Epilogue

4.1K 89 12
                                    

PINAGMAMASDAN ni Margaux ang masasayang mukha ng kanilang bisita. Hindi niya maiwasang mapangiti na sa wakas ay kaya na niyang maging masaya. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang asawa na hindi siya sinukuan. Hindi na naman siya nagulat nang bigla siyang yakapin ni Isaac mula sa kanyang likuran.

Nandoon sa condo unit nila ang mga magulang niya at mga magulang ni Isaac. Nandoon rin ang lolo niyang excited ng malaman ang kasarian ng apo. Dumating rin ang mag-asawang Janelle at Ethan. Sa wakas ay kinasal na rin ang dalawa, isang buwan na ang nakakalipas. Dumating rin ang kapatid ni Janelle na si Julianne kasama ang asawa nitong si Joseph at ang isang taong gulang na anak.

Excited na siyang i-announce sa mga bisita ang gender ng kanilang anak ni Isaac. Napangiti naman siya nang hawakan ng asawa ang pitong buwan niyang tiyan. Last week ay nagpa-ultrasound na siya at ngayo'y nga ang magiging gender revelation niya. Maging ang asawa niya'y hindi alam. Gusto niyang masurprise ito.

"Iputok na 'yan!" sigaw ni Ethan. "Excited na si kuya! Magiging tatay na!"

Kinuha niya ang isang box ng balloon.  Tinulungan naman siya ng kanyang asawa na ipamigay iyon isa-isa sa mga bisita nila. Halo ang kulay ng ballon. May blue at pink para malito pa rin ang mga bisita nila. Pagkatapos ay binigyan niya rin ang asawang halatang hindi na mapakali.

"You need to pop up the balloon. Sa loob ng isa sa mga ballon na 'yan ay may papel kung saan nakasulat ang gender ng baby namin," paliwanag niya.

"O, siya, siya. Sabay-sabay tayo," pangunguna ng asawa niya. "Oy, sigaw agad, ah! Oh my god, kinakabahan na ko."

"Dito natin malalaman kung sinong mas nanaig sa kama!" sigaw ni Ethan.

Halos napuno ng tawanan ng buong unit nila. Pingmasdan niya ang mukha ng asawa na halatang kinakabahan.

"O, bibilang ako," aniya. "Isa! Dalawa! Tatlo!"

At ganoon na lamang ang tawa niya nang makita ang mga bisita nila na isa-isang inupuan ang mga lobo. Natatawa silang lahat sa kalokohan niya. Sige naman ang hanap ng mga ito sa papel kung saan nakasulat ang gender ng baby nila.

At ganoon na lamang ang ngiti niya nang makita ang lolo na tinaas ang kamay na may hawak na maliit na papel. Maging ang asawa niya'y nanlaki ang mga mata sa sinigaw ng lolo niya. At napuno ng palakpakan ang buong lugar.

"It's a baby boy!"

"It's a baby boy!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
BOOK 5: Margaux, The Lost Smile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon