"SAAN TAYO pupunta?"
Kahit hindi siya sigurado kung saan siya dadalhin ni Isaac ay wala siyang nagawa nang mga magulang na niya ang tumulak sa kanya papasok sa kotse nito. Hindi naman niya maitanggi ng kabang nararamdaman dahil hindi siya sanay lumabas ng bahay. Wala pa siyang ganoong oras para makihalubilo sa ibang tao.
Hindi sumagot si Isaac sa tanong niya. Nakita na lamang niya ang sarili habang bumababa sa kotse nitong bigla na lang huminto sa isang parke.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong niya rito nang makababa na sila. Inilibot niya ang paningin sa buong parke. May mga nakita siyang iilang tao. Bigla naman siyang kinabahan sa mga batang halos ilang metro lang ang layo sa kanila at rinig na rinig niya ang mga tawanan ng mga ito. Bigla niyang ipangtakip ang mga kamay sa kanyang tainga. Bumibilis ng tibok ng puso niya. Nginig ang katawang napatalikod siya sa mga batang naglalaro sa parke. Maglalakad sana siya pabalik ng kotse ni Isaac nang may biglang humablot ng braso niya.
"Labanan mo 'yang takot mo. Hindi habangbuhay tatakbuhan mo ang kinakatakutan mo."
Nakita na lamang niya ang sarili na nakasandal sa matikas na dibdib ni Isaac. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Tila gumaan ang pakiramdam niya ngayong nasa tabi niya ng binata. Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Mariin niyang naipikit ang mga mata nang maramdamang inilayo ni Isaac ang katawan sa kanya.
"Open your eyes, baby," narinig niyang sabi ni Isaac. "The world can offer you so much beauties that should not be afraid of."
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata pero sa lupa nakatutok ang kanyang paningin. Nanlaki naman ang mga mata niya nang hawakan ni Isaac ang baba niya at iniangat ang kanyang mukha. Tumambad sa kanya ang maaliwalas nitong mukha. Hindi nakangiti pero hindi rin nakasimangot. Wari niya'y nakangiti ang mga mata nito sa kanya.
"Instead of being afraid, why don't we enjoy the day?"
Napasunod na lamang siya rito nang hilahin siya nito hanggang sa isang bahagi ng parke na walang masyadong tao. May nakita siya roong 'padulasan' kung tawagin ng mga bata. Nakaramdam siya ng pananabik habang nakatitig doon. Never in her entire childhood life she's been in that kind of place. Halos wala siyang maalalang magandang memories noong kabataan niya.
"Do you wanna try it?"
"N-No," mabilis na tanggi niya. "That's for children only."
Laking gulat naman niya nang umakyat si Isaac at walang arteng nagpadulas doon. Halos mapanganga siya nang ilang beses na ulitin iyon ng binata. Hindi niya alam kung tama bang inggit ang nararamdaman niya habang pinapanood ang binata na parang bata kung mahpadulas doon. Bigla naman siyang kinabahan nang lumapit sa kanya si Isaac at hilahin siya palapit sa 'padulasan'.
"Try it!" pilit nito sa kanya.
"N-No! Please," marahas niyang tanggi.
"Just try it once. Kasama mo ako."
She didn't know why she felt the security from Isaac when he said that. Nakagat niya ng labing napatingin sa 'padulasan' na iyon. Why not? Nakita na lamang niya ng sariling umakyat at naupo sa taas, hinanda ang sarili para magpadulas doon. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita niyang tumayo si Isaac sa dulo at hinihintay siya.
"Umalis ka d'yan," aniya. "Mabubunggo kita."
"Just go."
She wants to sign a cross. Mariin niyang naipikit ang mga mata at handa nang sumigaw hanggang sa tinulak niya ang sarili pababa. She found herself screaming in fear until she felt herself lifted. Ganoon na lamang ang bilis ng tibok ng puso niya nang maramdaman niyang nasa baba na siya. Ayaw niyang imulat ang mga mata. Natatakot na sariling nararamdaman. She didn't want to admit that she even enjoyed it.
"Open your eyes, baby."
Kagat-labing unti-unti niyang naimulat ang mga mata at tumambad sa kanyang harapan ang mukha ni Isaac. Hindi niya napansing dalawa na pala silang nakasalampak sa damuhan.
"Did you enjoy it?"
Kinapa niya ang sariling damdamin. Even she felt that fear that has been eating her in her entire life, there is still the feeling of gladness that she is able to do it. Tumango-tango siya bilang sagot sa tanong ng binata. Bigla naman siya nitong hinawakan sa kamay at hinila siya patayo.
"Let's play the swing."
Biglang nagalak ang puso niya sa sinabi ng binata. Pakiramdam niya ay bumabalik siya sa pagkabata. She felt so thankful to Isaac that he let her feel the 'childhood memories'. Binitawan nito ng kamay niya at naupo sa isa sa mga duyan sa parke.
"Halika," yaya nito. "Dito ka sa kabila."
Kahit kinakabahan ay sumunod siya. As long as she felt the coldness of the swing, it makes her shiver. May parte ng kanyang puso ay natutuwa sa mga nararanasan ngayon na hindi man lang niya napagdaanan dati.
"Gusto mo itulak kita?"
Bigla siyang gulat na napatingin sa binata. Binalot naman ng takot ang mukha niya na kinabigla ng doktor. Mukhang nahalata naman nito ang takot sa mukha niya.
"I mean, sway? Marahan lang. Promise?"
Napalunok siya suhestyon ng binata. Hindi niya alam kung kakayanin niya pero hindi niya malalaman kung hindi niya susubukan. Tumayo si Isaac at pumwesto sa likod niya. Nanginig ang katawan niya at napahigpit ng hawak sa bakal ng duyan nang maramdamang hinawakan na rin ni Isaac ang bakal. Unti-unti niyang nararamdaman ang mahinang paggalaw ng duyan.
She wants to cry, but not because she is afraid. It is the feeling that she never felt before. Napakalaki pala ng parte ng kabataan niya ang nawala sa kanya. Ni hindi man lang niya naramdaman ang magkaroon ng mga kalaro. Ni hindi man lang niya naranasang makipaghabulan sa ibang bata. Hindi man lang siya nabasa ng ulan habang nakikipagtampisaw sa kalaro niya. Hindi man lang niya naranasang magalusan dahil sa pakikipaglaro ng patintero, luksong-baka o kaya'y chinese garter.
Until she saw herself crying in depression. Hanggang sa hikbi na lamang niya ang bumalot sa parteng iyon ng parke. Naramdaman niyang tumigil si Isaac sa pagduduyan sa kanya at lumipat ito sa kanyang harapan.
"Are you okay? Bakit? May problema ba?" hamig ang pag-aalala sa bosws ni Isaac.
Pero sunod-sunod na iling lang ang ginawa niya. Pinunasan niya ang mga luhang bumasa sa kanyang mukha. Hinawakan ni Isaac ang mga kamay niya at pinatayo siya. Kinulong siya nito sa mga bisig nito. Inilabas niya ang lahat ng lungkot sa dibdib ng binata. Hindi na niya napigilan ang mga luhang dumadaloy sa kanyang sarili.
"Sshh. Kahit masakit, minsan kailangan mo ring ilabas ang nararamdaman mo. Don't worry, I will always be by your side. I will never leave you."
Isaac hugged her tightly. She found herself crying on her side. For the very first time, she has someone she can lean on.
BINABASA MO ANG
BOOK 5: Margaux, The Lost Smile [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #5: Margaux, The Lost Smile Margaux is diagnosed of gelotophobia; the fear of smile and laughter. Since her childhood days, she was afraid to play with her classmates and friends. She used to stay at home and never to com...