Mahal na mahal kita Den...

2.3K 101 8
                                    

Chriden PoV

"Den after ng Flag ceremony punta ka sa District Office. Pinapatawag ka ni Maam Jovy" sabi sakin ni Sir Marvin. Kasamahan ko.

Sa totoo lang nakakakaba yung pakiramdam na pinapatawag sa district office. Kahit sino namang teacher kapag ganito ang sitwasyon ay kakabahan. Wala kasi akong ideya kung bakit bigla nalang akong pinapatawag.

"Jek bumalik ng maayos sa room. Sabihin kay Jheya EsP page 102" bilin ko kay Jek.

"Bakit sir? Saan ka pupunta?" singit na tanong ni Ron Rhyzel.

"Pinapatawag lang ako sa district. Babalik ako agad. Huwag kayong magulo sa room ha!"

"Yes Captain!" halos sabay na sagot nila Rhyzel at Jek.

Pumunta na agad ako sa district office. Gusto ko na kasi agad malaman kung bakit ako pinapatawag ni Maam Jovy. Para narin mawala na itong kabang nararamdaman ko.

"Good Morning po Maam" nakangiting bati ko sa supervisor namin.

"Good morning. Upo ka muna" bati niya sakin. Umupo ako. Hindi ko pinapahalatang kinakabahan ako. Kung anu ano kasi ang pumapasok sa isipan ko. Baka may nagrereklamo na sakin o kaya baka may nagawa akong kasalanan na hindi ko alam.

"Den you will be assign at the senior highschool level starting this coming monday" diretsong sabi sakin ni Maam na naging dahilan ng pagkagulat ko.

"Kailangan ng katulad mo sa higher level" dugtong ni Maam.

"Ayusin mo na yung mga documents na kakailanganin mo. Dadating na rin mamaya yung magiging bagong adviser ng section na hawak mo. Huwag ka mag-alala. Mas makakabuti para sayo ang higher level. Mas bagay ka don" mahabang paliwanag ni Maam.

Tahimik lang akong bumalik sa classroom ko. Sigurado akong napansin iyon ng mga estudyante ko kaya tahimik lang silang lahat habang sinusulat ang lecture sa Esp.

"Okay ka lang Sir?" biglang tanong sakin ni Rhyzel. Halatang nag-aalala ang pustura ng mukha niya.

"Okay lang... Okay class lets start" malumanay na sabi ko sa mga estudyante ko.

------------------------------------------------------------

Lunes na bukas. Simula na ng unang araw ko sa senior highschool. Nakakalungkot man pero wala akong magagawa kasi parte ito ng trabaho ko. Naipaliwanag ko naman ng maayos sa mga estudyante ko. Bakas sa mukha nila ang pagkalungkot. Umiyak pa nga ang iba lalo na sila Jek jek.

"Wala ka nanaman sa sarili mo Nei" puna sakin ni Francisco kasunod nun ay ang pagpulupot ng dalawang kamay niya sa katawan ko mula sa likuran ko. Nandito ako sa kanila ngayon. Dito sa rooftop.

"Sensya na Nei.." mahinang sagot ko sa kanya.

"May meeting nga pala tayo sa organizer natin. Last week of this month. Gusto na kasi niya malaman kung ilan ang magiging bisita natin" seryosong sabi niya sakin.

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa dami ng naging problema namin ni Francisco ay sa bandang huli ay magiging masaya na kami. Simula nung nangyari yung scenario namin sa ilalim ng tulay ay napagpasyahan na namin magpakasal. Union Party. Yung simpleng seremonya. Napakasaya ko nung napagkasunduan namin iyon. Mahal na mahal ko si Francisco kaya halos hindi narin ako makapag-antay ng araw na iyon.

Dalawang buwan mula ngayon ang union party namin. Dalawang buwan mula rin ngayon ay magsasama na kaming dalawa sa iisang bahay. Nakabili na nga pala si Francisco ng bahay sa Camachile Malabon. Mas pinili niya ang lugar na tahimik.

Humarap ako sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

"Mahal na mahal kita Francisco..." sabi ko sa kanya.

Ang Manliligaw Kong Bully Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon