Luis...

1.2K 69 10
                                    

Chriden PoV

(Nakadalawang update na po ako)

"Oh bakit nakasambakol ang pagmumukha mo?" tanong ko kay Sheryl nung nagkita na kami dito sa SmRosario.

"May problema lang..." malungkot niyang sagot sakin.

"Si Kerby?"

"May nabasa kasi akong message sa kanya ng babae. Ang sweet nila sa chat" malumanay niyang sabi sakin.

"Baka na-"

"Syempre nagseselos ako. Kahit naman ganito ako nakakaramdam din ako ng selos.. At isa pa kamukha ni Mama Mary yung kachat niya" putol niya sa sinasabi ko. Gusto ko sanang tumawa kaso mukhang seryoso talaga si Sheryl sa sinasabi niya sakin. Ito kasi ang pangalawang beses na nagkwento sakin si Sheryl tungkol sa ganitong bagay. Wala naman kasi sa personalidad niya ang mamoblema sa ganitong bagay eh. Hindi bagay sa kanya.

"Haay naku She. Maayos niyo rin ni Kerby yan. Tara kain muna tayo sa jollibee" yaya ko sa kanya.

"Ayy hindi ako pwede diyan Den" sabay turo niya sa jollibee na nasa gilid namin.

"Baket?" takang tanong ko sa kanya.

"Bida kasi ang saya diyan. Malungkot ako ngayon" sagot niya sakin. Langya. Ganyan ba namomoblema? Kaya hindi ako makapaniwala na namomoblema itong babaeng ito eh. Dahil sa ayaw ni Sheryl na sa jollibee kami kumain ay dito kami ngayon sa foodcourt. Napakadami ngang inorder na pagkain ni Sheryl. Parang ito na ang huling araw niya para kumain.

"Ikaw Den, okay ka na ba?" tanong niya sakin habang nakain.

"Okay? Lagi naman akong okay ahh" diretsong sagot ko sa kanya.

"Ibig kong sabihin ay yung tungkol sanyong dalawa ni Paul" dugtong ni Sheryl dahilan para biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko. Hindi ko maipaliwanag pero bigla nalang akong kinabahan nung narinig ko iyon kay Sheryl.

"Paano kung biglang bumalik si Paul? Iiwanan mo ulit si Jerome?" magkasunod na tanong niya sakin. Ramdam kong may ibig sabihin ang mga naririnig ko mula kay Sheryl. Napatanong tuloy ako sa sarili ko. Paano nga kaya kung bumalik si Francisco? Ano nga ba ang gagawin ko?

"Ayy shit!!" sigaw ko nung aksidente kong natabig ang baso at bumagsak ito dahilan para mabasag ang baso. Kaagad lumapit ang isang crew at inayos iyon.

"Oh bakit natulala ka?" alalang tanong sakin ni Sheryl.

"Bigla lang akong kinabahan. Para kasing may mangyayaring hindi maganda..." nag-aalalang sagot ko sa kanya.

"Walang mangyayaring masama. Kaya nahulog at nabasag yang baso kase tanga ka!" sabi sakin ni Sheryl at pinagpatuloy na ang pagkain.

Ewan ko. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bigla bigla nalang akong kinabahan at hindi mapakali. Naging balisa tuloy ako habang naggagala kaming dalawa ni Sheryl. Hindi ako nakapamili ng maayos na damit at nakalimutan ko rin bilihin ang dapat na bibilihin ko.

"Sige na Den.. Kita nalang uli tayo.. Kailangan ko na umuwe may pustahan pa kami sa dota ng mga tropa ko samin" paalam sakin ni Sheryl nung nasa labas na kami ng SmRosario. Magkaiba kasi ang sasakyan naming bus.

"Sige She. Ingat pag-uwe" sagot ko at nagsimula na akong maglakad papuntang sakayan pa-Tanza.

"Pwede kang sumabay sakin" agad akong napalingon sa likuran ko nung narinig ko yung boses na iyon.

"Jaime!!!" reaksyon ko nung nakaharap na ako sa kanya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah.. Nakatatlong tawag na ako sayo pero hindi mo ako nililingon" sabi pa niya habang sabay na kaming naglalakad.

"Pasensya. Medyo. Dami kasing ginagawa sa school.." pagpapalusot ko sa kanya.

"Haaay hindi ka pa rin nagbabago Den. Selfish ka pa rin pagdating sa mga problema mo.." ngiting sagot niya sakin at pinasakay na niya ako sa sasakyan niya. In-start na niya ang sasakyan ang nagsimulan ng paandarin ito.

"Si Paul pa rin ba?" diretsong tanong niya sakin.

Kahit ako napapaisip dahil sa tinanong sakin ni Sheryl kanina. Paano nga ba kung sakaling bumalik c Francisco? Iiwanan ko nanaman ba si Jerome? Napaka-unfair ko naman kapag ginawa ko iyon. Napakalaking sakripisyo na ang ginagawa para sakin ni Jerome tapos iiwanan ko nanaman siya?

"Jaime paano kung bumalik ang taong mahal mo tapos may bago ka ng mahal ngayon? Iiwanan mo ba yung ngayon at babalikan mo yung dati?" biglang tanong ko sa kanya. Medyo magulo ang tanong ko pero alam ko mauunawaan niya ang nais kong iparating.

"Hindi lahat ng umaalis ay bumabalik  hindi lahat ng bumabalik ay aalis pang muli" malayong sagot niya sa tanong ko pero alam ko makahulugan ang sagot niyang iyon.

"Den, do what makes you happy. Minsan naman isipin mo ang sarili mo. Kung saan alam mong magiging masaya ka gawin mo. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa kalungkutan. Maraming dahilan para maging masaya" nakangiting dugtong pa niya.

"Maraming salamat Jaime.. Sige na.. Ingat ka pag-uwe ha.." paalam ko sa kanya nung nasa tapat na kami ng eskinita namin.

"Nandito lang kami ni Noah para suportahan ka sa lahat ng magiging desisyon mo Den" sabi pa niya bago tuluyang paandarin ang sasakyan niya.

Nagsimula na akong maglakad papasok sa loob ng bahay namin. Aktong pipihitin ko na ang door knob nung biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Den.." tawag sakin ng pamilyar na boses. Mabilis ko siyang nilingon at hindi ko naitago ang pagkagulat ko nung malaman ko kung sino siya.

"Luis.." pagtawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o ano ang dapat kong itanong sa kanya dahil sa biglaang pagkawala nila dito.

Author: Ayan nakadalawang update na ako. Likes, Comments and Reactions nmn po :( para ganahan na ako tapusin to :) pra mapagpatuloy ko na po ang book V.

Salamat po.

Ang Manliligaw Kong Bully Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon