Dare Relation

850 6 2
                                    


"Dare relation"

Hanggang dito nalang ba talaga?,
Tutuldukan ko na ba?.
Puputulin ko na ba ang pagasang maayos pa,
Maayos ang relasyong nasira na.

Bakit para sayo,
Biro lang ang lahat ng to.
Samantalang ako,
Dinadamdam bawat salitang binibitawan mo.

Bakit parang napakadali namang itapon ng ating pinagsamahan,
Bakit sating dalawa ako lang ang nasasaktan?.
Ni minsan ba,
Naging totoo ka?.

Marami ng mga tanong saking isipan,
Kaya ngayon ako parin ay naghahanap ng kasagutan.
Kasagutan kung bakit mo nga ba ko iniwan,
May sapat ka bang dahilan?.

Ginawa ko na ang lahat,
Ibinigay ko ay sapat.
Pero anong nakuha ko?,
Sakit sa puso.

Dulot ng pangiiwan mo,
Sana malaman mo.
Mahal kita.
Higit pa sa iba.

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon