I'm happy for you Den.

1.2K 64 3
                                    

Chriden PoV

Den!!!!! Den!!! Gumising ka!!!!!!" bigla akong napamulat nung narinig ko ang malakas na pagsigaw na naggagaling sa labas ng bahay namin.

"Kapag ikaw hindi pa nagising susunugin ko ang bahay niyo!" dugtong pa niya. Isang babae lang ang kilala kong ganitong kabalahura ang bunganga! Si Sheryl! Agad akong bumangon at kaagad kong binuksan ang pintuan ng bahay namin.

"Bakit ba kaaga aga eh nandito ka? Kung makasigaw ka pa daig mo pa kapitan ng barangay!" reklamo ko sa kanya.

"Talagang lalaban akong kapitan ng barangay! Ako si Kapitan Tutan!" sagot niya at nagdire-diretso na siya dito sa loob ng bahay namin.

"Bakit nga ba nandito ka?" takang tanong ko sa kanya.

"Ikaw ang dapat kong tanungin kung bakit nandito ka pa hanggang ngayon! Kagabi pa ako nagtetext sayo! Hindi ka man lang nasagot!" galit niyang sabi saken.

"Diba wala nga akong cellphone? Hindi pa ako nakakabili"sagot ko uli sa kanya.

"Yun nga ang text ko sayo eh, tinatanong kita king nakabili ka na ng bagong cellphone"

"Siraulo ka talaga!"

"Osya mag-ayos ka na. Nagyakag si Kerby sa Star city. Dinaanan lang talaga kita dito. Papunta na si Jerome dito para sunduin ka" huling sabi niya at lumabas na uli ng bahay namin.

Sabado nga pala ngayon kaya malaya kaming makakapaggala ni Sheryl. Hindi pa ba sila nagsasawa sa star city? Lagi nalang doon ang pinupuntahan namin. Hindi nanaman kami bata.

Kaagad na akong naligo at nag-ayos. Nagskinny jeans lang ako at simpleng damit pang-itaas. Havaianas na step-in at may suot akong maliit na bag.

Muli akong humarap sa salamin at napunta ang atensyon ko sa maliit na box na nasa gilid ng salamin ko. Kinuha ko iyon. Binuksan ko at tinitigan kong muli ang laman nito.

"Den nandito na ako.. Nandito na ang knight in shining armor mo" boses ni Jerome.

"Wait lang Jerome.. Palabas na rin ako.." sigaw ko at agad kong inilipag ang box na hawak ko.

Bagay sakin ah...

"Lets go.. Saan ba tayo magkikita kita?" nakangiti kong tanong kay Jerome.

"Oyyy... Ayaw mo bang sumama?" tanong ko uli dahil ayaw niyang kumilos at nakatingin lamang sakin.

"Mukhang good mood ka Den ah.. Halika na.. Kahit tayong dalawa nalang ang gumala" makahulugang sagot niya at hinila na agad ang kamay ko papalabas ng bahay namin.

Nalaman ko kay Jerome na sa star city na kami magkikita kita. Si Kerby at Sheryl lang pala ang kasama namin dahil may lakad daw si Brille at si Allen.

"Gusto mo munang kumain?" alok niya sakin.

"Dun na siguro sa star city.. Para sabay sabay tayo nila Sheryl" sagot ko sa kanya habang pinapakialaman ko na ang ipad niya.

Hindi na uli ako nagsalita pa dahil naging busy ako sa paglalaro sa ipad niya. Nawili ako dun sa wordscape. Ang galing ko nga eh. Naubos ko yung coins na naipon ni Jerome para magkaroon ng clue yung hinuhulaang salita.

"Mamaya na ulit yan Den.. Nandito na tayo" sabi niya sakin kaya inilapag ko na muna yung ipad at kaagad na kaming bumaba ng sasakyan. Dire-diretso na kaming nakapasok dahil may hawak ng ticket si Jerome para saming dalawa.

Napadaan kami ni Jerome sa madaming teddy bear. Napangiti nga ako dahil naalala ko yung binigay sakin ni Francisco na malaking teddy bear na hanggang ngayon ay nasa kwarto ko pa. Napatigil din ako dun sa mga taong nagmamagic. Yung pagbukas ng wallet eh may apoy na lumabas. Namangha nanaman ako.

Ang Manliligaw Kong Bully Book IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon