May problema ba?

1.7K 94 18
                                    

The sounds of goodbye.

Inihiga ko na si Francisco matapos kong palitan ang suot niyang sando. Nakayapos siya sakin habang natutulog. Ilang minuto ang lumipas pero hindi parin ako makatulog. Kahit na nakainom ako ay hindi parin ako dinadalaw ng antok. Hindi rin kasi mawala sa isipan ko kung bakit nga ba nagkakaganoon si Jerome.

Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakapatong ng kamay ni Francisco sa katawan ko. Bumangon ako at kinuha ko ang cigarette case at lighter ko sa bag. Lumabas ako ng tent. Mahina na ang apoy na nagmumula sa bonfire tanging liwanag ng buwan na lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid namin. Sigurado akong tulog na lahat ng kasama ko dahil tahimik na ang buong paligid bukod sa tunog na nililikha ng alon.

Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako dito sa tabing dagat. Ramdam ko ang lamig ng mapipinong alon na pabalik balik na bumabasa sa dalawang paa ko. Humugot ako ng isang stick ng marlboro at sinindihan ko iyon. Nakatingin ako sa patuloy na umiikot ba ilaw mula sa parola sa kabilang ibayo. Hindi ko na nga iniintindi ang lamig dahil sa lalim ng pag-iisip ko.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit nagkakaganoon si Jerome?

"Hindi ka rin ba makatulog?" bigla akong napapitlag ng marinig ko iyon mula sa likuran ko. Nagulat nalang ako nung nakita ko si Jerome.

"Medyo.. Yosi oh?" alok ko sa kanya. Kumuha siya ng isang stick at sinindihan niya iyon. Tumabi siya sakin at kapwa kami nakatingin sa walang humpay na pag-ikot ng ilaw sa parola.

"Jerome bakit?" lakas loob kong basag sa katahimikang bumabalot saming dalawa. Gusto ko na kasing masagot ang mga katanungan na paulit ulit pumapasok sa isipan ko. Gusto kong malaman kung bakit nagkakaganoon si Jerome. Alam ko kasing may hindi tama. Nag-aalala ako sa kanya. Baka sakaling ako naman ang maaring tumulong sa kanya. Baka ito na yung panahon na makabawi ako sa lahat ng kabutihang ginawa niya sakin.

"Hindi ko rin alam Den kung bakit..." mahinahong sagot niya. Bahagya siyang humakbang at nanatili pa ring nakatingin sa malayo.

"Hindi ko rin alam kung bakit ang sakit sakit parin.. Akala ko kaya ko.. Akala ko kaya kong tanggapin ang posibleng mangyari sa ginawa ko... hindi pala.. Akala ko lang pala.. Iba pala talaga kapag sobrang mahal na mahal mo ang isang tao.." mahabang sagot niya sakin at ramdam ko ang panginginig ng boses niya.

Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang iparating pero ramdan ba ramdam ko ang lungkot at sakit na nararamdaman niya.

Humarap siya sakin.

Napakalamlam ng dalawang mata niya. Yung tipong kahit hindi niya sabihin yung sakit na nararamdaman niya ay makukuha mo ang nais niyang ipahiwatig.

"Jerome...." mahinang banggit ko ng pangalan niya.

"Den.. akala ko kaya kong ipaubaya ka.." sabi niya dahilan upang biglang lumakas ang pintig ng puso ko. Wala akong maisagot. Wala akong masabi. Nakatingin lang ako sa kanya at nag-aantay ng anumang sasabihin pa niya.

"Mahal na mahal kita Den... Ang sakit sakit na..." dugtong niya at bigla niya akong niyapos. Ang higpit. Ramdam ko na ayaw niyang bumitiw mula sa pagkakayakap niya sakin.

"Mahal na mahal kita Den.. Hindi ko na alam ang gagawin ko.." sabi pa niya at alam kong naiyak siya. Hindi ko alam pero ramdam ko na natulo na rin ang luha ko sa magkabilang pisngi ko. Wala akong masabi kay Jerome. Walang kahit anong salita ang lumalabas sa bibig ko.

"Huwag ka mag-alala Den.. Hindi ko kayo guguluhin ni Paul.. Hayaan mo lang akong nakikita at nakakasama ka.." dugtong pa niya habang yakap yakap parin niya ako.

------------------------------------------------------------

"Masama ba pakiramdam mo?" tanong sakin ni Francisco habang tinatahak namin ang daan papunta sa kanila. Sa kanila kasi ako magdi-dinner ngayon kasama ang buong pamilya niya. Katatapos lang ng meeting namin sa organizer ng union party namin ni Francisco. Naiayos na namin lahat. Tanging pag-aantay na lamang sa takdang oras ang aantayin namin. Ayos na rin ang isusuot namin pati na rin ang mga pagkaing ihahain sa araw ng kasal namin.

Ang Manliligaw Kong Bully Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon