6 Years Later 😶😶😶

2.8K 107 75
                                    

Thank You - seeyou. Til nextime.



Chriden Miguel Point of View


6 Years Later

"Jerome bilisan mo. Napakainit" pagtawag ko sa kanya at kaagad din siyang lumapit ay kasunod naman sila Allen.

"Ilagay mo na yung bulaklak. Ako na bahala magsindi ng kandila" dugtong ko at inayos naman niya ang paglalagay ng bulaklak sa lapida.

"Pre alam ko masaya ka kung nasaan ka man. Natupad na yung kahilingan mo. Hindi ko pinapabayaan si Den.." sabi naman ng katabi ko at ipinatong sa balikat ko ang kanang kamay niya.

"Maraming maraming salamat.. Hinding hindi kita makakalimutan.. Alam ko palagi kang nasa tabi ko" dugtong ko naman habang nakadampi ang kamay ko sa lapida.

"Ang bilis ng panahon. Anim na taon na agad ang lumipas simula nung iniwan mo kami. Miss na miss ka na namin" sabi naman ni Kerby at inilapag ang hawak niyang kandila.

"Eto pre.. Pinagdala talaga kita ng alak.. Alam ko naman na gusto mo ito" kasunod naman non ay ang paglapag ni Allen ng isang bote ng alak.

"Ihanap mo ako ng lalake diyan ha.. Ihatid mo sa bahay namin ha.. Gusto ko malake ti-"

"Ayan ka nanaman sa kalokohan mo! Itigil mo nga bunganga mo!" putol ni Kerby sa sinasabi ni Sheryl.

"Ayy ang hard mo sakin Kerby.. Kapag ako namatay araw araw kong kakagatin ang itlog mo! Isusumpa ko talaga!" sagot naman ni Sheryl.

"Pre ako na magpapakilala sa kasama ni Allen. Si Mickey nga pala ang nakapagpatino kay Allen" kwento naman ni Brille na naging tawanan ng lahat.

"Tumigil ka nga Brille! Ako kaya ang boss! Diba bie?" sabi naman niya kasunod nun ay pagtingin niya sa katabi niyang si Mickey.

"Ayieee! Tumigil nga kayo! Baka bigtihin ko kayong dalawa!" sagot naman ni Sheryl.

"Paano? Uuwe na kami. Happy 6th Death Year Anniversary" halos sabay na paalam ni Kerby at ni Allen kasunod nun ay ang pag-akbay nila kay Mickey at kay Sheryl.

"Tara na! Kanina pa ako natotomguts!" yaya ni Sheryl samin ni Jerome habang hawak hawak ko ang kamay niya.

Naramdaman ko ulit ang pagpatong ng braso ng katabi ko at inilapit niya ang katawan ko sa katawan niya. Idinampi niya ang labi niya sa ulo ko.

"Paano pre? Alis na kami. Isa-shot nalang kita mamaya" sabi ng katabi kong si Francisco.

"Jerome ba-bye ka na kay Tito Jerome mo.." sabi ko kay Jerome na legally adopted namin ni Francisco.

"Ba-bye Tito.. Uuwe na kami nila Dada. Ibibili pa daw nila ako ng toys.." sagot ni Jerome at kaagad yumapos kay Francisco.

Flashback

"Den.. Wala na siya.. Wala na siya Den.." sabi sakin ni Kerby dahilan para manlumo ako. Iyak ako ng iyak. Tangina! Kahit pala ready ka na para sa isang bagay na maaring mangyari ay balewala kapag nasa sitwasyon ka na. Nilapitan ako ni Justin at ni Luis. Niyapos nila ako. Kasunod nun ay ang pagyapos samin ng mama at daddy nila. Patuloy ako sa pag-iyak hanggang sa naramdaman kong sumuko na ang katawan ko at dahan dahan nilamon ng dilim ang paningin ko.

Nagising nalang dahil sa ingay na naririnig ko. Nagpalinga linga ako. Nahagip ng dalawang mata ko si Luis habang kausap si Allen.

"Allen..." pagtawag ko sa kanya. Nilapitan niya ako. Malamlam ang dalawang mata.

"Den..." tawag niya sa pangalan ko at may inaboyt siyang papel sakin. Kinuha ko iyon. Nagsimula nanamang tumulo ang luha ko.

Naupo ako sa isang sulok at binuksan ko ang inabot saking papel ni Allen.

Para sa pinakamamahal ko,
               Mahal na mahal kita.

                                                    Jerome.

"Pilit ibinigay ni Jerome ang puso niya kay Paul.. Natatandaan ko pa nga ang huling sinabi niya 'Wala akong ibang hinangad kundi ang maging masaya at maligaya si Den kaya kaya kong gawin ang lahat para sa kanya'. Den, ingatan mo ang puso ni Jerome. Mahal na mahal ka ni Jerome" pagpapaliwanag sakin ni Allen. Matapos niyang sabihin iyon ay bumuhos ang luha ko at humagulgol ako ng iyak.

End of Flashback

Ang usapan natin puso ko ang iingatan mo Jerome pero sa bandang huli puso mo pala ang dapat kong ingatan. Maraming maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sakin Jerome. Pinapangako ko iingatan ko ang puso mo.

"Halika na Mama Den.. Nagpromise ka sakin na ibibili mo ako ng toys..." sabi sakin ni Jerome.

Pinangalan ko kay Jerome ang anak namin ni Francisco. Jerome Francis ang pangalan niya.

"Dada lika na.. Nagpromise ka rin sakin na pupunta tayong play house" yaya ulit ni Jerome kay Francisco.

"Den, kanina pa nagyayakag ang bata.." sabi sakin ni Francisco.

"Oo na! Masyado mong ini-spoiled yang si Jerome!" sagot ko.

"Dada, nagagalit si Mama Den oh.." pagsusumbong ni Jerome kay francisco.

"Kunwari lang yan baby.. Akong bahala diyan mamaya.. Basta maaga kang matutulog ha..." sagot ni Francisco sabay kindat sakin.

Sabay na kaming naglakad pabalik ni Francisco sa sasakyan habang karga karga niya si Jerome.

Hinding hindi ko makakalimutan si Jerome. Pinapangako ko na iingatan ko ang puso niya na nasa katauhan ni Francisco. Maraming maraming salamat Jerome dahil wala kang ibang hinangad kundi ang kaligayahan ko.

Wakas...



Maraming maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa book ko. Thankyou. Sana nagustuhan niyo ang story ni Den at Paul.

Open po ang fb ko para sa mga reactions niyo. Thankyou Thankyou.

Happy NewYear po!
Patuloy niyo po akong suportahan.

Comments pls.
Likes pls.
Reactions pls

:)




Chriden Miguel Juco (Bubei Yebeb)

Ang Manliligaw Kong Bully Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon