Francisco please...

1.3K 57 18
                                    

Somewhere....Out there..

Chriden Pov

Maaga akong sinundo ni Jerome sa bahay. Napagdisisyunan namin na magpunta sa isang resort kasama si Francisco at lahat ng mga kaibigan namin. Kaya nandito kami ngayon sa Puerto Azul. Medyo malayo pero sulit naman dahil sariwang sariwa ang hangin. May mga dala kaming pagkain at extrang gamit para handa kami kung sakaling mapagkasunduan na mag-over night kaming lahat dito.

Nag-set up ng projector si Allen at si Kerby naman ang nag-ayos ng speaker. Si Jerome at si Brille naman kasama si Sheryl sa pag-aayos ng mga pagkain namin. Kasama ko naman si Francisco ngayon dito sa tabing dagat. Nakaupo siya sa wheel chair at nakaupo naman ako sa buhangin katabi siya. Hawak hawak ko ang kamay niya.

"Alam mo Nei hindi ko pinagsisisihan na ikaw ang minahal ko" sabi ni Francisco sakin habang nakatingin sa karagatan.

"Palagi kong binabalikan yung unang araw na nagkakilala tayo. Lahat. Pati yung mga ginawa kong paraan para lang makuha ko ang atensyon mo. Napakasuplada mo kasi dati" dugtong niya na may halong ngiti sa kanyang mga labi. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya at idinampi ko iyon sa pisngi ko.

"Gusto kong humingi ng patawad sa lahat ng nagawa ko sayong kasalanan Den.. Gusto humingi ng patawad sa lahat ng pasakit na naranasan mo dahil sakin.." pagpapatuloy niya dahilan para dahan dahang tumulo na ang mga luha ko.

"Mahal na mahal kita Francisco.." sagot ko sa kanya habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Pinipilit kong ayusin ang boses ko pero dahil sa pag-iyak ko ay nagpuputol putol ang bawat salita ko.

"Paulit ulit ko ngang binabasa ang diary mo eh.. Dun ko nalaman ang lahat ng gusto mong katangian sa isang lalake.. Kaya lahat yun ginawa ko para magustuhan mo ako dati.." sabi pa niya.

"Naiwan mo kasi sa sasakyan ko yung diary mo dati. Tinago ko iyon sa vault ng kwarto ko kasi iyon ang pinakaimportanteng bagay para sakin.." pagpapatuloy niya.

"Francisco..." pagtawag ko sa pangalan niya.

"Mahal na mahal na mahal kita Den..." dugtong pa niya.

"Oyy mag-lovers tara muna kayo dito.. Kain na tayo habang pinapanuod itong The Avengers" yaya ni Brille samin.

Sabay sabay kaming kumain. Kwentuhan at asaran. Tawanan at kulitan. Kahit ganoon ramdam ko ang lungkot sa lahat ng mga kasama ko. Ayaw lang din nilang ipahalata ang nararamdaman nila. Matapos naming kumain ay nakaupo na lahat kami sa buhangin. Nanuod ng ilang movie hanggang sa abutin kami ng dilim. Katulad ng palaging ginagawa ni Allen ay gumawa siya ng bonfire at pumaikot kaming lahat doon.

Nagsimula ng sumipra sa gitara ni Kerby at tumingin siya sakin senyales na ako ang kakanta. Katabi ko si Francisco at nasa harapan ko naman si Jerome.

Uulit ulitin ko sayo
Ang nadarama ng aking puso
Ang damdamin koy para lang sayo
Kahit kailamay di magbabago

Panimula ko habang nakaakbay ako kay Francisco.

Ikaw ang laging hanap hanap
Sa gabit araw,
Ikaw ang nais ko sa twina
Ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig
Wala na ngang iba..
Saking puso'y tunay kang nag-iisa.

Naramdamab kong humigpit ang kapit ni Francisco sa kanang kamay ko. Nakatingin siya sakin habang nakangiti.

Di ko nais na mawalay ka
Kahit sandali sa aking piling
Kahit buksan pa ang dibdib ko oh..
Matatagpua'y larawan mo ohh..

Pagkanta niya habang nakatingin sakin dahilan nanaman ng pagpatak ng mga luha ko.

Ikaw ang laging hanap hanap
Sa gabit araw,
Ikaw ang nais ko sa twina
Ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig
Wala na ngang iba..
Saking puso'y tunay kang nag-iisa.

Sabay naming pagkanta ni Francisco habang pinupunasan niya ang magkabilang pisngi ko na patuloy sa pagpatak ng mga luha. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Mamimiss ko kayong lahat..." nakangiting sabi ni Francisco samin dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon namin.

"Huwag ka magsalita ng ganyan pre.. Diba astig ka? Lalaban tayo..." nauutal na sagot ni Kerby.

"Francisco.. Please.." pakiusap ko sa kanya.

"Jerome gusto kong ingatan mo si Den.. Pasayahin mo siya.. Paligayahin mo.. Ibigay mo ang lahat ng magpapasaya sa kanya na hindi ko nagawa.. Mahalin mo ng higit pa sa pagmamahal ko sa kanya.." mahabang dugtong ni Francisco na naging dahilan ng lalong pagdaloy ng mga luha ko. Wala akong narinig na sagot mula kay Jerome. Nakatingin lang siya kay Francisco at lumipat sakin ang tingin.

"Guys, gusto ko na muna magpahinga.. Napagod yata ako.." paalam ni Francisco. Napagdisisyunan namin na pumasok na sa ni-rent naming room. Sama sama na kaming lahat sa iisang room. Hinayaan na namin na makapagpahinga si Francisco.

Author: Ilang chaps nalang po end na ng Den and Paul Story.. Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta...

Likes. Comments, Reactions. Pls.

Ang Manliligaw Kong Bully Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon