Okay na ako Ma.

1.5K 76 11
                                    

Unwell.

"Masama ba pakiramdam mo?" tanong sakin ni Mama.

"Mainit lang Ma. Mahina kasi yung aircon ng kotse ko. Hindi ko napatingnan kahapon sa shop" sagot ko.

Pakiramdam ko nga kanina naiinitan ang katawan ko. Tinodo ko na nga ang aircon ng kotse ko kanina. Pakiramdam ko rin ay medyo kinakapos ako sa paghinga. Sobrang init kasi ng panahon.

Uminom ako ng tubig at naupo muna ako. Epekto rin siguro ito ng sobrang pagod sa dami ng ginagawa sa opisina.

"Kuya sinabihan ko na nga pala sila Lindsey at Yvan. Pupunta daw sila sa Union party niyo ni Den" sabi sakin ni Luis habang nakaupo kami sa isang bench sa labas ng Mcdo.

"Maigi naman. Mas marami mas masaya" tipid kong sagot dahil parang may kakaiba sa pakiramdam ko. Nararamdaman ko ang dahan dahang pagbilis ng tibok ng puso ko at medyo masakit ang dibdib ko. Ramdam ko rin na pinagpapawisan ako.

"Kuya? Kuya.. Kuya!" malakas na pagtawag ni Luis sa pangalan ko na unti unting humihina kasabay ng dahan dahang paglabo ng paningin ko hanggang sa mapapikit na ako. Nilamon na ng dilim ang paningin ko.

Nagising nalang ako na nakahiga na ako sa isang puting kama. Nakaupo si Mama sa gilid ko at ang dalawa ko namang kapatid ay nakaupo sa sofa.

"Ma? Nasaan ako? Nasaan tayo?" mabilis kong tanong.

"Nasa ospital tayo anak. Nawalan ka ng malay kanina nung nasa harapan tayo ng Mcdo" nag-aalalang sagot ni Mama.

"Kumusta pakiramdam mo? Masakit pa ba dibdib mo?" dugtong na tanong ni Mama na bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

"Okay na ako Ma. Napagod lang siguro ako. Huwag ka na mag-alala. Okay na ako" nakangiti kong sagot kay Mama habang hinahagod niya ang buhok ko.

Sabay kaming napalingon ni Mama nung bumukas ang pintuan. Si Daddy at kasama ang isang doctor na may kasunod na dalawang nurse.

"Kumusta na pakiramdam mo Paul? Nahihirapan ka pa bang huminga?" diretsong tanong sakin nung Doctor na halatang ineeksamin niya ang itsura ko.

"Okay na po ako Doc" tipid na sagot ko.

Matapos iyon ay tinawag ni Daddy si Mama sa labas kasama si Doc. Naiwan kaming magkakapatid ngayon dito sa loob ng room.

"Oyy Luis, Justin huwag niyo sasabihin kay Kuya Den niyo na nasa ospital tayo. Alam niyo naman yun.

"Nakatawag na ako sa Lolo niyo. Ipapasundo niya tayo dito" sabi ni Daddy nung nakabalik na siya dito sa loob ng room.

-----------------------------------------------------------------

"Paul don't forget to take your medicine. Bilin na bilin ni Doc yun" paalala sakin ni Mama.

Nandito na kami kina Lolo. Nag-stay din ako ng ilang araw sa ospital. Hindi kasi agad pumayag yung doctor na mag-out agad ako. Dami nga ginawang test sakin eh. Pero thanks God at ramdam kong okay na ako. Nakatawag na ako kay Den. Sinabi kong nag-extend pa si Daddy ng pag-stay namin dito sa probinsya. Hindi ko na sinabi yung nangyari. Kilala ko si Den. Baka biglang magbiyahe yun oramismo papunta dito.

Wala pa rin pinagbago ang lugar na ito. Mas naaalala ko pa nga si Den sa tuwing mauupo ako dito sa malapit sa batis. Dito kasi siya aksidenteng nahulog. Sa totoo lang hindi na ako makapaghintay ng araw ng unionship namin. Pagkatapos kasi ng araw na iyon ay magsasama na kami ni Den sa isang bahay. Palagi na kaming magkasama at bubuo na kami ng sarili naming pamilya. Gusto ko nga patigilin na siya sa pagtuturo at sa bahay nalang siya. Ako dapat ang magtrabaho para saming dalawa. Ayokong nakikitang nahihirapan at napapagod siya.

"Pangiti ngiti ka nanaman diyan Kuya" biglang pagsulpot ni Justin sa tabi ko.

"Masaya lang ako" sagot ko sa kanya.

"Si Kuya Den ang iniisip mo noh" -Justin.

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti ako.

"Tingin mo Kuya may pag-asa pa ako?" pagseryosong tanong ni Justin sakin.

"Pag-asa? Kanino?" tanong ko sa kanya kahit alam ko naman ang gusto niyang iparating.

"Kay Chrien. Ewan ko ba Kuya. Nag-aantay lang ako ng tiyempo eh, itatakas ko na si Chrien. Dito ko siya dadalahin" -Justin.

"Mukhang may meeting kayong dalawa diyan ah" biglang dating naman ni Luis.

Naupo si Luis sa tabi ni Justin. Ang sarap sa pakiramdam na magkakasundo kami ng mga kapatid ko. Sayang nga lang at wala dito ngayon si Paolo at si Ate Taniya.

"Kuya paano kung bigla nalang hindi matuloy ang kasal niyo ni Kuya Den?" biglang tanong uli ni Justin dahilan para mapatingin ako sa kanya.

'Imposibleng mangyari yun Justin. Mahal ni Den si Kuya Paul at ganoon din si Kuya" singit naman ni Luis.

"Paano kung sa oras ng kasal ay hindi dumating si Kuya Den" dugtong ni Justin.

Ang Manliligaw Kong Bully Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon