Can I touch you?

1.4K 63 8
                                    

I never thought.

Chriden Miguel PoV

"Masakit ba ulo mo o medyo nalulula ka pa?" alalang tanong sakin ni Jerome nung nakalabas na kami ng immigration dito sa Egypt.

"Medyo nalulula ako Jerome.. Gusto ko muna magpahinga" sagot ko sa kanya.

"Okay sige. Oorder nalang ako ng pagkain natin sa hotel" sagot niya at nagsimula na kaming maglakad papalabas. Itinaas niya ang kamay niya at may lumapit kaagad na taxi sa harapan namin.

"Bring us here" sabi niya sa driver sabay abot ng isang hotel card.

Ilang sandali lang ay nasa harapan na kami ng isang napakagandang hotel. Hindi naman pala ganoon kalayo ito sa airport. Wala pa nga yatang labinlimang minuto ang biyahe.

"Shukraan lakum" narinig kong sabi ni Jerome sa driver at nag-abot ng pera.

"Aitahfaz bialbaqi" dugtong niya at kinuha ni Jerome ang gamit namin at lumabas na kami ng sasakyan.

"Shukraan lak sayidi" nakangiting sabi ng driver kay Jerome.

"Anong pinag-uusapan niyo?" takang tanong ko sa kanya.

"Sabi ko sa kanya thankyou and keep the change. Sabi naman niya thank you sir" ngiting sagot ni Jerome at kaagad na hinawakan niya ang kamay ko.

Nasa harapan na kami ngayon ng Kempinski Nile Hotel Cairo. Napakaganda. Mukhang mayayaman lang ang nakakapasok sa loob ng hotel na ito.

"Tara na. Para makapagpahinga ka na kasi marami pa tayong pupuntahan" sabay hila niya ulit sakin papasok sa loob ng hotel.

Kinausap ni Jerome yung nasa front desk. Hindi ko na inintindi iyon kasi wala naman talaga akong naiintindihan sa salita nila. Ang galing nga magsalita ni Jerome eh. Hindi ko akalain na marunong pala si Jerome magsalita ng salita dito.

"Enjoy Sir" ngiting sabi nung babae sa front desk.

"Marunong naman palang mag-english bakit kailangan pa ng ganong language?" sabi ko kay Jerome habang naglalakad na kami papunta sa room namin.

"Ganoon talaga. Hayaan mo na. Osya - magpahinga ka na muna. Oorder lang ako ng pagkain para makakain na tayo ng dinner" utos sakin niya sakin.

Hindi ko na nagawang magbihis pa dahil sa pagod na nararamdaman ko. Nahiga na ako sa kama at ipinikit ko ang aking mga mata.
.
.
.
.
.
.
.
.
Naalimpungatan ako nung naramdaman kong may umupo sa gilid ng kama.

"Dinner tayo?" nakangiting sabi sakin Jerome. Nakatingin lang ako sa kanya at bigla nanamang tumulo ang mga luha ko.
Kahit kasi anong gawin ko o kahit anong isipin ko ay hindi nawawala ang sakit na nararamdaman ko. Hindi mawala sa isipan ko si Francisco. Pinahiran ko ang magkabilang pisngi ko at bumangon na ako mula sa pagkakahiga.

Naupo na kami sa harap ng round table. Magkaharap kami ni Jerome.

"Tikman mo ito. Masarap to" kasunod nun ay ang paglagay ni Jerome ng kakaibang pagkain sa plato ko. Unang beses palang akong makakatikim ng pagkain dito sa Cairo kaya iba sa panlasa ko ang mga pagkain.

"Masarap?" tanong niya sakin habang nginunguya ko ang isunubo kong pagkain.

Tumango ako sa kanya at pinagpatuloy na namin ang pagkain.

"May binili akong wine. Perfect for this night. Actually nakaprepare na nga dun sa beranda oh" sabay turo niya sa kaliwang bahagi ng room namin.

Sa totoo lang wala na akong ibang masabi pa kay Jerome. Nasa kanya na yata ang lahat ng katangiang hinahanap ng isang tao. Napakabait at napakaresponsable niya. Hindi nga niya ako pinabayaan simula palang.

Ang Manliligaw Kong Bully Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon