Lets go?

1.2K 60 11
                                    

Start of something new.

Chriden Miguel Point Of View

"Biglaan silang nagpunta sa ibang bansa Den. Emerge-"

"Okay na Jerome. Yun lang ang gusto ko marinig..." putol ko.

"Den.. Ipapaliwanag ko sayo.. Makinig ka muna.." pakiusap niya sakin.

"Jerome, kung ano man ang dahilan ni Francisco ay maiintindihan ko iyon. Ang hindi ko lang matanggap ngayon ay yung sakit na nararamdaman ko. Napakasakit Jerome.. Ilang beses na nangyari samin ni Francisco ito pero ngayon yung pinakamasakit.." panandalian akong tumigil at tumungga ako sa panibagong bote ng alak.

"Kung alam mo lang yung naramdaman kong sakit kanina.. Yung pakiramdam na parang tumigil ang ikot ng mundo ko pero patuloy kong nararamdaman yung libo libong karayom na tumutusok sa puso ko. Yung oras na nagsink in na sa utak ko na hindi na siya dadating at wala akong ibang nagawa kundi hayaang madurog ang puso ko..." pagpapatuloy ko habang unti unti nanamang tumutulo ang mga luha ko.

"Yung pumapasok sa isipan ko na gusto ko siyang ipaglaban pero wala naman kami sa gyera kaya bakit ko siya ipaglalaban? Bakit ko ipaglalaban ang taong iniwan ako? At bakit ako makikipaglaban eh wala namang hadlang saming dalawa?" muling sabi ko habang pinupunasan ko ang mga luhang walang humpay sa pag-agos sa magkabilang pisngi ko.

"Mahal na mahal na mahal ko si Francisco... Pero ano pa ba magagawa ko kung ako na ang iniwan?" muli akong tumigil at inistraight ko ang laman ng pangatlong boteng nasa harapan ko.

"Baka nga nasakin na ang diperensya.." dugtong ko.

"Den.. Darating din ang tamang panahon at malalaman mo rin ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa inyo ngayon.." malumanay na sabi ni Jerome.

"Lagi ko nalang naririnig yang tamang panahon na yan... Kung talagang nagmamahalan ang dalawang tao ay magagawa nilang itama kahit pa mali yang panahon na iyan. Siguro, mahirap lang talagang kalaban ang tadhana. Masyado na akong pinagtitripan ng tadhana..." mahabang sagot ko.

"Den I'm here.." mahinang sabi niya na sapat na para marinig ko.

Hanggang sa napayapos nalang ako kay Jerome dahil unti unti nanaman akong nilulukob ng sakit na nararamdaman ko.

-----------------------------------------------------------------

"Good morning!"

"Fran- Jerome..." pagtawag ko sa kanya nung binati niya ako.

Totoo pala lahat ng nangyari. Akala ko panaginip lang. Umaasa kasi na ako na paggising ko ay sasalubong sakin si Francisco at ihahatid ako sa trabaho.

"Breakfast is ready..." nakangiting sabi ni Jerome sakin habang nakaupo sa gilid ng kama.

"Jerome.. Uuwe na ako.. Gusto ko na munang umuwe.." sagot ko sa kanya.

"Ooops.. Hindi pwede.. This is our first day as couple.. Kaya dapat magkasama tayo.." nakangising sagot niya sakin.

"At sayang naman itong tickets oh... Kaya bilisan mo kailangan bago mag 3pm ay nasa airport na tayo.. We're going to Egypt" dugtong ni Jerome.

"Ha? Diba sa Rom-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nung bigla kong naalala na hindi nga pala si Francisco ang kausap ko. Ang plano kasi namin ni Francisco ay sa Rome kami pupunta pagkatapos ng kasal namin.

"Pero kung ayaw mo Den hindi kita pipilitin.. Sige mag-aayo-"

"Thank you Jerome.." sabi ko sa kanya at bumangon na ako sa higaan. Nagpunta na ako sa banyo at mabilis na nagshower.

Kinapa ko ang towel sa gilid pero walang nakasabit. Kaya pinihit ko ang seradura ng pintuan ng banyo para kunin sa gilid yung extra towel.

"Ayy shhh-!"
"Ayy sorry Den... Nakalimutan ko kasing ilagay yung towel diyan sa loob" sabi ni Jerome nung naisara ko agad ang pintuan.

Iniawang ko ng kaunti ang pintuan at kinuha ko ang dala niyang towel.

Sabay kaming kumain ni Jerome. Nabanggit niyang ayos na daw ang mga gamit na dadalahin namin papuntang Egypt. Pati nga passport ko ay nasa kanya narin. Nasabi narin daw niya kay Mama na aalis tayo ngayon kaya wala na raw problema.

"May pinapaabot nga palang sulat si Sheryl sayo. Si Kerby ang nagdala dito sa bahay kanina habang natutulog ka pa" sabi niya sakin habang papasakay na kami ng sasakyan niya. Inabot niya sakin iyon.

"Gawin nating masaya at memorable ang unang araw ng kasal natin Den.." nakangiti niyang sabi sakin. Hindi ko na siya sinagot pa. Ang pinagtuunan ko ng pansin ay ang sulat na galing kay Sheryl. Binuksan ko iyon habang tinutunton namin ni Jerome ang daan papuntang airport.

Den,
       Alam ko habang binabasa mo ito ay si Jerome ang kasama mo. Tandaan mo everything happens for a reason - yet shit still happens. Don't let your emotion ruled you. We don't have the ability to move on but we have the power to ease the pain. Walang masama sa pagiging malungkot. Normal lang iyon, nasaktan at nasasaktan ka eh. All you have to do is to absorb all the pain. Take it.. para masanay ka.. pero kailangan mo parin syempre ilabas yung pain.
      Nandito ako, kami at si Jerome para sayo. Ingat sa biyahe. Huwag mo kakalimutan ang pasalubong ko. Alam mo na kung ano yun. De remote gusto ko ha.

Ps. Wala kasi akong load kaya dinaan ko nalang sa sulat.

Ps ulit. Paano ka magiging masaya kung hindi mo pipilitin maging masaya? At paano ka magiging masaya kung puro lungkot ang ipapasok mo sa kokote mo.

LabyuDen.
Sheryl Ganda.

Namalayan ko nalang na natulo ang luha ko habang binabasa ko ang sulat ni Sheryl. Maraming salamat Sheryl.

"Huwag mo na itanong kung paano ang sasakyan natin.. Tumawag na ako kay Kuya Mario. Kukunin niya ang sasakyan mamaya" sabi ni Jerome habang naglalakad kami papasok sa loob ng airport.

Hindi kasi ako masyadong nagsasalita. Dala siguro ng pangyayari kahapon. Ramdam na ramdam ko parin kasi yung sakit sa pag-iwan nanaman sakin ni Francisco.

"Lets go?" patanong na sabi sakin ni Jerome habang inaantay niyang ihawak ko sa kamay niya ang kamay ko. Naglakad na kami papasok sa loob ng plane.

Sa window seat ako nakaupo.

"Komportable ka ba sa pwesto mo?" tanong sakin ni Jerome.

Tumango lang ako sa kanya at ibinalik ko ang atensyon ko sa bintana.

"Ladies and gentlemen, the Captain has turned on the Fasten Seat Belt sign. If you haven't already done so, please stow your carry-on luggageunderneath the seat in front of you or in an overhead bin. Please take your seat and fasten your seat belt. And also make sure your seat back and folding trays are in their full upright position"

Bahagyang inilapit ni Jerome ang katawan niya sa kinauupuan ko at inayos niya ang seatbelt ko. Matapos yun ay nginitian niya ako.

"Matulog ka na muna.. Matagal tagal ang biyahe natin Den.. May connecting flight pa tayo kaya kailangan full energy ka" nakangiting sabi ulit ni Jerome sakin. Matapos iyon ay naramdaman ko na ang pag-andar ng sinasakyan naming eroplano.



Author: Maraming salamat po :)
Nakakasipag mag update kapag may comments, reactions and like :)

Ang Manliligaw Kong Bully Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon