Mahal Kita

978 14 1
                                    

"Mahal kita"

Andaming mga tanong na nabubuo saaking isipan,
Mga tanong na walang kasagutan
Sana ako ay maliwanagan
Sisimulan ko ng maglakbay sa aking nakaraan kung pano kita nagustuhan

Mahal kita,
Dalawang salitang kinaiinisan ko 'noon'
Pero nung nakilala kita?
Nagsisimula ng mabago magbago ang aking pananaw sa buhay

Ano nga bang kinalaman ng buhay sa dalawang salita na kinaiinisan ko 'noon'...,
Nung nakilala kita.. ikaw na ang naging buhay ko
Nung nakilala kita... natutunan ko nang gamitin ang mga salitang ayaw ko
Nung nakilala kita... naramdaman ko ang saya na hindi ko pa nadama

Mahal kita,
Dalawang salitang palagi kong binibitawan,
Dalawang salita na... ang sarap pakinggan,
Dalawang salita na.. nakakawala ng galit ko sa tuwing iniinis mo ko.

Mahal kita,
Oo mahal kita,
Palagi mong tandaan ikaw lang walang iba,
Pangako aking sinta.

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon