ako ang naging dahilan,
Kung bakit hanggang ngayon ika'y nasa mundo ng kalungkutan.
Pasensya na kung naging duwag ako,
Pasensya na hindi ko napaglaban ang nararamdaman ko,
Natatakot lang naman ako na masaktan ang taong mahal ko.
Pwede po kayo mag pagawa sakin ng tula ibibigay nyo lang po yung title at tungkol saan comment nyo lang po dito. Nauubusan na po kasi ako ng ideya ehh. ^___^
-Zel❤