Ingat ka ha...

1.1K 54 8
                                    

Who am I to stand in your way?

Chriden PoV

Sabi sayo sir ee may poreber! Ayieeeee!" kantyaw sakin ni Jovert.

"Gandaaaaaaaa!" pang-aasar naman ni Mj.

"Tumigil nga kayo. Lakad na take your lunch na" sabi ko sa kanila kasunod nun ay ang hiyawan nila.

Nung nakalabas na sila ay tiningnan ko ang hawak kong bulaklak. Inikot ikot ko. Ang ganda. O mas tamang sabihin kong natatakam na ako sa mga marshmallows na nakapalibot dito. Sigurado akong kay Jerome galing ito.

Mabilis ulit lumipas ang buong maghapon kaya eto uwian na ulit. Nagsimula na akong maglakad papalabas ng school.

"Wala ka yatang sundo Sir?" tanong sakin ni Joshua na sinusundan nila Mj.

"Baka busy. Saka kaya ko naman umuwe mag-isa"sagot ko habang patuloy kami sa paglalakad.

"Si Sir talaga napakapabebe.. Ayun na yung sundo mo Sir oh.. Nakatitig na sayo" sabay turo ni Joshua kay Jerome na nakatayo sa gilid ng sasakyan niya na nakaparada sa gilid ng library.

Hindi ko na sinagot pa ang sinabi ni Joshua at kay Jerome na ako dumiretso. Mukhang good na good ang araw ng lalakeng to ah. Ngiting ngiti sakin at ang aliwalas ng mukha niya.

"Sabi ko naman sayo hindi mo dapat ako sinusundo na.. Kaya ko naman umuwe mag-isa eh" sabi ko sa kanya nung nakalapit na ako.

"Sabi ko rin naman sayo na ginagawa ko lang bagay na nagiging masaya ako" diretsong sagot niya at mabilis umikot sa kabilang side ng sasakyan niya. Binuksan niya iyon.

"Maari mo bang paunlakan ang aking paanyaya sa kumain ng hapunan kasama ako?" seryosong tanong niya sakin. Hindi ko alam kung matatawa ako o ewan. Kakaiba kasi siya. Sabagay sa simula palang naman kakaiba na talaga itong taong ito. Sumakay na ako. Agad naman siyang umikot at naupo na sa driverseat.

Nagsimula ng paandarin ni Jerome ang sasakyan. Hindi ko siya tinatanong kung saan kami pupunta. May tiwala naman ako sa taong to. Alam ko naman na ligtas ako kapag siya ang kasama ko. Habang tinatahak namin ang daan ay biglang tumunog ang cellphone ni Jerome. Dinampot niya iyon at kaagad niyang sinagot.

"Nagdadrive ako Allen.. Bakit?" agad niyang tanong.

"Really? Mag-usap tayo mamaya. Kasama ko si Den. Pupuntahan nalang kita mamaya" sabi pa niya at inilapag niyang muli ang cellphone niya.

"Mukhang may importante kayong pag-uusapan ni Allen.. Gusto bukas nalang tayo magdinner?" mahinahong tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako at hinawakan niya ang kaliwang kamay ko.

"Walang ibang importante sakin Den kundi ikaw. Kaya ikaw muna bago sila" ngiting sabi niya sakin at ipinark na niya ang sasakyan.

Kumain kami sa isang Korean Restaurant. Masarap ang pagkain. Ang dami kong nakain. Mas pinili ni Jerome ang VIP table para daw mas makakain kami ng maayos. Nabanggit sakin ni Jerome na maganda ang takbo ng company nila. Ang dami niyang kwento. Nabanggit din niya na pinapasabi daw ni Mama niya na kailangan daw dumalaw ako sa kanila at makasabay sila magdinner. Naikwento ko naman sa kanya ang tungkol sa gaganaping aquintance party sa school namin ay diretso niyang sinabi sakin na ako ang magiging kapartner niya.

"Salamat ulit..." sabi ko sa kanya nung nasa tapat na kami ng eskinita ng bahay namin.

Wala akong narinig na sagot sa kanya bagkus niyakap niya ako. Dahil sa sobrang thankful ako sa kanya ay ginantihan ko ang yakap na binigay niya sakin.

"Iloveyou so much.." bulong niya sakin.

"Ingat ka sa pagdadrive ha.. Message mo ako kapag nakauwe ka na ng bahay" bilin ko sa kanya at kaagad narin niyang pinaandar ang sasakyan niya. Hindi na ako nagtagal pa sa labas. Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso na ako sa loob ng kwarto ko.

Sa totoo lang tuwing gabi tinatanong ko ang sarili ko. Tinatanong ko kung okay na ba ako? Kung okay na ba ang sarili ko. Kung tanggap ko na. Kaso tao lang din ako eh. Kahit naman anong gawin ko ay alam ko sa sarili ko na hindi ako okay. Ayoko lokohin ang sarili ko. Hindi lumipas ang isang araw na hindi sumasagi sa isipan ko si Francisco. Punong puno ng 'sana' ang bawat gabi ko. Yung sana siya ang kasama ko, sana nandito siya, sana ako parin, sana kami parin at yung sana natuloy ang kasal namin. Damang dama ko parin yung sakit. Lagi parin akong umiiyak dahil doon ko lang nailalabas ang emosyong nararamdaman ko. Sinasabi ko lang sa mga kaibigan ko na ayos lang ako kasi ayoko naman na mag-alala sila sakin. Alam ko naman na may kanya kanya kaming pinagdadaanan. Ayoko na dumagdag pa.

Miss na miss na kita Francisco. Miss ko na lahat. Lahat lahat.

Minsan nga nakakaisip na ako na gumawa ng hindi magandang bagay para matapos na ang paghihirap na nararamdaman ko. Yung tipong para wala na akong maramdaman. Kaso syempre kailangan tibayan ko ang loob ko para sa nanay ko at sa kapatid ko. Ayokong magpakita ng kahinaan sa kanila. Ayoko makita nila akong pinanghihinaan ng loob dahil alam kong sakin nanggagaling ang lakas nila.

Natigilan ako sa pag-iisip nung may napansin akong nakatingin sakin mula sa ibaba. Napabalik-tingin pa nga ako eh.
Bumaba ako at pinuntahan ko yung taong nakatayo at nakatingin sakin sa itaas.

"Akala ko ba may pag-uusapan kayo nila Allen?" tanong ko sa kanya.

"Meron.." tipid niyang sagot.

"E bakit nandito ka? May nakalimutan ka ba?" muling tanong ko sa kanya.

"Wala.. Gusto lang ulit kita makita.. Sige na.. Kita nalang ulit tayo bukas" sagot niya at niyakap niya ako uli.

"Ingat ka ha.." sabi ko ulit sa kanya at tuluyan na ulit siyang umalis.

Author: Salamat po sa pagbabasa.

(Preview sa mga susunod na chaps)

Nagsimula na akong maglakad papasok sa loob ng bahay namin. Aktong pipihitin ko na ang door knob nung biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Den.." tawag sakin ng pamilyar na boses. Mabilis ko siyang nilingon at hindi ko naitago ang pagkagulat ko nung malaman ko kung sino siya.

"Luis.." pagtawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o ano ang dapat kong itanong sa kanya dahil sa biglaang pagkawala nila dito.




Salamat po :)
Comments, Likes, Reactions pls...

Ang Manliligaw Kong Bully Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon