Jerome...

1.3K 65 11
                                    

And I'd give up forever to touch you...

Paul Francisco Point Of View

One week nalang kasal na namin. Kaya eto last meeting na namin sa organizer namin. Finalize na ang venue at design. Nakausap na rin namin yung magke-cater at mag-aasikaso sa lahat ng bisita naming pupunta sa araw ng kasal.

"Hindi ba parang ang dami ng pagkain na pinili mo? Baka naman hindi maubos ang mga iyon?" tanong sakin ni Den habang nandito kami sa rooftop ng bahay namin. Dito din kasi kami nagfinalize ng meeting.

"Baka nga kulangin pa yun sa dami ng mga pupunta eh..." sagot ko sa kanya habang nakayakap ako mula sa kanyang likuran.

"Napakaswerte ko sayo Francisco.. Wala na akong ibang mahihiling pa.. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ibinigay ka niya sakin" sabi niya.

"Mas maswerte ako sayo Den.. Ang swerte ko kasi mahal mo ako. Ang swerte ko kasi nakilala kita. Ang swerte ko kasi ikaw ang pinili ni God para sakin..." sagot ko sa kanya at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Sana lagi tayong ganito.. Sana hindi na ulit tayo maghiwalay..." dugtong ko.

"Wala ng makakapaghiwalay satin Francisco.. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka pa ulit sakin.. Ikaw na ang buhay ko.." sagot niya at unti-unti siyang humarap sakin. Idinampi niya ang labi niya sa labi ko.

Ang lambot.
Manamisnamis.
Ito ang isa sa mga bagay na gusto kong ginagawa namin ni Den dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan naming dalawa.

"May meeting nga pala kami ni Kenneth ngayong week na ito.. Medyo matagal iyon" paalam ko sa kanya.

"Akala ko ba pahinga ka na muna kasi malapit na ang kasal natin?" takang tanong niya.

"Nei kaya ko naman.. Basta huwag mong papabayaan ang sarili mo kapag wala na ako dito. Ayokong magpupuyat ka at ayokong kung saan saan ka pupunta" mahabang bilin ko sa kanya.

"Bakit? Wala ka na bang balak bumalik at ganyan ka magsalita. Haay naku Francisco. Magpapamiss ka lang sakin eh" mapang-asar niyang tukso sakin. Nginitian ko siya.

"Baka ako ang mamiss mo?" pang-aasar ko rin sa kanya at hindi ko na siya hinayaan magsalita dahil mabilis kong idinampi ulit ang labi ko sa labi niya. Nararamdaman ko nanaman ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Dala siguro iyon ng emosyon na nararamdaman ko dahil sa ginagawa namin ni Den.

"Osya, uuwe na ako. May pasok pa ako bukas. Huwag ka magpuyat Francisco ha" bilin niya sakin.

"Teka.. Ihahat-ahh" hindi ko naituloy ang sinasabi at mabilis akong napahawak sa dibdib ko.

"Bakit? Anong nangyayari sayo?" biglang harap sakin ni Den at halata sa mukha niya ang pag-aalala. Bahagya kong inangat ang kamay ko sa leeg ko at nagkunwari akong inihihimas ko iyon don.

"Wala. Medyo sumakit ang leeg ko. Ang pandak mo kasi" dahilan ko sa kanya. Ayoko kasing mag-alala siya sakin. Baka mamaya maapektuhan pa ang trabaho niya. Nararamdaman kong pinagpapawisan ako dahil sa init na nararamdaman ko.

"Huwag mo na ako ihatid Francisco. Kaya ko na. Magpahinga ka na ha.. Paalam niya sakin at kinisan niya ako.

Inatay ko muna siyang makalabas bago ako tuluyan naupo sa sala set. Hindi parin kasi nagbabago ang pakiramdam ko. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng pintig ng puso ko ay pakiramdam ko ay ang init init ng katawan ko.

"Kuya anong nangyayari sayo?" mabilis na lapit sakin ni Luis nung nakita niya akong nakaupo at nakahawak sa dibdib ko.

"Ma!!! Dy!!! Si Kuya!!!" sigaw niya.

Ang Manliligaw Kong Bully Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon