Den, andyan na ulit si Paul...

1.3K 63 15
                                    

Chriden Miguel PoV

Nandito ako ngayon mag-isa sa loob ng chapel. Dito ko binuhos ang kanina ko pang pinipigilang pag-iyak. Sa totoo lang napakasakit para sakin ang nakikitang nagkakaganoon si Francisco kaso ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Sa tuwing gustong tumulo ng luha ko ay nalabas ako ng bahay nila para hindi niya ako makita. Nakaluhod ako ngayon sa harapan ng isang malaking Krus at imahe ni Mama Mary. Kinakausap ko sila. Sinasabi ko sa kanila ang nararamdaman ko.

Panginoon alam ko po na may plano po kayo kaya nangyayari ito. Naniniwala po ako sa inyo. Panginoon, ako po ay nagsusumamo pagalingin niyo po ang pinakamamahal kong lalake na si Francisco. Hindi ko po kayang makitang nahihirapan si Francisco. Kung pwede nga lang po na ilipat niyo po sakin ang sakit na nararanasan niya para maging maayos na po siya. Sige po. Alam ko po na hindi niyo po kami papabayaan. Maraming salamat po sa lahat.

Pagkagaling naming simbahan ay tumigil muna kami sa garden nila Francisco. Gusto ko kasi maramdaman ni Francisco ang pagmamahal namin sa kanya at gusto kong maramdaman niya ang pagdamay ng lahat ng mga kaibigan niya. Gusto ko araw araw siyang maging masaya. Kasi diba hanggat masaya ka ay nadadagdagan ang mga dahilan mo para mabuhay ka. Gusto ko lumakas ang loob ni Francisco. Gusto ko pang gumawa ng maraming alaala sa kanya.

Nung nakasigurado na akong nagpapahinga na si Francisco ay nagpaalam na ako kay Luis. Sinabing babalik nalang ako bukas para maasikaso ko ulit si Francisco.

"Hatid na kita.." sabi ni Luis sakin.

"Ako na Luis.. Halika na Den" biglang sabi ni Jerome. Napatingin ako sa kanya pero umiwas lang siya sakin ng tingin. Hinalikan ko si Francisco sa noo bago kami tuluyang lumabas ng bahay.

Kapwa kami tahimik ni Jerome habang tinatahak namin ang daan pauwe. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko siya sisimulan kausapin dahil sa mga nasabi ko sa kanya nung nakaraan. Gusto kong humingi ng pasensya dahil nadala ako sa emosyon ko kaya ako nakapagsalita ng hindi maganda sa kanya at sa ibang mga kaibigan ko. Unti unting bumagal ang takbo ng sasakyan nung nasa gilid na kami ng 7/11 katapat ng park.

"Tara.. Pahangin muna tayo.." yaya sakin ni Jerome kasunod nun ay ang paglabas naming dalawa ng sasakyan. Pumasok muna siya sa loob ng 7/11 at paglabas niya ay may dala na siyang supot na may lamang sanmig light. Naupo kami sa isang bench sa loob ng park. Kapwa pa rin kami tahimik. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang pagtunog ng dalawang speaker mula sa gilid ng stage ng park. Air supply.

Binuksan ni Jerome ang isang bote at inabot niya sakin iyon. Tinanggap ko iyon at ibinalik ko ang atensyon ko sa katapat naming mga batang nagpapraktis ng sayaw.

"Humihingi ako ng pasensya.. Pasensya na Den kung hindi ko nagawang sabihin sayo ang tungkol kay Paul" basag ni Jerome sa katahimikang bumabalot saming dalawa.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit bigla nalang ulit nagpaulit ulit ang sinabi ni Sheryl sakin nung magkasama kaming dalawa at pinag-uusapan namin ang bagay na kasalukuyang nangyayari ngayon. Ito na ata yung sinabi ni Sheryl na iiwanan ko nanaman si Jerome dahil kay Francisco.

"Gusto ko rin humingi ng sorry sa lahat ng nasabi ko sayo.. Hindi ko talaga gustong sabihin sayo iyon..." paghingi ko rin sa kanya ng pasensya.

"Den nandiyan na ulit si Paul.. Alam ko naman na kahit anong mangyari ay hinding hindi mo ako matutunang mahalin dahil si Paul talaga ang laman ng puso mo" ani niya matapos tumungga ng alak.

May parte sa puso ko na nasaktan ako sa sinabi ni Jerome. Mahal ko si Francisco pero nararamdaman ko rin na mahal ko na rin si Jerome. Naguguluhan ako.

"Huwag ka mag-alala Den.. Hindi na ulit kita guguluhin.. Alam kong mas kailangan ka ni Paul ngayon.. Pero sana Den huwag na huwag mong kakalimutan na wala akong ibang hinangad kundi ang maging masaya ka kasi sobrang mahal kita.." mahabang sabi niya sakin.

"Jerome..." pagtawag ko sa kanya. Hindi ko alam pero nagsisimula nanaman tumulo ang luha ko. Hindi ko rin alam kung bakit nasasaktan ako sa mga sinasabi sakin ni Jerome.

"Mahal na rin kita Jerome.. Please huwag mo akong iwan..." tanging nasabi ko sa kanya. Hindi ko na naisip na mali itong sinasabi ko dahil may Francisco na ako. Nagiging totoo lang ako. Mahal ko na talaga si Jerome. Wala akong narinig na sagot mula kay Jerome kaya itinunghay ko ang mukha ko at tiningnan ko siya. Nakatitig siya sakin at nakangiti.

"Salamat Den.. Iyan ang pinakamaganda at pinakamasarap sa pandinig ko ngayon" sagot niya sakin at niyapos niya ako. Naglapat ang labi naming dalawa. Wala na akong pakialam kahit maraming tao ang nakakakita sa ginagawa namin. Ang importante ay nailabas ko at nasabi ko ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Pero Jerome.. Alam mong kailangan ako ni Francisco.."

"Ayos lang sakin Den.. Napakasaya ko at nalaman kong mahal mo rin ako.." sagot niya sakin.

"Jerome dito ka lang lagi sa tabi ko ha..." pakiusap ko sa kanya kahit alam kong pagiging makasarili ang hinihiling ko.

"Hinding hindi kita iiwan kahit kailan Den.. Pangako ko sayo yan.." sagot niya sakin at muli niya akong niyakap ng mahigpit na mahigpit.



Author: Penge pong likes, comments amd reactions. :) maraming salamat po.

Ang Manliligaw Kong Bully Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon